Janice de Belen, hindi pinalampas ang pag-a-attitude ng young star na bida sa serye

by PEP Troika
Sep 13, 2022
Janice de Belen, Dragon talent management
Janice de Belen on past experience with an unnamed young star: "Pag um-attitude sila, attitude din ako. Ako, para sa akin, ang hate na hate ko, ang super pet peeve ko, pag nag-eeksena tayo, huwag mong ilagay ang telepono sa bulsa mo."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Supportive si Janice de Belen sa mga baguhang artista na ilulunsad sa pelikulang Sugat sa Dugo na iprinodyus ng Dragon Entertainment Productions, Inc. na pag-aari ng kaibigan niyang si Bambbi Fuentes.

Tampok sa pelikulang ito ang talents ni Bambbi na sina Khai Flortes, Mira Aquino, Shira Tweg, at may special participation din dito si Sharmaine Arnaiz.

Sabi ni Janice, hindi siya ang tipong kaagad na nagtuturo sa mga bagong artista lalo na kung nakailang take ito.

"Hindi naman ako nanghihimasok sa ganyan. Hindi naman ako si turo kaagad, hindi. Usually, nangyayari yun habang nag-eeksena kayo.

"Kapag nag-eeksena kayo, kunyari na-take 2, take 3, medyo bibigyan mo lang sila ng practical tips, just to get them through.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, naging bago din naman ako. Malamang na-take two din ako ng ilang beses. Maramdaman ko rin naman yung mahiya sa ibang artista," pakli ni Janice.

Janice de Belen, Dragon talent management

Nakapanayam si Janice sa pocket presscon ng Sugat sa Dugo na magsu-showing na sa selected theaters sa September 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero natuwa raw siya sa mga baguhang artistang ito dahil naghanda sila kaya hindi sila nahirapan.

"Si Bambbi… hindi ko alam kung tinatakot niya o nina-nag niya ang mga bata. So, ninerbiyos sila. Sure ako, nararamdaman ko ninenerbiyos sila. Sinasabi ko, 'Alam niyo, huwag kayong nerbiyosin,'" dagdag na kuwento ni Janice.

Khai Flores and Janice de Belen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw lang banggitin ni Janice kung sino ang tinutukoy niyang young star, pero hindi raw niya pinalampas ang pag-attitude nito.

Siya raw ang gumanap na nanay ng batangiyun na bida sa teleseryeng ginagawa nila.

"Pag um-attitude sila, attitude din ako," napangiting pakli ni Janice.

"Para sa akin, ang hate na hate ko, ang super pet peeve ko, pag nag-eeksena tayo, huwag mong ilagay ang telepono sa bulsa mo.

"Huwag na huwag. Kasi nakakaapekto iyan, e. Kasi nasa bulsa mo iyan, kasi may hinihintay ka, di ba? May hinihintay kang text, may hinihintay kang tawag.

"At iyan pag nag-eeksena tayo, at pag iyan nag-vibrate… kahit vibrate, makikita ko, e. Makikita, mararamdaman ko na madi-distract ka ng two seconds. Kasi siyempre nag-vibrate mararamdaman mo, makikita ko iyan, e.

"Maapektuhan ang pag-arte mo, maapektuhan din ako. Sinabihan ko talaga na… kasi, sabi sa akin, 'Okay lang po, naka-silent naman.'

"Sabi ko, 'Hindi.' 'Hindi, okay naman, e.' 'Hindi,' sabi ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hanggang sa umabot sa point na sinabi ko na, 'Hindi ko iti-take ang eksena na ito hangga’t hindi mo tinatanggal yung phone sa bulsa mo.'"

Natuto naman daw ang young star na iyun, at mabuti nadisiplina naman ito ni Janice.

JERRY OLEA

Kaya natuwa raw ang direktor ng teleseryeng iyun na hindi umubra ang pag-attitude kay Janice.

"In fact, nagpasalamat sa akin yung direktor. Nag-PM siya sa akin, 'Thank you very much, Ms. Janice.'

"Kasi, hindi naman iyun para sa akin, e. Para sa kanila yun. Kasi, puwede kang sigawan ng direktor kapag nag-react ka, kaya sinabi ko iyan sa iyo.

"Distraction yun, e. Saka yung nag-Instagram ka. Okay lang i-Instagram mo kapag wala pa talagang nagaganap. Pero kapag nag-eksena na, ilayo mo na iyan," lahad ni Janice.

NOEL FERRER

Nagpasalamat si Janice na nagawa niya ang Flordeluna (1979-1984) nung bata pa siya. Ang dami raw niyang natutunan sa drama series na pinagbidahan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It has trained me to memorize fast. It has trained me to move fast when it comes to sa pagbibihis. Kasi, lalo na ngayon, di ba? May pressure because you only have particular number of hours na work. Hindi ka puwedeng babagal-bagal.

"Suwerte na lang nag-TV talaga ako. So, mabilis akong kumilos. Mabilis ako mag-memorize. Kahit papa'no, kailangan alam mo ang ginagawa mo. Nagbabasa ako ng script, importante yun.

"Kasi, mabilis ka ma-discover, mabilis ka rin mawala these days. Mabilis kang mapapalitan. So, you really have to do your best," ani Janice.

And look, those people in Flordeluna became really good actors and actresses like Janice, Herbert Bautista, Laurice Guillen, and Dindo Fernando.

Nakaka-miss din si JC Bonnin as Monti. Hay Flordeluna, ang teleserye ng aking kabataan. Naks!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janice de Belen on past experience with an unnamed young star: "Pag um-attitude sila, attitude din ako. Ako, para sa akin, ang hate na hate ko, ang super pet peeve ko, pag nag-eeksena tayo, huwag mong ilagay ang telepono sa bulsa mo."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results