Cultural Center of the Philippines, pansamantalang isasara para sa major renovation

by PEP Troika
Sep 2, 2022
ccp building
Cinemalaya Monitorning Committee Chairman Jose Javier Reyes on renovation of the Cultural Center of the Philippines: “Kailangan. Since it was built more than fifty years ago, CCP has never gone through any major renovation and upgrade. Ang dami nang sira ng CCP, ang dami nang kailangang palitan at i-upgrade. Major renovation talaga. Ipinaliwanag sa amin. Grabe, kasi nga seawater ang nagsi-seep in sa foundation."
PHOTO/S: Cultural Center of the Philippines Facebook

JERRY OLEA

Magsasara ng dalawa hanggang tatlong taon ang Cultural Center of the Philippines (CCP) umpisa Enero 2023 para sa major renovation.

Inihayag ito ni CCP President Margarita Moran-Floreindo sa Senate cultural communities committee hearing noong Setyembre 1, 2022, Huwebes.

“We are now renovating the whole building and structural retrofitting," sabi ni Miss Universe 1973 sa Senate hearing.

Limampu’t tatlong (53) taon na ang CCP, na itinatag sa bisa ng Executive Order No. 30 s. 1966 ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Nang simulan ang pagkumpuni sa Tanghalang Aurelio Tolentino o CCP Little Theater, nadiskubreng marami pang dapat ayusin sa makasaysayang gusali.

Nakatsikahan ng PEP Troika ang multi-awarded scriptwriter/director na si Jose Javier Reyes kaugnay sa pagsasara ng CCP.

Si Direk Joey ang chairman ng monitoring committee ng Cinemalaya filmfest, na ang tahanan ay ang CCP.

“Kailangan. Since it was built more than fifty years ago, CCP has never gone through any major renovation and upgrade,” pahayag ni Direk Joey nitong Setyembre 2, Biyernes, via Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang dami nang sira ng CCP, ang dami nang kailangang palitan at i-upgrade. Major renovation talaga.

“Ipinaliwanag sa amin. Grabe, kasi nga seawater ang nagsi-seep in sa foundation.

“Yung plano kasi is to build alternative venues… pero dumating ang pandemic.

“Yung pera meant for these alternative venues, napunta sa aid.

“So, yyung natira, nilaan sa buong CCP renovation. Mga three years iyan. So next year, Cinemalaya will be at PICC most likely.”

Umpisa Nobyembre ay babakantehin na ang mga opisina ng CCP.

Malamang na sa Design Center of the Philippines lumipat ang upisina ng Artistic Department, samantalang ang Executive Offices ay baka sa Ramon Magsaysay Building lumipat.

GORGY RULA

Ang Cultural Center of the Philippines ay itinayo noong panahon ng matandang Marcos, si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr.

Ang renovation nito ngayon ay nasa administrasyon ng batang Marcos, si President Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi naman ng Pangulo sa kanyang unang SONA na bibigyan niya ng suporta ang ating sining at kultura. Maaring isa na ito sa ipinangako niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, ipaayos na rin ang Folk Arts Center at Manila Film Center.

NOEL FERRER

Kailangang maghanap ng mga alternative venues ang mga panooring kultural tulad ng Cinemalaya at Virgin Labfest na karaniwan nang inaabangan sa CCP.

Malamang, tumatag pa at lumakas ang art councils sa iba’t ibang lugar para hindi lang yung sa Manila, at yung "the true, the good, and the beautiful" lang ang ipakita sa ating mga mamamayan.

Ang aabangan ko ay ang 50th anniversary ng martial law sa Setyembre 21. Paano kaya ito gugunitain ng mga artistic at cultural groups sa kasalukuyang panahon?

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy pa rin ang mga kaganapan at pagtatanghal sa CCP.

Ngayong Setyembre 2, Biyernes, ng 5:00 p.m. ang conferment ceremonies ng Gawad Sining para sa CCP 2020 sa Tanghalang Nicanor Abelardo o CCP Main Theater.

gawad sining

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KABATAANG GITARISTA

Setyembre 10, Sabado ng 2:30 p.m. ang 10th Anniversary Recital ng Kabataang Gitarista (KG) sa Tanghalang Huseng Batute o Studio Theater ng CCP.

