Pagtalak ng beteranang aktres sa poging aktor, prank lang pala

by PEP Troika
Sep 9, 2022
blind item actress and actor

JERRY OLEA

Wow, mali!

Pinagbigyan ng beteranang aktres ang pakiusap sa kanya ng isang taga-produksiyon. Ang ending, siya pa ang napasama!

Noon pa man ay sumusuporta ang premyadong aktres sa mga baguhang artista na nagbibida, sa TV man o pelikula. Kaya hindi ako makapaniwala nang mabalitaan kong harap-harapan na tinalakan ng beteranang aktres ang co-star niyang poging aktor sa set ng kanilang drama series.

Pinagsabihan ng beteranang aktres ang poging aktor na sumailalim pa sa acting workshops. It turned out na PRANK lang pala iyon!!!

Na-bash si beteranang aktres nang mapabalita ang pang-ookray niya sa poging aktor na kasinsarap ng Excelente ham. Hindi kasi batid ng ilang nakasaksi sa eksena na kunwa-kunwarian lang ang parunggit ng beteranang aktres sa poging aktor.

Tsk! Tsk! Tsk!

NOEL FERRER

Oh, prank pala yun?

E, magpagayunpaman, ka-level na ito ng pinag-usapan ding acting na sintigas na bato noon na tumatak talaga sa artistang tinukoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, nakatatak na rin ito sa poging aktor na dapat talagang mag-double time sa pagsisikhay sa pag-arte kung ayaw niyang mapag-iwanan siya ng kanyang kapanabayan.

GORGY RULA

Ang pagti-TikTok at pagba-vlog ay ginagawa ng ilang artista, o kahit mga staff, para matanggal ang bagot sa lock-in taping.

Pero ang isa pa sa type na type gawin ng iba ay pagma-Marites.

Hindi kasi inalam ng iba na prank lang pala yun, ayun! Kaagad ipinarating sa iba pang Marites na sumasagap ng mga maiinit na tsismis.

Itong si beteranang aktres ang napahamak gayung nakisama lang pala siya sa isang staff na mahilig mag-vlog. Sumunod siya sa utos na okrayin ang acting nitong si poging aktor na sakdal borta.

Hindi naman nakita ng ibang Marites na pinaglaruan lang nila ang aktor. Kaya nung kumalat ang tsismis, itong si beteranang aktres ang napuruhan ng matinding bashing.

Galit na ipinarating iyon ni beteranang aktres kay staff na gawan nito ng paraan, or else, ipaparating niya ang kanyang reklamo sa mga boss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa raw ni beteranang aktres, isa siya sa sumusuporta sa mga bago pang aktor at hindi niya gawaing maliitin ang kapwa artista. Kaya sana nga, malinawan at maabsuwelto naman si beteranang aktres.

Sana, maayos ang samahan nila sa taping, dahil doon talaga nabubuo ang magagandang friendship.

Dapat silang magsaya dahil maganda ang rating ng drama series na ito, at sana ma-maintain ang interes ng mga manonood.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results