Angelu de Leon, pinapayagan ang anak na makipag-usap kay Joko Diaz

by PEP Troika
Sep 3, 2022
Angelu de Leon and daughter Nicole
Pasig 2nd district councilor Angelu de Leon (kaliwa), pinayagan ang anak niyang si Nicole (kanan) na makipag-usap sa ama nitong si Joko Diaz. Aniya, “Binigyan ko na siya ng liberty to get in touch with Joko. Kumbaga, sila na, wala na ako dun. Hindi ko na pinapakialaman.” (Photo credit: @angeludeleonrivera on Instagram/@truenicoledl on Instagram)

GORGY RULA

Tuwang-tuwa si Angelu de Leon noong nagkita kami sa Tiendesitas noong Biyernes ng umaga, September 2.

Kasama si Pasig City Mayor Vico Sotto, dumalo sila sa launch ng Pet Identification Project through Pet I-Chip Technology.

Mas naka-focus kasi ngayon si Angelu sa kanyang bagong responsibilidad bilang konsehal ng District 2 ng Pasig.

Suportado nila itong Pet Microchip Program, para ma-promote ang responsible pet ownership at target nilang maging rabies-free ang lungsod ng Pasig.

Ipinagmalaki pa sa amin ng actress/politician na naka-graduate na ang panganay niyang si Nicole sa kurso nitong Bachelor of Communication Arts sa Ateneo de Manila.

Pero tuloy pa rin daw sa pag-aaral ang kanyang anak kunsaan nagpi-pre Law ito sa Ateneo.

Si Nicole ay anak ni Angelu kay Joko Diaz, kaya kinumusta namin kung okay ba ang aktor sa kanilang anak.

Nasa tamang edad na raw ang kanyang anak, kaya hinayaan na niya itong makipag-communicate kay Joko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Binigyan ko na siya ng liberty to get in touch with Joko. Kumbaga, sila na, wala na ako dun. Hindi ko na pinapakialaman,” pakli ni Angelu.

“Pinapaalam lang niya sa akin kung magkikita o mag-uusap sila. Yun lang, hindi na ako nakialam.

“Nagkukuwento naman siya, e. Happy na ako dun. Saka labas na ako dun,” dagdag niyang pahayag.

Solong pinalaki ng aktres ang kanyang anak, at noon pa man ay hindi raw niya pini-pressure si Joko na magbigay ng sustento.

“He gives what he can give,” tugon nito.

Okay naman daw sila kung magkikita sila. Very civil lang. Ayaw na lang daw niyang gawing complicated ang lahat.

Ang mahalaga ay nandiyan ang respeto sa isa’t isa.

“Sabi ko nga, wala naman akong kaaway. Respeto na lang, di ba? Respeto na lang din.

“I don’t demand. Iniintindi ko na lang. May mga bagay na hindi na kailangan ng explanation. Kailangan ko na lang intindihin for your peace of mind and for my children,” nakangiting pahayag ni Angelu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nagpapasalamat si Angelu sa Diyos dahil nandiyan ang kanyang asawang si Wowie Rivera na laging nakasuporta sa kanya.

Malaki ang naitulong ni Wowie sa pagpasok niya sa pulitika.

“He is my God’s gift. Kasi talagang the support is there. The partnership is there, the love is there,” sabi ni Angelu.

Noong mga unang araw niya bilang konsehal ay medyo nahihirapan siya sa dami ng mga dapat asikasuhin at ayusin.

Pag-amin niya, “Nung una ay masakit sa brain. Pero masaya na siya ngayon.”

Hindi pa raw siya puwedeng tumanggap ng soap opera. Okay lang daw muna siya sa TV guestings.

Lahad niya, “Hindi muna ako sa soap opera, only because ang soap opera requires lock-in, and I cannot be absent for the sessions, for the committee hearings.

“As much as possible, gusto ko muna talagang tutukan ito. Pag okay na, siguro paunti-unti. Sa mga game shows lang muna ako. Guesting-guesting, puwede.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nami-miss din niya ang pag-arte, pero kailangan muna niyang tutukan itong bago niyang responsibilidad sa Pasig.

“Ang pagiging artista, pagiging aktor, hindi na yan mawawala sa dugo ko.

“Talagang hahanap-hanapin ko. So eventually babalik, pero gusto ko munang tutukan itong sinumpaan ko sa Pasig,” paninigurado ng actress-politician.

NOEL FERRER

May balita akong hangang-hanga ang mga tao kay Angelu sa Pasig dahil lagi raw siyang handa sa kanyang mga assignments sa City Council.

Dahil dito, ok na ok sa constituents niya kung tumakbo siya sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon dahil magaling daw talaga si Angelu.

Keep up the good work!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig 2nd district councilor Angelu de Leon (kaliwa), pinayagan ang anak niyang si Nicole (kanan) na makipag-usap sa ama nitong si Joko Diaz. Aniya, “Binigyan ko na siya ng liberty to get in touch with Joko. Kumbaga, sila na, wala na ako dun. Hindi ko na pinapakialaman.” (Photo credit: @angeludeleonrivera on Instagram/@truenicoledl on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results