Teejay Marquez, nanindigang wala pa siyang ginagawang video o photo scandal

by PEP Troika
Sep 8, 2022
teejay marquez shirtless
Teejay Marquez: “Hindi pa naman ako naglalabas ng mga ganung pictures at videos. Wala pa naman akong pa-video call... Saka wala pa talaga akong ginagawang scandal. Hayaan niyo next time, pag meron…”
PHOTO/S: Jerry Olea / @teejaymarquez on Instagram

JERRY OLEA

Kumakalat pa rin ang "dickfie" supposedly ni Teejay Marquez. Cropped out ang mukha ng lalaki sa litrato.

“Yung sa taas kasi, puwedeng akin. Pero yung baba, hindi. Hindi pa naman. Wala pa naman!” bulalas ni Teejay.

“Hindi pa naman ako naglalabas ng mga ganung pictures at videos. Wala pa naman akong pa-video call.

“Nakausap ko kasi siyempre yung mga Facetime. Hindi ko lang alam na nadodoktor.

“Pero matatalino na ang mga tao sa social media. Alam nila yung totoo sa hindi.

“Saka wala pa talaga akong ginagawang scandal. Hayaan niyo next time, pag meron…”

Naka-line up nang mag-streaming sa AQ Prime ang horror movie ni Teejay na Anatomiya. Mapangahas ba ang role niya roon?

“Sana nga, e,” sambit ni Teejay na may bahid ng panghihinayang.

“Sana nga. Horror, e. So, abangan natin sa susunod. Abangan niyo 'yan, malay mo naman, mabigyan tayo ng pagkakataon ni Atty. Aldwin na magpakita. Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño ang pangunahing puwersa sa likod ng AQ Prime.

Ang AQ Prime Studs na sina Drei Arias, Conan King, Juan Calma, at Sean Quintos ay nag-frontal sa kani-kanyang pelikula. Kaya rin ba ni Teejay na mag-frontal sa hinaharap?

Tumango ang tisoy na aktor, “Kung maganda ang istorya, OK ang direktor. Wala pa naman kasing istoryang ano, pero kung kailangan…

“Basta maganda ang istorya, OK ang direktor.”

OK sa kanya na mag-Vivamax?

Mabilis na sagot ni Teejay, “Oo naman! Feeling ko naman, it’s time! Ha! Ha! Ha! Ha! Nagta-topless naman ako.

“Actually, nagpapapansin talaga ako sa Tiktok. Ha! Ha! Ha! Ha!”

GORGY RULA

Pagkatapos ng Pinoy BL series na ng Ben X Jim, natuluy-tuloy ang mga ginagawa ni Teejay.

Meron siyang natapos ng pelikulang Girl Online ni Direk Joey Reyes. Ka-love triangle niya rito sina Fino Herrera at Adrienne Vergara.

“Ang galing ni Adrienne! Sobrang funny, natural. Tawa kami nang tawa sa set, kahit behind the camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana nga, lumabas na yun. Sabi, sa Upstream. Wala pa akong idea kung saan talaga ipapalabas. Hopefully, sa sinehan ipalabas.

“Marami pa akong ilalabas. Hindi pa lumalabas lahat. Sana, lumabas na,” kuwento ni Teejay.

Ready na ring ipalabas ang G! LU (Go! La Union) movie nila nina Ruru Madrid, Enzo Pineda, David Licauco, Kiko Estrada, at Derrick Monasterio.

Pero paano pa kaya ang iba pa niyang gagawin?

This September ay may gagawin siyang bagong movie, at meron ding naka-line up na TV show. Nabanggit niya noong meron pa sana siyang gagawin sa Indonesia, pero naudlot dahil sa pandemya.

Kasali rin sana siya sa isang noontime show na ipu-produce ng ALV Talent Circuit, Inc. para sa PTV 4, pero parang waley na rin yun. Nagpalit na ng administrasyon, wala na kaming balita kung matutuloy pa ba.

Excited din dito si Teejay dahil type din niya ang hosting sa isang variety show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa nakakabalik sa YouTube si Teejay ngunit active pa rin siya sa social media, partikular sa TikTok. Pa-thirsty ang ibang posts niya sa socmed.

Dinadagsa ba siya ng indecent proposals?

Natatawang tugon ni Teejay, “Wala pa naman ngayon. Hindi, wala naman, wala naman. Thankful ako na wala naman akong masyadong natatanggap na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro yung iba, biro lang. Natutuwa lang siguro lang na pag nagta-topless ka. May mga comments lang na… alam mo yun.”

At any rate, sobrang thankful si Teejay sa magandang pagtanggap ng mga tao sa product line niyang GoodSkin.

“Sa birthday ko sa September 29, maglalabas ako ng bagong product ng GoodSkin, dagdag sa line ko para mas lumaki nang mas lumaki,” pagngiti ni Teejay.

“At baka mag-distributor na kami, mag-reseller na kami in the coming months.”

NOEL FERRER

Maganda yung role ni Teejay sa Girl Online kung saan ka-love triangle niya sina Fino at Adrienne.

After Ben x Jim, maraming nagtatanong, ano ba talaga ang tunay na gustong ka-love team ni Teejay, girl or boy ba? Or does it matter to him at all at namamarkahan siyang puwede sa boy, puwede sa girl?

Parang hindi naman yata. Basta may exposure, di ba?

Game!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez: “Hindi pa naman ako naglalabas ng mga ganung pictures at videos. Wala pa naman akong pa-video call... Saka wala pa talaga akong ginagawang scandal. Hayaan niyo next time, pag meron…”
PHOTO/S: Jerry Olea / @teejaymarquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results