Mga palihim nagbuntis, mga nakabuntis daw, at klosetang superstars

by PEP Troika
Sep 11, 2022
pregnant women, guys, gays
Ayan, mahigit sampung personalities ang nasa blind-item column na ito ng PEP Troika. Alin ang tsismis? Alin ang totoo? Kayo na ang humusga.
PHOTO/S: iStock

JERRY OLEA

Like history, tsismis repeats itself.

Evident iyan sa mga aktres na nagluluwal ng sanggol.

Dalawang dekada na ang lumipas nang ilunsad sa isang sexy movie ang maalindog na aktres. Ang papel niya ay p*kpok.

Nang uriratin ang maalindog na aktres kung virgin pa siya, natawa siya at may pagka-pilyang sumagot ng, “Hindi na!”

E, kasi naman, disgrasyada ang aktres. Ang batang kunwari’y pamangkin niya ay sa sinapupunan niya nagmula.

Sa paglipas ng mga taon, kung sinu-sino pang aktres ang napabalitang nagdalantao. Sa takdang oras ay nabubunyag din ung ano ang totoo.

Sa panahon ng pandemya, medyo nagulantang tayo nang aminin ng isang pa-tweetums na young starlet na meron na siyang baby.

Ilang artista pa sa local showbiz ang nabalitaan nating ganap nang ina, ngunit hindi pa nila ito inaamin sa publiko.

Una, ang sariwang aktres na inilunsad sa isang erotikong pelikula. Matapos mag-streaming ang launching film ay naglaho siya sa eksena. Nagpahinga muna. Matapos manganak ay nagbalik-showbiz siya, at nagkasunud-sunod ang kanyang mga proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikalawa, ang kontrobersiyal na aktres na pinagpapantasyahan ng kalalakihan. Noong nasa lalawigan siya bago pumalaot sa showbiz, madalas na may kasa-kasama siyang tsikiting sa pamamasyal. Kung merong babae sa dilim, ang kontrobersiyal na aktres ay meron namang anak sa dilim.

Ikatlo, ang tisay na aktres na mapagkawanggawa. Ang love affair nila ng dakilang politician ay batid ng insiders sa showbiz. Ipinakilala ng dakilang politician ang tisay na aktres sa kanyang colleagues bilang nagmamay-ari ng kanyang puso. Hindi pa nila maisapubliko ang kanilang pag-iibigan dahil isinasaalang-alang pa rin ng dakilang politician ang kanyang legal na pamilya.

At ikaapat, ang mahusay na aktres na itinatangi ng kilalang aktor. Dalawa na ang bunga ng kanilang pagmamahalan, ngunit hindi pa rin nila ibinabalandra sa publiko ang mga iyon.

Sa Mother’s Day 2023, sino kaya sa mga aktres na ito ang puwede na nating batiin sa pagkakaroon ng supling?

GORGY RULA

Less talk, less mistake. No talk, no mistake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong ibang patola sa blind item ay napapahamak minsan. May mga artista na inaangkin na sila ang subject ng bulag-bulagang tsika, lalo na kung sapul na sapul ang kanilang konsensiya.

May pagkakataon namang gossip is like pautot. At kung sino ang guilty, siya ang unang nag-iispluk.

Nai-blind item ang isang sikat na aktor na kesyo meron daw itong anak sa labas. Kamukhang-kamukha raw ang bata ng half-brother o yung anak ng sikat na aktor sa legal na pamilya.

Aba! Kamukat-mukat mo, ang isang tisoy na aktor na “mapagmahal” sa mga babae, nagtatanong kung siya ba ang tinutukoy sa kuwento.

Si sikat na aktor ay parang dedma lang.

Ito namang isang beteranong aktor, itinuturong ama ng ipinagbuntis ng isang non-showbiz girl.

Kesyo dedma lang ang beteranong aktor at ayaw panagutan ang bunga ng karupukan.

Makabagbag-damdamin ang hinaing ng non-showbiz girl, na namatayan pa man din ng ama. Nagbanta rin siyang isisiwalat ang kabulastugan ng beteranong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Quiet lang ang beteranong aktor, na nanindigang sisingaw at lalabas kung ano ang totoo, lalo pa’t puwede nang ipa-DNA test kung siya nga ba ang ama ng bata.

Sabi-sabi, raket ng non-showbiz girl ang pamba-blackmail sa maperang lalaki na nakatalik.

Parang napanood na natin ang ganitong gimik sa pelikula, di ba?

Ang isang premyadong aktor ay pinagdududahang ama ng dalawang anak ng isang mahusay na aktres. Matagal na nagkasama noon ang premyadong aktor at mahusay na aktres sa isang TV show.

Ang kani-kanyang napangasawa ay may konek din sa daigdig ng pinilakang tabing. Ang tanging "resibo" na sinsabi sa intriga, kesyo kamukha ng premyadong aktor ang dalawang anak ng mahusay na aktres.

Pero patay-malisya sila sa usaping iyon. May mga nagsasabing imbento lang ito.

Ang mainit-init pang tsismis, may naanakan daw ang isang kilalang politician kaya nadurog ang puso ng kanyang misis at nakipaghiwalay ito sa kanya.

Nagsanga-sanga ang tsika, na kesyo mangingibang-bansa na muna si misis upang maghilom ang sugat sa kanyang puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aba! Totoong hiwalay na ang isang kilalang politician at ang kanyang misis, pero hindi totoo na may third party na naanakan ni kilalang politician.

Iba palang kilalang politician na may asawa ang nakabuntis ng kanyang secretary.

Kahit may extra-curricular activity ang nasabing politician, tanggap iyon ng kanyang misis.

Sa kanilang angkan ay hindi kagulat-gulat ang ganoong kaganapan.

Ang totoo, mas masalimuot ang kuwento ng kapamilyang politician na kung kani-kanino naiuugnay, at ang misis niya ay mala-detective sa pag-iimbestiga.

Pero walang ibang nabubuntis ang kapamilyang politician dahil…

NOEL FERRER

Hindi rin mawawala sa showbiz ang mga pinaghihinalaang bading at kapatid sa pananampalataya. Maging Kapamilya man o Kapuso, may kinatawan dito.

At hindi lang basta-basta aktor, ha! Kilala at maningning na aktor ng kanyang henerasyon.

May pattern. Una silang nali-link sa kanilang leading ladies, pero ang mga ito’y uuwing luhaan o nakanganga.

Bakit? Dahil ang kinahuhumalingan ng aktor ay ang mga katrabahong matikas, brusko at napagkakamalang ER (work-ER, proletariat, manggagawa).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung anu-anong kababalaghan ang naibabahagi ng kanilang mga kasamahan sa trabaho na naniniwalang walang lihim na hindi mabubunyag.

Sisingaw at sisingaw pa rin ang katotohanang flag carrier sila ng Rainbow emblem, hindi nga lang mailantad dahil sikat sila at kumikita para sa kanilang ng istasyon.

Hanggang kailan nila maitatago ito? Hindi natin alam. Mananatili silang mabait at mapagbigay sa mga press para hindi isulat ang lihim na nasa kaibuturan ng kanilang puso at kaluluwa.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayan, mahigit sampung personalities ang nasa blind-item column na ito ng PEP Troika. Alin ang tsismis? Alin ang totoo? Kayo na ang humusga.
PHOTO/S: iStock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results