Bagong love teams, tampok sa September lineup ng Regal Studio Presents

by PEP Troika
Sep 10, 2022
Carlo San Juan
Lianne Valentin
Christian Ty
Tampok sina (L-R) Carlo San Juan, Lianne Valentin at Christian Ty sa Love Your Beat, ang GMA-7 romcom na bahagi ng three-part series ng Regal Studio Presents para sa buwan ng Setyembre.

GORGY RULA

Ipinakita ng Regal Entertainment at ng GMA Network na posible at magiging successful ang collaboration ng isang malaking TV network at pinakamalaking film production ng bansa.

Naka-one year na ang partnership ng GMA-7 at Regal para sa Regal Studio Presents, at bilang pasasalamat sa suporta ng mga manonood, naghanda sila ng tatlong episode na mapapanood sa susunod na tatlong Linggo ng September.

Simula September 11 ay kakaibang kuwento at tandem ang ilalahad ng Regal Studio Presents.

Isang romcom episode ito na tatampukan nina Lianne Valentin at Carlo San Juan, na pinamagatang Love Your Beat at dinirek ni Crisanto Aquino.

Carlo San Juan
Lianne Valentin
Christian Ty

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Carlo San Juan
Lianne Valentin
Christian Ty

Sa September 18 naman ay pinamagatang Eat Must Be Love na pinagbidahan nina Almira Muhlach, Jana Taladro at Bryce Eusebio. Si Xion Lim ang direktor ng naturang episode.

At sa huling Linggo ng September ay kakaibang tandem ito nina Yasser Mata at Althea Ablan sa episode na Win A Date ni Direk Joel Ferrer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-eksperimento ang Regal at GMA-7 ng bagong tandem. Yun daw ang gusto nilang gawin, na parang isang pelikula din ang preparasyon.

“It’s always a new idea. It’s always a new concept, a new story. Parang gumagawa na rin kami ng pelikula. Hindi siya ganun kabilis na formulated siya, naka-template siya.

“Although may mga guidelines, you have to make sure that every time we present a new episode, it’s new to the eyes of the people watching it. Interesting enough for them to stick to the 45 minutes to watch the whole show,” pahayag ng COO at Vice President ng Regal na si Ms. Roselle Monteverde.

Sabi naman ng GMA’s First Vice President for Program Management Department na si Mr. Joey Abacan, gusto raw nilang manahin kay Mother Lily Monteverde ang pagiging gambler sa pagpasok sa magandang project.

Gusto raw nilang subukan ang bagong tandem na hindi pa nagagawa noon.

“One thing that we’ve learned from Mother Lily is you have to have the heart of a gambler. Because in anything that you’re going to be doing, when you’re gambling, there’s a possibility that you're going to be hitting a jackpot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I could assure you that the three episodes have very good stories. But as far as the casting is concerned, we took it a little bit further. Mahilig tayong manuod ng Hollywood movies, di ba? Di natin alam na magki-click pala sina Sandra Bullock and Bill Pullman.

“Dito rin gusto ko makita kung magki-click sina Lianne at Carlo, kung magki-click sina Yasser at Althea, kung magki-click sina Jana at Bryce. Pag nag-click iyang mga iyan, masasabi ko na nadadala na ako ng mga artista at mga direktor ko, and nagse-serve talaga ng purpose yung Regal Studio Presents for doing all these things,” lahad ni Joey.

Kung nagawa ito ng Regal, asahan nating magiging maganda rin ang aabangan nating collaboration ng GMA-7 sa Viva, at posible sa Kapamilya network.

NOEL FERRER

Tama pala, Direk Xian Lim, direktor ng Pinoy BL series na My Day nina Aki Torres at Miko Gallardo. Ngunit nabasa ko rin ang pasasalamat ni Xian Lim sa Regal para sa kanilang proyekto kaya maganda rin na kahit isang Viva Artist ay nakaka-collab ng taga-Regal sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

It really opens more spaces for collaboration kaysa sa competition.

Sana mas marami pang ganito—katulad nga ng minsan na naming nasulat dito sa Troika, huwag tayong magtataka kung isang araw ay may collab na rin ang ABS-CBN at GMA-7.

Mangyayari ito. Sana. Promise!!!

JERRY OLEA

Opo! Inaasahan natin na matutuloy ang collaboration ng Kapamilya at Kapuso sa isang primetime series.

Naulinigan natin na ipapahiram din ng ABS-CBN sa GMA ang isang kontrobersyal na aktor, pero para next year pa iyon.

Magre-react kaya ang isang premyadong aktres sakaling maganap iyon? Itanong natin sa Chief Financial Officer ng Team Dialysis!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sina (L-R) Carlo San Juan, Lianne Valentin at Christian Ty sa Love Your Beat, ang GMA-7 romcom na bahagi ng three-part series ng Regal Studio Presents para sa buwan ng Setyembre.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results