Comedienne na nagbago ng image, biglang dumami ang restrictions

by PEP Troika
Sep 6, 2022
blind item dumped materialistic actress
Hindi na ganun kadaling kausap si comedienne mula nang magbago ng image.

GORGY RULA

Naloloka raw ang production staff ng ilang shows na gustong i-guest si comedienne na papasikat na.

Bibidahin na ang dating ni girl dahil talagang iniba na ang image niya kumpara nung una siyang nakilala.

Dahil nabago ang image, maganda naman ang kinalabasan at ngayon ay may magandang project na nakalaan para sa kanya.

May ilang shows na gusto siyang i-guest, pero hindi na raw ganun kadali.

Ang dami palang pagdadaanan o mag-aapruba ng isang simpleng guesting sa isang weekly show.

Wala raw silang magawa kundi kailangan nilang maghintay sa desisyon ng mga nagma-manage kay girl.

Ang ikinaloka lang daw ng production staff, nung sinabihan daw sila ng handler na hindi na raw puwedeng lumabas ang alaga nila sa isang programang SPG o Strictly Parental Guidance ang MTRCB rating. Pang-wholesome na raw kasi siya.

Tila nagiging mapili na sila sa pagtanggap ng guestings ni comedienne na bibidahin. Mapanindigan kaya nila ang ganitong desisyon? Paano kung bigyan ng SPG ang pagbibidahan niyang project?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nating ipagtaka na baka ang ending, sa children’s show o religious program na lang makikita si magandang comedienne.

JERRY OLEA

Mahigit tatlong dekada na ako sa industriya kaya sa mga ganyang paandar ay tumitingala na lang ako sa langit o kisame sabay hugot ng mabining buntong-hininga.

Kesa mag-agam-agam ako sa ganyang isyu, ninamnam ko na lang ang linamnam ng Claus’ special pizza na Shrimp & Caroles sa Cafe Claus, Promenade, Greenhills, San Juan City.

Best selling sa restaurant ni Ken Chan ang nasabing garlic and shrimp pizza. Lasap na lasap ang sarap na nalalanghap!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

O, ingat lang sa pagkain ng shrimp at nakaka-high blood iyan kung maramihan. Pero kung sa Claus resto naman, safe ka diyan!

Back to this emerging girl, good luck. Sana, hindi ka lang produkto ng hype at huwag talagang maniniwala sa sariling publicity, ha?

Always be self-aware and be kind.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na ganun kadaling kausap si comedienne mula nang magbago ng image.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results