Mestisong aktor, suportado ang sword play ng mapagpalang actor at gay lover; nagladlad din sa isla?

by PEP Troika
Sep 3, 2022
blind item
Nakakawindang ang pagsama ni mestisong aktor sa mga katropang bortalicious sa isang yayamaning isla. Supportive siya sa secret romance ng mapagpalang aktor at mayaman nitong karelasyon.

JERRY OLEA

Piping saksi ang mga halamang dagat ng yayamaning isla sa pagliliwaliw ng limang magkakatropang bortalicious ng alter world.

Isa sa pangkat ay ang kilalang negosyanteng nakipaghiwalay sa kanyang gandarang asawa na dugong-artista.

Lumadlad ang tunay na pagkatao ng kilalang negosyante dahil mas maliGAYa siya sa kapwa lalaki.

Katuwang ng kilalang negosyante sa pagsisid ang bulung-bulungan na karelasyon nito—ang makisig at pinagpalang aktor na hindi gaanong active sa local showbizlandia.

Ang makisig at pinagpalang aktor ay isa raw sa mga dahilan ng paghihiwalay ng kilalang negosyante at ng kanyang gandarang asawa.

Kaya malaya na si kilalang negosyante na makipaglaro sa pinagpalang aktor, kahit magpagulung-gulong pa sa mga kastilyong buhangin.

Nagbakasyon ang lover boys sa yayamaning isla kasama ang mga kabarkadang sumusuporta sa kanilang swordplay.

Doon ay malaya nilang nagagawa ang gusto nilang gawin alang-alang sa lollipops and roses.

Ang nakakawindang, nakakagulantang, nakaka-Lucrezia Borgia… ka-join sa kanilang grupo ang mestisong aktor na matagal nang pinagdududahan ang tunay na kasarian!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Iba talaga kapag kinokontra ang hiyaw ng damdamin.

Nakakaawa lang ang mga babaeng natanso ng mga “alter” na ito.

Samantalang itong si mestisong aktor… naku naku, sasabihin na naman, mabait naman ito, hamuna! Oo naman, marami naman talagang mababait na bading, ‘no?!

GORGY RULA

Narinig ko rin ang kuwentong iyan at marami pa akong nasagap. Pero napag-isip isip ko, buhay naman nila yun.

Karapatan nila kung ano ang gusto nilang gawin.

Pero ang dalawang aktor na ito ay may career na pinangangalagaan. Mahirap pa kung gusto nilang magpakatotoo.

Kaya hindi na namin inaasahang may aamin o may mag-a-out sa kanila. Hayaan na lang nating mamayagpag ang kanilang career.

Ang dinig ko ang isang aktor na kasama doon sa grupong nagbakasyon, galit na galit daw ang dating leading lady dahil feeling niya ay nagagamit siya nang bonggang-bongga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa paglipas ng panahon, humupa na ang lahat, at okay na ang lahat. MaliGAYa si aktor sa pinili niyang buhay, at maluwalhati si leading lady sa napili niyang love life.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakawindang ang pagsama ni mestisong aktor sa mga katropang bortalicious sa isang yayamaning isla. Supportive siya sa secret romance ng mapagpalang aktor at mayaman nitong karelasyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results