Ang tickets ay FREE. Ito ay ipamamahagi simula 1:00 ng hapon sa Setyembre 10, first-come, first-served basis.

kabataang gitarista

Ang Kabataang Gitarista (KG) ay grupo ng public high school students na hinuhubog sa pagtugtog ng classical guitar. Ang mga mag-aaral na ito ay nakakakuha ng libreng classical guitar training mula kina Dr. Ivar-Nicholas Fojas, Fernando Sy-Changco III, David Tiongson, at Edel Mark Bitao sa tulong ng mga sponsors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MUSIKAL II

Setyembre 10 rin, Sabado ng 8:00 pm naman ang musical revue treat na MUSIKAL II sa Tanghalang Nicanor Abelardo kaugnay sa pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng nangungunang institusyon ng sining at kalinangan sa bansa.

musikal II

“KATOTOHANAN, KABUTIHAN AT KAGANDAHAN – THE GOLDEN LEGACY CONTINUES,” pagbabando ng CCP sa kanilang Facebook page.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This event is invitational but certain sections are FREE and open to the public. Tickets for the public will be released at the CCP Main Ramp two hours before the performance on a first-come, first-served basis.”

THE CCP DANCE SERIES

Setyembre 23, Biyernes, magbabalik ang dance season sa CCP. Apat na produksyon ang itatanghal sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).

Ipagdiriwang ang Philippine Dance sa mga palabas na Pulso Pilipinas I, Pulso Pilipinas II: Alay nina Alice at Agnes, Premiere and Encores, at Puso ng Pasko.

Ang Alice at Agnes na tinutukoy ay ang National Artists for Dance na sina Alice Reyes at Agnes Locsin.

the dance series

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CCP BLACK BOX THEATER

Ipinagmamalaki ng CCP ang “unboxing” o formal inauguration ng Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) o TIG sa Setyembre 8, Huwebes ng 5:30 p.m.

Pasisimulan ang pasinaya ng programa sa labas — Ritual Offerings ng Ramon Obusan Folkloric Group (ROFG), at unveiling ng TIG logo at the First Performance Season.

Kasunod nito ang performances at audio-visual presentations sa loob ng auditorium — Lumbera and San Pedro’s “Araw-Araw Sa Maynila;” a tribute to Ignacio Gimenez; excerpts from the plays of Wilfrido Ma. Guerrero; dance/video performances; excerpts from the 1st Season at the TIG, including Tanghalang Pilipino’s “Anak Datu,” Repertory Philippines’ “Carousel,” De La Salle College of St. Benilde’s “Ang Dakilang Teatro ng Daigdig;” Ternocon’s Winning Designs with ROFG dancers; and a performance by tenor Arthur Espiritu.

The program’s finale will include excerpts from “Aurelio Sedisyoso,” “Kanser the Musical,” and “Mabining Mandirigma.” Tickets are INVITATIONAL.

unboxed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANAK DATU

Rody Vera’s Anak Datu ang inaugural production ng bagong tayong Tanghalang Ignacio Gimenez mula Setyembre 16 hanggang Oktubre 9. Ito ang kick off ng 36th Season ng Tanghalang Pilipino.

Ang palabas ay base sa orihinal na kuwentong Anak Datu ni National Artist Abdulmari Imao.

TRIPLE THREATS

Kasado na rin ang Triple Threats sa CCP Black Box Theater. Live concerts ito na tampok sina Markki Stroem (Oktubre 14), Arman Ferrer (Nobyembre 18) at Poppert Bernadas (Disyembre 21).

triple threats

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Facebook post ng CCP, “Enjoy a vast repertoire of songs from original Filipino musicals, Broadway, West End and the movies.

“Dubbed as a series of ‘concept concerts,’ the narrative of the performance is dictated by the song choices of the artists themselves.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cinemalaya Monitorning Committee Chairman Jose Javier Reyes on renovation of the Cultural Center of the Philippines: “Kailangan. Since it was built more than fifty years ago, CCP has never gone through any major renovation and upgrade. Ang dami nang sira ng CCP, ang dami nang kailangang palitan at i-upgrade. Major renovation talaga. Ipinaliwanag sa amin. Grabe, kasi nga seawater ang nagsi-seep in sa foundation."
PHOTO/S: Cultural Center of the Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results