Pauleen Luna, nagulat sa reaksiyon ni Tali nang tanungin kung gusto nito maging artista

by PEP Troika
Sep 3, 2022
Pauleen Luna, Vic Sotto, and Tali
Pauleen Luna on daughter Tali's experience on the set of Net25's Love, Bosleng and Tali: "Medyo mahirap nung una kasi para siyang naglalaro talaga. So, kahit in the middle of the scene, magsasabi siya ng kung ano ang gusto niyang sabihin. And then, eventually nakailang taping na kami, naintindihan na niya."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

GORGY RULA:

Tuwang-tuwa si Pauleen Luna na ikinuwento sa PEP Troika na in-enjoy nang husto ng anak niyang si Tali ang face-to-face na pag-aral.

Nagsimula na itong pumasok bilang pre-kinder at sobrang excited daw ito dahil hindi na online, kaya nakakahalubilo na niya ang classmates niya.

"Friends na niya agad ang mga kaklase niya," text ni Pauleen sa amin.

Magpa-five years old pa lang si Tali kaya ang dami pa raw nitong gusto. Kaya hindi pa siya puwedeng tanungin kung ano ang gusto nito paglaki.

Naloka lang daw siya nang minsan ay tinanong daw niya kung gusto nitong maging "actor," ang bilis daw ng sagot ng bagets ng "No!"

"Nung una natakot pa kami kasi sabi ko, 'Anak, you want to be an actor?' Tapos sabi niya, 'No!' Sabi niya, 'I want to be an actress!'

"Nag-panic ako kasi wala namang pilitan ito, di ba? Hindi naman namin puwedeng pilitin ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi four lang siya, e. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Biglang, 'I want to be an actress,'" natatawang kuwento ni Pauleen nang nakatsikahan namin sa DZRH kamakailan.

Nakikita raw nilang na-e-enjoy ni Tali ang taping nila sa bagong show nilang Love, Bosleng and Tali.

Ilang episodes na ang nai-tape nila, nakasanayan na raw niya ito at sumusunod na raw sa script at instructions na binibigay sa kanya.

"Medyo mahirap nung una kasi para siyang naglalaro talaga. So, kahit in the middle of the scene, magsasabi siya ng kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Kunwari sa simula ng eksena, kami lang ang nag-uusap tapos nandun lang siya. Sumasama siya sa tsikahan. 'What? What did you say?' Sumasali siya bigla.

"O kaya minsan nag-uusap kami sa eksena, tapos biglang, 'Mom, I want chocolate. I’m hungry.' Gumaganun siya. Parang hindi pa niya naintindihan na may linya kami.

"So, nung una iyun ang naging challenging. And then, eventually nakailang taping na kami, naintindihan na niya. Parang kinu-cue siya kung kailan turn niyang magsalita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nakakaaliw pa rin daw ang partisipasyon ni Tali sa Love, Bosleng and Tali na magsisimula na bukas, September 4, Linggo, 6:00 p.m, sa Net 25.

Related stories:

JERRY OLEA:

Itong Love, Bosleng and Tali ay prinodyus ng Brightlight Productions na originally si Vic Sotto lang talaga dapat ang host.

"Ang original title niya was Bossingly Yours. Parang Lovingly Yours ganun. And then the pandemic hit. And then sinabi nila, isama na natin si Pauleen.

"Siyempre lumaki na si Tali, tapos nakikita na sa Eat Bulaga, and minsan pag nagsu-Zoom sila sa Daddy’s Gurl, nakikita, sumisingit-singit siya.

"Sabi, 'Isama na natin si Tali.' Kasi, parang kaya na niya," kuwento pa ni Pauleen.

NOEL FERRER:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag nasa Eat Bulaga si Tali, feeling talaga niya na part na siya ng Dabarkads. Excited siyang nakaabang na tawagin na siya para maging part sa ginagawa nila sa show.

"Pag nasa gilid lang siya, ang itsura niya, parang nakaabang na tatawagin siya. Yung itsura niya parang nakaabang, tapos kinukuwento ng yaya na, 'I wanna go, I wanna go.'

Tapos sinasabi ng yaya, 'Teka lang, hintayin na lang na tawagin tayo.'

"Tapos pag tawagin siya, tumatalon. Excited siya," kuwento ni Pauleen. Si Tali na kaya ang next Ryzza Mae Dizon na makabagong child wonder? Abangan!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna on daughter Tali's experience on the set of Net25's Love, Bosleng and Tali: "Medyo mahirap nung una kasi para siyang naglalaro talaga. So, kahit in the middle of the scene, magsasabi siya ng kung ano ang gusto niyang sabihin. And then, eventually nakailang taping na kami, naintindihan na niya."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results