Direk Joel Lamangan, nagdilang-anghel tungkol sa pagiging best actor ni Sean de Guzman

by PEP Troika
Sep 7, 2022
joel lamangan smiling sean de guzman torture
Direk Joel Lamangan on Sean de Guzman: "Masaya ako at nanalo si Sean sa festival na iyon. Ako ang gumawa sa kanya. Ako ang nanganak sa kanya. Ako ang kanyang ina! Ako ang pumili sa kanya para sa Lockdown at sa Anak ng Macho Dancer na launching film niya."
PHOTO/S: Jerry Olea / File

JERRY OLEA

Natupad ang sinabi ni Direk Joel Lamangan tungkol kay Sean de Guzman sa storycon ng pelikulang Fall Guy noong Abril 17, Easter Sunday, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

“Ito po ang pelikula na siya talaga ang magdadala. Siya ang tatanghaling best actor sa mga susunod na panahon!” bulalas ng multi-awarded director sa pag-uumpisa ng storycon.

Read: Direk Joel Lamangan, nananalig na mananalong best actor si Sean de Guzman

Nitong Setyembre 4, Linggo, ay ibinalita ng line producer na si Dennis Facebook na tinanghal si Sean na best actor sa Chithiram International Film Festival sa India para sa Fall Guy.

fall guy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong pelikula naman ay Special Mention for Best International Feature Film.

fall guy

Nagpasalamat si Sean sa Facebook sa pagdidilang-anghel ni Direk Joel.

“Ganda ng balita ni Lord ngayong Sunday!” FB post pa ni Sean.

Ang Viva Artists Agency (VAA), nag-post agad ng artcard bilang pagbati kay Sean.

“Your Viva family is so proud of you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-google search ako sa Chithiram International Film Festival.

“First year running” pa lang pala ito, at napakarami nitong awards na ipinamahagi.

Ayon sa website (Film Freeway) nila, “Our festival focuses on new and innovative films while fostering the next generation of filmmakers.

“It is a strong advocate for social change, and encourages cultural diversity and understanding between nations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We are committed to promote new filmmakers' projects and showcase their films to international audiences. Our mission is to screen independent films of all genres from all around the world.”

Picture ni Direk Joel ang ginamit sa artcard para sa best actor at special citation for Fall Guy.

May dalawa pang best actor sa nasabing filmfest, pero ang mga iyon ay para sa short films — si Donald Welch para sa BabyGirl (USA), at si Petro Stashenko para sa The Veteran Dramedy (Germany).

Nakachikahan ng PEP Troika si Direk Joel nitong Setyembre 6, Martes ng hapon, sa Cafe Claus, Promenade, Greenhills, San Juan City.

“Masaya ako at nanalo si Sean sa festival na iyon. Ako ang gumawa sa kanya. Ako ang nanganak sa kanya. Ako ang kanyang ina!” pagdidiin ni Direk Joel.

“Ako ang pumili sa kanya para sa Lockdown at sa Anak ng Macho Dancer na launching film niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakahusay niya sa My Father, Myself. Napakahusay niya! Mahusay siya!

“Napaiyak si Len [Carrillo] at yung kasama niyang malaking tao, si Deo, nang mapanood ang interlock ng movie. ‘Napakaganda, Direk!’ sabi nila.”

Si Len Carrillo ang manager ni Sean, at producer ng My Father, Myself. Kapana-panabik daw mapanood ang isang matinding eksena ni Sean with Jake Cuenca sa nasabing movie.

NOEL FERRER

Nang mapanood ko si Sean sa pelikulang Lockdown at Anak ng Macho Dancer, he has that Alan Paule look noong kabataan na if guided well, mas huhusay pa nga bilang aktor.

Kasama rin si Sean sa iba pang Joel Lamangan films na Bekis on the Run, Ang Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa, at Island of Desire na nag-streaming sa Vivamax.

Huling napanood si Sean ay bilang title role sa Vivamax movie na The Influencer, directed by Louie Ignacio.

Sana nga, makatawid si Sean ng iba’t ibang genres at networks at film companies para lalo pa siyang mahasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Tuluy-tuloy ang suwerteng dumarating kay Sean.

Masaya siya na unti-unti na niyang naabot ang pangarap sa kanyang pamilya. Dagdag pa ang pakikipagsundo sa kanyang ama, at okay na raw silang lahat.

Read: Sean de Guzman, muling nakita ang amang umabandona sa kanila

Napakabait niya sa mga nakatrabaho niya, at ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay, lalo na ang pagpasok niya sa showbiz. Marami ang masaya para sa kanya, dahil nakikita na niya ang matagal na niyang inaasam.

Isa sa sobrang saya para kay Sean ay ang komedyanteng malaki ang naitulong sa kanyang journey bilang artista. Hinding-hindi ito makakalimutan ni Sean.

Kaya noong minsang nagkita sila, tinanong ng aktor itong komedyante kung masaya ba ito para sa kanya. Siyempre, sobrang saya ni komedyante para kay Sean dahil napakabuti raw nitong tao kaya deserved na deserved daw ng aktor ang tagumpay na nakakamit niya.

Isa pa sana sa gustong ma-achieve ni Sean ay mapasok nito ang mainstream. Hindi malayong mangyari ito dahil unti-unti nang napapansin ang galing niya bilang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Congratulations kay Sean, lalo na kay Direk Joel Lamangan na hataw pa rin ang paggawa ng pelikulang pang-streaming app at sana mapanood na sa mga sinehan.

Sa Setyembre 30 ay streaming na sa Vivamax ang idinirek niyang Girl Friday na bida sina Angeli Khang, Jay Manalo, at Jela Cuenca. Sa trailer pa lang, wala nang kakiyeme-kiyeme si Jay sa sexy scenes.

“Sexy pa rin siya. Kahit may edad na siya, sexy pa rin siya,” sabi ni Direk Joel.

Matatandaang may kinky scene sina Jay at Sean sa Anak ng Macho Dancer.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan on Sean de Guzman: "Masaya ako at nanalo si Sean sa festival na iyon. Ako ang gumawa sa kanya. Ako ang nanganak sa kanya. Ako ang kanyang ina! Ako ang pumili sa kanya para sa Lockdown at sa Anak ng Macho Dancer na launching film niya."
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results