PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What We Could Be nina Miguel at Ysabel, maganda ang simula sa ratings

Finale concert ng He's Into Her ng DonBelle sa Big Dome, successful!
by PEP Troika
Published Aug 31, 2022
What We Could Be starring Ysabel Ortega and Miguel Tanfelix
Patok ang bagong tambalan nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix (upper left) sa Kapuso prime-time series na What We Could Be. Ka-love triangle nila sa serye si Yasser Mata (lower left). Pinakilig naman nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang fans sa finale concert ng He's Into Her.
PHOTO/S: What We Could Be Traler / @belle_mariano Instagram

GORGY RULA

Maganda ang resulta ng ratings pati ang feedback sa bagong feel-good Kapuso primetime series na What We Could Be na nagsimula noong Lunes, August 29, 2022.

Naka-9.3% ang prime-time series nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, samantalang 3.1% ang katapat na A Family Affair sa A2Z at sa ibang istasyon.

Nung Martes naman ay tumaas pa, dahil naging 10.8% ang What We Could Be, at 5.3% ang katapat nitong 2 Good 2 Be True.

Ysabel Ortega on What We Could Be

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalabas na nagustuhan ng mga manonood itong bagong drama series na collaboration ng Quantum Films sa GMA-7. Maganda kasi ang kinalabasan ng seryeng ito nina Miguel at Ysabel, kaya nagustuhan ng kanilang fans.

Masayang pahayag ni Ysabel, "I’m so grateful! Sobrang binuhos po namin ang puso namin sa show na ‘to, at sobrang minahal ko po ang role ko as Cynthia. Kaya happy po ako na nagustuhan ng mga viewers ang show namin.

"Marami pang dapat abangan. Kaya sana po, patuloy sumubaybay ang ating mga Kapuso.”

Sabi naman ni Miguel, “Patuloy niyo pang subaybayan gabi-gabi ang What We Could Be, kasi simula pa po lang kami.

"Marami pa po kayong malalaman sa story at tiyak po akong magugustuhan ninyo ito. Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik.”

Miguel Tanfelix on What We Could Be

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Ito bang Ysabel-Miguel tandem ang pantapat ng GMA 7 sa tambalang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano?

He's Into Her finale concert

Matagumpay ang finale concert ng He’s Into Her na pinangunahan nina Donny at Belle noong Agosto 27, 2022, Sabado ng gabi, sa Araneta Coliseum.

DonBelle concert at the Big Dome

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinakasa na rin ang bagong DonBelle movie na An Inconvenient Love.

At any rate, noong Sabado ng gabi ay nag-finale episode na sa GMA-7 ang Jose and Maria’s Bonggang Villa, na naka-12.2%.

DongYan sitcom

Simula sa darating na Sabado, September 3, ang pupuwesto sa nagtapos na sitcom nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay ang Running Man Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Sabado night ay nagtala ang 24 Oras ng 11%, kumpara sa TV Patrol na naka-2.1%.

Ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ay naka-11.4%, kumpara sa Idol Philippines na naka-4.6%.

NOEL FERRER

Nag-finale na rin noong Agosto 28, 2022, Linggo, ang Daig Kayo ng Lola Ko, at ookupa sa timeslot nito ang Running Man Philippines.

Live ang All-Out Sundays na naka-4.8%, compared sa ASAP Natin ‘To na naka-2.7%.

Ang GMA Blockbusters ay 3.9%, at ang pilot episode ng The Wall Philippines ay naka-4.1%, laban sa FPJ Da King na 3.3%.

Ang Regal Studio Presents ay 4%, at ang Amazing Earth ay 5.8%. Ang 24 Oras Weekend ay 11.9%, laban sa TV Patrol na 1.9%.

Ang season finale ng Daig Kayo ng Lola Ko ay 10.2%, laban sa Idol Philippines na 3.5%.

Ang Happy ToGetHer ay 12.4%, ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 17.5%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 5.1%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patok ang bagong tambalan nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix (upper left) sa Kapuso prime-time series na What We Could Be. Ka-love triangle nila sa serye si Yasser Mata (lower left). Pinakilig naman nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang fans sa finale concert ng He's Into Her.
PHOTO/S: What We Could Be Traler / @belle_mariano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results