Herlene Budol, bet maging leading man si Alden Richards sa Kapuso serye

by PEP Troika
Sep 11, 2022
Herlene Budol kisses Alden Richards
Herlene Budol, sobrang bet makapareha si Alden Richards sa kanyang magiging teleserye project sa Kapuso network. Inamin niyang avid fan siya ni Alden noong pang AlDub days ng aktor sa Eat Bulaga.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

JERRY OLEA

Andaming pagkakaabalahan ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl matapos tanghaling first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022.

Next month ay magte-taping na ang pagbibidahan niyang afternoon drama series sa GMA-7.

Sa Nobyembre 19 ay lalaban siya sa Miss Planet International 2022 sa Uganda.

May panahon pa ba siya para sa lovelife? May oras ba siya sakaling merong gustong manligaw sa kanya? May makakasingit kaya para suyuin siya?

“Ay! Nandiyan lang naman iyan, e!” bulalas ni Herlene sa mediacon ng Rejuviant noong nakaraang Miyerkules, Setyembre 7, sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City.

“Kasi, yung taong nagmamahal talaga sa akin ay maiintindihan ang sitwasyon ko ngayon.

“‘Hindi kita pipiliin muna ngayon, bhe. Kasi, baka pag pinili kita, ano? Ano ang kakainin natin in the future, di ba?’ Family first muna, saka career.”

Hindi niya hinahanap yun? Hindi niya wini-wish na sana, may boyfriend siya na nagpapa-inspire sa kanya?

“Hindi naman… charot! Hindi! Hindi naman ako ganun kahayok na hayok!” pagmamatwid ni Herlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Andiyan lang siya. Nakapaligid lang yang mga kalalakihan. Shout-out nga pala! Ha! Ha! Ha!

“Kung yung tao, nagmamahal talaga sa akin nang totoo… alam mo na! Diyan ka lang!”

Maaano ba siya kung artista ang manliligaw sa kanya?

Napakunot-noo si Herlene, “Choosy ba ako? Hindi ako choosy! Ayun nga ang sabi ko, kung sino yung taong pipiliin ako, yun yung pipiliin ko.”

GORGY RULA

Dalawang drama series at isang pelikula ang nakatakda nang pagbidahan ni Herlene sa GMA. Sino ang leading man na gusto niyang makatrabaho bilang artista?

“Sana gusto rin ako!” pag-asam ni Hipon Girl.

“Si Alden [Richards] nga, kasi nga, bet ko nga talaga siya. Dati, nagka-cutting talaga ako para…”

Ambango raw ni Alden?

“Oo nga raw. Naamoy ko siya. Tapos, kiniss ko pa nga siya, e. Ayun, na-bash ako. Na-bash ako talaga dun! I love it!

“Gusto ko yung may nanggigigil lalo. Ay! Kahit naman sino, pag nakita mo yung idol mo, lahat gagawin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung puwede ko nga lang… hindi ko na pakawalan yun, di ba?! Siyempre, tao lang din ako, humahanga.

“Diyos ko, nung nakita ko talaga, aayyyy!!! Huy, nagka-cutting talaga ako, dun sa ano, yung Yaya Dub na yun saka siya.

“Nung di pa sila nagkikita, ay! Hindi ako papasok, magkikita na raw sila! Pagdating sa ano, sa TV, hindi pa magkikita. Hinaharangan! So, si Alden Richards ang bet ko.”

Sana, magkatotoo iyan! Baka magawan iyan ng paraan ng manager niyang si Wilbert Tolentino!

“Hindi pa, hindi pa kami magkakaano,” pag-iling ni Herlene. “Siguro in the future pa pag ano…”

Pag superstar na siya? Pag hindi nagkakalayo ang ningning ng kanilang bituin?

“Hindi na siguro. Baka… pasok na lang akong nyi-ey niya.”

Ang ibig sabihin ni Hipon Girl ng nyi-ey ay P. A., production assistant o alalay.

NOEL FERRER

Masuwerte kung gayun si Hipon Girl sa dami ng kanyang assignments.

Pero marami na nga ito, bakit nanaisin pa niyang sumali na agad sa isang international pageant na Miss Planet International sa Uganda?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw na lang ba niyang hintayin ang mga susunod pang timpalak na mas kilala ng mga Pilipino at ng mundo?

Tama naman si Herlene to strike while the iron is hot, pero don’t punish yourself with such a rigorous sked kung puwede naman itong mas simplehan while achieving the same goals.

Huwag nating madaliin at biglain lahat.

Quality of projects din sana instead of just quantity. I really hope it doesn’t take a toll on her health.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol, sobrang bet makapareha si Alden Richards sa kanyang magiging teleserye project sa Kapuso network. Inamin niyang avid fan siya ni Alden noong pang AlDub days ng aktor sa Eat Bulaga.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results