Effective ba ang social-media influencer na gaya ni Zeinab Harake as endorser?

by PEP Troika
Sep 10, 2022
Zeinab Harake
Ayon sa isang local beauty brand, isa si Zeinab Harake sa mga epektibong social-media influencers bilang brand ambassadors.

GORGY RULA

Nanganganib na hindi na ma-renew ang endorsement ni actress/TV host ng isang produktong ginagamit sa pang-araw-araw.

Nakatsikahan ng PEP Troika ang boss ng isang kumpanya kung saan ineendorso ni actress/TV host ang isang produkto nila.

Ikinuwento niyang naapektuhan ang produkto nila kapag naba-bash si actress/TV host sa social media.

Ramdam nilang bumabagsak ang sales ng kanilang produkto kapag kinaiiritahan ng netizens ang kanilang endorser.

Ito kasing si actress/TV host ay tila walang pakialam kung naba-bash siya. Pero hindi niya siguro nalalaman na nakakaapekto ito sa endorsements niya.

Kamakailan lang ay nadamay siya sa bashing ng fans ng isang sikat na singing group.

Parang keber niya, pero nadadamay ang produktong ineendorso niya dahil ang mukha niya ang nakikita rito.

Ganundin ang hinaing ng iba pang ineendorso niya, kaya dapat sigurong mag-ingat ingat din siya.

Kaya ang ilang negosyante kagaya nitong si Ms. Rei Anicoche-Tan ng Beautederm ay naisipang kumuha ng social-media influencers, dahil parang normal lang silang taong nakaka-relate ang mga netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masipag pa silang mag-promote at magbenta ng ineendorso nilang produkto sa kani-kanyang social-media platform.

Nung Biyernes, September 9, ay inilunsad si Zeinab Harake bilang brand ambassador ng oral products—Koreisu toothpaste and whitening toothpaste at Etré Clair mouthwash and mouth spray.

Zeinab Harake

Natutuwa si Ms. Rei dahil ang sipag mag-endorse ni Zeinab sa social media at may epekto raw sa sales ang kanyang mga shout-outs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Zeinab Harake

Aminado ang naturang negosyante na malaki ang naitulong ng mga artistang endorsers, pero napakasipag daw talaga ng social-media influencers magbenta ng kanyang produkto.

“Sa totoo lang, marami na rin akong hindi na-renew na ambassadors. Pamilya, yes. But also, I have to get what I gave them. It’s work, di ba?” paliwanag ni Ms. Rei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana, i-deliver nila kung ano yung nasa kontrata. Iba talaga ang mga influencers ngayon, masisipag talaga sila.

“At every post, makikita mo na mabebenta sila. Kasi, nagku-convert yun into sales. Pag nag-post si Zeinab, may nagtanong. Ibig sabihin, effective siya.

“Nakikita namin ngayon, iba po ang powers ng mga influencers. Kailangan naming mga negosyante. Aanhin mo yung ganda ng ano kung hindi naman nag-e-endorse?

“Kailangan namin na every post, na-encourage yung mga consumers na bumili ng produkto namin.

“Kung hindi ka gagalaw… hindi kami benta, kami lugi, ha?”

NOEL FERRER

Ingat talaga sa magandang imahe ang mga endorsers—you are the brand that you represent!

I also handle stars and celebrity endorsers at talagang ingat na walang nakakabangga o nakakaaway, and you move around really good circles lalo dun sa nag-e-enhance ng iyong kahusayan at kabutihan.

Grabe ang responsibilidad ng endorser na hindi lang basta sa pagbebenta ng produkto ngunit iyung pagsisilbing huwaran at good example na tutularan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

It’s one thing to have a brand and a character, but it is certainly more important when people look up to you for hope and inspiration.

Mabibilang mo na lang ang mga ganyan ngayon.

JERRY OLEA

Sabi mismo ni Ms. Rei, epektibo ring endorser ang influencer na si Jelai Andres.

Kagaya ni Zeinab, kapag inendorso ni Jelai ang isang produkto, umuusad ang sales nito.

Tampok sina Jelai at Zeinab sa grand opening ng Beautederm store bukas, Setyembre 11, Linggo ng 3:00 p.m., sa Ayala Malls Cloverleaf. Sino kaya sa kanila ang mas marami ang tagasubaybay?!

Magpapasaya rin sa mall show na ito ang magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali. First time ever ba ito, Lolong?!

Andiyan din sina Boobay, Cristina Gonzales-Romualdez, DJ Chacha at Buboy Villar, maski itanong pa ninyo sa birthday celebrator na si Chuck Gomez.

Once and for all… may rivalry ba o friendly competition sina Zeinab at Jelai?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng 23-anyos na si Zeinab, “Ay! Naku po! Wala po talaga! Friends po talaga kami! Actually, yun yung DoLaiNab—si Donnalyn [Bartolome], si Jelai and ako. Friends talaga kami!

“Ito yung… siguro kaya din na parang…hanggang ngayon, yung trio na yun, nag-start po akong mag-vlog, friends ko na yung dalawa, e. So, sobrang solid.

“Kasi hindi lang kami on-cam magkakaibigan, pati off-cam po magkakaibigan kami at magkakasama kami. Magkakapatid na nagtutulungan.

“Pag may problema yung isa, tulungan po talaga kami. So, wala pong competition talaga. And eto po, sa totoo lang, ito po yung personalidad ko, ha? Hindi po ako nai-insecure.

“Kasi, hindi po ako nakikipagkumpetensya kahit kanino. Hindi ko naman po kailangang makipagkumpetensya at makipag-anuhan dahil kung ano lang po yung meron diyan, e, OK na po ako dun, at dun ako nasanay.

“Siguro, one thing na pinakamagandang binigay ni Lord about sa akin, e, yung ugali ko talaga. Marunong po akong makuntento. Yun na! Yun na yun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang local beauty brand, isa si Zeinab Harake sa mga epektibong social-media influencers bilang brand ambassadors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results