Dalawang Kapamilya actors, wait-and-see kung lilipat sa GMA-7

by PEP Troika
Sep 11, 2022
blind item two men
Sino ang dalawang Kapamilya aktor na posibleng lumipat sa Kapuso network kapag hindi na-renew ang kanilang mga kontrata?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Naghihintay ang dalawang Kapamilya actor kung mare-renew ba sila sa naturang network ngayong buwan.

Ewan kung magkakaroon ng renewal, dahil wala kaming balita kung may gagawin silang show sa naturang network.

Kaya pinaghahandaan na rin nila sakaling hindi sila aalukin ng renewal, at posibleng mapapabilang sila sa mga lilipat sa Kapuso network.

Ayon sa aming napagtanungan, mukhang okay sa mga boss itong dalawang aktor, pero wala pang pag-uusap.

Kung sakaling magkasundo, malamang na next year na ang gagawin nilang show sa GMA-7.

Ang isang aktor ay unang nakilala sa GMA-7, pero big star na rin siya sakaling matutuloy ang kanyang pagbabalik-Kapuso.

Ang isa naman ay galing sa isang reality show, at okay kung magiging Kapuso siya dahil bukod sa pang-leading man ang dating, magaling din siyang kumanta.

Kailangan din ng malalaki pang performers sa All-Out Sundays.

Samantala, wala pa rin kaming nakukuhang update sa pagiging Kapuso ni Matteo Guidicelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naggi-guest co-host pa rin siya sa Tropang LOL ng TV5, pero wala pa raw na-finalize kung ano ang gagawin niya sa GMA-7.

Ewan ko kung totoo ang kuwentong ang tagal daw mag-decide ang Viva kung ano ang gagawin ni Matteo sa Entertainment TV ng GMA-7.

Ang alam ko, siya ang gustong kuning leading man sa afternoon drama series ni Herlene Budol, pero hindi naman nagkaayos.

Ang narinig lang namin ay okay raw siyang mag-host sa isang show na ipu-produce ng News and Public Affairs ng GMA-7.

Sa susunod na taon daw ay sisimulan na rin ang isang drama series na collaboration ng GMA at Viva Entertainment.

Si Marco Gumabao daw ang ibibigay ng Viva, pero wala pang na-finalize kung sinong Kapuso artist ang makakasama niya.

Abangan na lang natin ang kanilang official announcement, dahil wala pang katiyakan itong mga nasagap ng PEP Troika.

JERRY OLEA

Nabanggit na natin before na ang isang kontrobersyal na Kapamilya actor ay malamang na gumawa ng isang primetime series sa Kapuso Network next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hanay ng mga Kapamilya leading men, “mabenta” sina Paulo Avelino at Jake Ejercito na laging naikukunsidera sa magagandang TV project.

Iyong dalawang Kapamilya actor na mag-e-expire na ang kontrata this month ay puwede namang lumipat sa ALLTV, pero mas preferred pa rin siyempre nila ang GMA kaya dito sila nagse-send ng feelers.

Paparating pa lang tayo sa exciting part, ikanga. Sino man sa dalawang Kapamilya actor na mag-e-expire na ang kontrata ay puwedeng i-partner kay Hipon Girl sa TV man o pelikula.

Wish ko ring makatambal ni Herlene Budol ang Viva artist na si Marco Gumabao.

Sino kaya ang mas bet ng mga Hiponatics, ka-Squammy at ka-Budol?!

NOEL FERRER

Expansion is a sign of development.

I just wonder, ano kaya ang nararamdaman ng mga Kapuso sa exodus ng mga talents sa kanilang home network?

Hamon din iyan sa lahat, for everyone to up their game and strengthen their brands!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang dalawang Kapamilya aktor na posibleng lumipat sa Kapuso network kapag hindi na-renew ang kanilang mga kontrata?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results