JERRY OLEA
Nag-i-start na ang tsismis history sa pagitan ng dalawang aktor — isang pogilicious at isang moreno — na magkasama sa isang proyekto.
Mali ang akala ng mga Marites na magkaka-something sa pagitan ng pogilicious actor at kontrobersiyal na co-star na tisoy.
Pansin mismo ng mga kasamahan nila sa proyekto na mas magiliw ang pogilicious actor sa co-star na moreno, brusko, at magaling sumibasib ng halik.
Nang uriratin ng PEP Troika ang isang mahusay na aktres na kasama sa proyekto tungkol sa historical tsismis, tawa lang ito nang tawa na tila kinikilig pa.
E, kasi naman, kapag may shooting si pogilicious actor, “request” niya na dapat nasa set din ang morenong aktor. Obvious na masaya si pogilicious actor kapag present sa set ang kanyang kaibigan.
Dudutdutin pa ba natin ang story/history ng kanilang panalong ugnayan?
Nakikini-kinita ko ang mataginting na halakhak ng badiklang manager ng morenong aktor hinggil sa kaganapang ito.
NOEL FERRER
Hindi na bago ang usap-usapan tungkol sa pogilicious na malapit din sa atin.
Balitang generous talaga ito sa pagpapakita ng paggiliw sa mga type niya, tulad na lang ng isang mapagbigay na singer-actor na nakausap natin minsan sa radyo, di ba?
Pero generous naman si pogilicious actor sa mga kaibigan, di ba, Tito Gorgeous? Kaya nga siya well-loved.
GORGY RULA
Ang hirap kapag napagdudahan ang kasarian mo, nabibigyan ng malisya ang closeness ni pogilicious actor sa kapwa aktor.
Bakit ayaw bigyang-malisya ang closeness niya sa kanyang leading lady? Ay! Close ba sila ni leading lady?
Pero baka naman friends lang talaga sina pogilicious actor at morenong aktor? Kasi, di ba, ang badiklang manager nitong si morenong hunk actor ay naging bahagi rin sa pag-i-start ni pogilicious actor sa showbizlandia?
Maaring magaganda ang mga sinasabi ni badiklang manager sa alaga niyang si morenong aktor, kaya nakipagkaibigan na ito kay pogilicious actor.
Huwag na sigurong dagdagan pa ng ganoong tsismis sa oras ng trabaho. Makakadagdag-isyu pa ito at problema sa ginagawa nilang project.
At least, maganda ang samahan nilang mga artista, hindi nag-iisnaban.
