Rhian Ramos at Michelle Dee, magsasama na sa isang bahay

by PEP Troika
Sep 14, 2022
rhian ramos casual
Rhian Ramos (left) on friendship with Michelle Dee (right), Max Collins, and Janina Manipol: "Naging close kami nung pandemic. And then ngayon, parang… as in mga every other day kaming nagkikita. Sabay kaming mag-workout. Pag may event, sabay-sabay kaming mag-ready. Kami-kami na rin ang date ng isa’t isa para hindi kami, you know, shy pumunta."
PHOTO/S: Jerry Olea / @whianramos on Instagram

JERRY OLEA

Matapos maka-bonding sa pagbabakasyon abroad, magsasama na sa isang bahay ang magkaibigang sina Rhian Ramos at Michelle Dee.

“Next week, lilipat na ako ng bahay. Medyo busy, stressful,” sambit ni Rhian nang makatsikahan ng PEP Troika nitong Setyembre 13, 2022, Martes, sa FEU-NRMF Medical Center, Novaliches, Quezon City.

“Nagre-rent kami ni Michelle Dee. Kasi, parang feeling namin, easier kung magkasama na kami.

“Yung bahay na pinili namin, parang five houses away from Max Collins’. Since yung mga nagme-make up sa amin, naghe-hair sa amin, same naman, e. So, baka easier.

“Saka yung apartment ko, hindi ako maka-hire ng driver.”

Bakas sa mukha ni Rhian ang happiness. Kumusta siya nowadays?

Napangiti ang Kapuso actress, “Happy, well-balanced. Tapos, ang daming support. Ang daming support.

“Kasi, kaming apat, yung aming friend group, nung COVID lang kami naging close — ako, si Max, si Michelle, tapos may isa pa kaming friend na influencer, si Janina Manipol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging close kami nung pandemic. And then ngayon, parang… as in mga every other day kaming nagkikita.

“Sabay kaming mag-workout. Pag may event, sabay-sabay kaming mag-ready. Kami-kami na rin ang date ng isa’t isa para hindi kami, you know, shy pumunta.

“So yun, mas matapang na din kaming pumunta sa mga event. Kasi, laging andun naman ang friends namin.

“Dati kasi, nahihiya akong pumunta ng mga event-event na 'yan, e,” pagbungisngis ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katatapos lang ipalabas sa Magpakailanman ang two-part na "The Pia Pascual Hugo Story" na pinagbidahan ni Rhian. Magte-taping na siya para sa TikToClock na hinu-host nina Kuya Kim, Pokwang at Rabiya Mateo.

Siyanga pala, ang dinalaw ni Rhian sa FEU-NRMF Medical Center ay ang 75-anyos na talent manager na si Manay Lolit Solis, na doon nagpapa-dialysis.

Ang message ni Rhian para kay Manay Lolit, “Get well soon, andito lang naman kaming lahat. Inaabangan namin ang yung pagbalik sa paggala-gala.

“Kasi, hindi na kayo lumalabas. Di ba? Lalo na nung may COVID.”

Dumalaw rin kay Nay Lolit si Bernard Cloma at iba pang members ng Team Dialysis.

GORGY RULA

Magkasama rin sina Michelle at Rhian na nagbakasyon sa Europe kasama ang Tutok to Win Partylist Representative na si Sam Verzosa, na boyfriend ni Rhian.

May nagkuwentong napaluha pa raw si Rhian sa birthday celebration ng kanyang “Booboo” na si Sam noong Setyembre 12, Lunes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tears of joy daw yun dahil sa napakagandang adhikain ng politician-businessman na makatulong sa mga nangangailangan. Parang fund-raising event daw ang pagtitipong yun ni Sam kung saan ang nalikom na pondo noong gabing yun ay para sa mga mahihirap na patuloy na tinutulungan ng Tutok to Win.

Sa halip na siya ang regaluhan, si Sam na raw ang nagbigay ng pa-birthday sa mga mahihirap na recipients ng kanyang partylist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

No doubt Rhian Ramos is such a good actress. Sayang lang kasi instead of her acting prowess ang napag-uusapan, laging nauungkat ang karelasyon niya.

With Sam Verzosa as her boyfriend now, ito na kaya ang destiny na makakapagpatalima sa maligalig na puso ni Rhian? Harinawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhian Ramos (left) on friendship with Michelle Dee (right), Max Collins, and Janina Manipol: "Naging close kami nung pandemic. And then ngayon, parang… as in mga every other day kaming nagkikita. Sabay kaming mag-workout. Pag may event, sabay-sabay kaming mag-ready. Kami-kami na rin ang date ng isa’t isa para hindi kami, you know, shy pumunta."
PHOTO/S: Jerry Olea / @whianramos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results