GORGY RULA
Naudlot ang planong magka-baby ni Yasmien Kurdi at ng asawa niyang si Rey Soldevilla.
Matagal nang gustong sundan ng mag-asawa ang panganay nilang anak na si Ayesha, kaso nagka-pandemic. Ngayong puwede na, saka naman dumami ang trabaho nila.
Read: Yasmien Kurdi, handang-handa nang magka-baby number two
“Dapat noon pa kami nagpaplano ni Rey na magka-baby. After nung 7th birthday ni Ayesha. Pero kasi, biglang nagka-pandemic.
"So, in-advise din sa akin ng doctor na huwag na muna. Kasi, nung time na yun, grabe nga yung surge. So, natakot din kami.
“Pero ito, biglang grabe din naman yung work. Medyo busy na rin kami. Kaya kung kailan na lang talaga ibigay ni Lord, e, di go. Tatanggapin naman namin,” pahayag ni Yasmien nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Linggo, August 28, 2022.
Magpu-focus daw muna si Yasmien sa trabaho, lalo na’t excited siya sa Kapuso primetime series na Start-Up Ph. Bago raw sa kanya itong role na ipinagkatiwala sa kanya.
Saad ng Kapuso actress, “Kaya tinanggap ko ang role na ito kasi medyo out of the box siya for me.
“It’s my first time portraying this kind of role. It’s something different para sa akin. Kasi, for my typical characters in the past, di ba?
“Before kasi, lagi na lang akong inaapi, laging madrama. Pero this time, kakaiba siya dahil, yun nga e, tungkol sa business.
“It’s something different in my career. It’s something different for me na mae-excite ako sa work.”
Bukod pa riyan, fan daw siya ng Start-Up ng South Korea kaya paulit-ulit niya itong pinanood para pag-aralan ang role ni Kang Han-na.
Siya naman daw si Katrina "Ina" Diaz dito sa Start Up Ph.
JERRY OLEA
Ang dami raw natutunan ni Yasmien sa pagri-research niya sa role niya sa Start-Up Ph.
“May mga preparations po ako ako for the show. Kasi, una sa lahat, kailangan kong mag-trim down ng weight kasi para sumakto sa akin ang pasusuutin.
"Kasi medyo fashionista siya, e. Kaya medyo slick, modern, sophisticated na office attire ang laging suot ko dito,” lahad ni Yasmien.
“Ano kasi siya, very driven yung character ko. So, I think medyo na-change ko rin yung voice.
“Nag-undergo din ako for personal classes ko for speech class. Nag-speech classes ako for the show.
“Nag-observe ako ng maraming TED talks online, kung paano nga ba magsalita in front of people. Kung paano gumalaw. Kasi marami kami dito… may hackathon kami.
“So, we have to stand in front of people and explain the whole app or the whole thing that we’re working on tungkol sa business.
“So, talagang ano siya… para siyang isang malaking presentation. Parang gumagawa ka ng isang malaking presentation for your work. Parang ganun ang dating talaga.
“Ang dami kong natutunan. Kasi, when it comes to posture, to movements kung paano ka mag-introduce.”
NOEL FERRER
Happy siyempre tayo para kay Yasmien Kurdi na kilala bilang mahusay na artista.
Sana, mapabilis na ni Yasmien ang pagpapalabas ng kanilang telenovela na dati pa nating nabalitaan at inaabangan!
Bakit nga ba nababalam ang taping at pagpapalabas ng Start-Up Ph? Kung ganito na ang nangyayari sa unang tambalan nina Bea at Alden, paano kaya ang kanilang nakaplanong pelikula? Mas mapapabilis na kaya yun?
Sana naman, bago ito mabantilawan.