Kilalang showbiz couple, kumpirmadong hiwalay na

by PEP Troika
Sep 3, 2022
blind item actress and actor
Siguradong marami ang malulungkot at manghihinayang sa pag-amin ng sikat na showbiz couple tungkol sa kanilang paghihiwalay.

GORGY RULA

May ilang nakausap ng PEP Troika na nagkumpirmang magkahiwalay na ang kilalang showbiz couple.

May ideya na rin sila kung ano ang dahilan ng hiwalayan, pero mas mabuting hintayin na lang ang pagsasalita ni aktres kaugnay rito.

Malungkot si aktres sa napagdesisyunan nilang mag-asawa, pero maayos daw ang hiwalayan at nag-uusap pa rin sila hanggang ngayon.

Nanatiling magkaibigan daw sila at maayos nila itong pinag-usapan.

Nakakalungkot ang balitang ito, pero kailangan daw umabot sa ganoong desisyon.

Ang isang tanong na hindi lang matiyak ng aming source ang sagot ay kung totoong magla-lie low na ba sa showbiz si aktres.

Isa raw ito sa sasabihin niya kapag puwede na siyang magsalita tungkol dito.

Mukhang may mababago rin sa showbiz career ni aktres pagkatapos ng hiwalayan.

JERRY OLEA

“Le coeur a ses raisons que la raison ne connaît point.”

Sinulat iyan ng French mathematician at Christian philosopher na si Blaise Pascal (1623-1662).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa English, ang ibig sabihin niyan, “The heart has its reasons which reason knows nothing of.”

Isang buwan pa lang ang lumipas mula noong masilayan nating magkasama ang showbiz couple sa isang star-studded event, kung saan marami ang nakapansin na malungkot ang mga mata ng aktres.

Totoo bang si aktres ang umalis sa kanilang tahanan, at naghahanap ng sariling bahay?

NOEL FERRER

Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan ang kilalang showbiz couple?

Napagod ba nang lubos ang puso ng aktres?

Abangan natin ang statement nilang dalawa.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siguradong marami ang malulungkot at manghihinayang sa pag-amin ng sikat na showbiz couple tungkol sa kanilang paghihiwalay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results