Baguhang young actress, naloka sa pag-a-adlib ng poging young actor na hindi memoryado ang linya

by PEP Troika
Sep 14, 2022
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Na-disillusion ang baguhang young actress sa pogilicious young actor na nakasama niya sa pelikula.

Ang young actress at young actor ay kapwa dugong-artista, kaya parehong artistahin, pero magkaiba sila ng attitude sa trabaho.

Seryoso at disiplinado ang baguhang young actress. Pagkatanggap niya ng script ay pinag-aralan niya agad iyon at minemorya ang kanyang mga linya.

Pagdating sa set ay handa ang baguhang young actress, at nakikinig sa instructions ng direktor.

Nang take na, nalokah ang young actress dahil panay-panay ang pag-a-adlib ng young actor.

Ang cue ng young actress para mag-dialogue ay ang linya ng young actor, kaso, kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig nito.

Sa kuwento ay mas bida ang young actor na mahilig mag-adlib dahil hindi kabisado ang kanyang lines.

Nag-decide ang young actress na mag-quit na muna sa pag-aartista, at ituon ang kanyang panahon sa pag-aaral.

GORGY RULA

Hindi naman si pogilicious young actor ang dahilan kung bakit hindi na itinuloy ni baguhang young actress ang pagsu-showbiz. Mas priority lang niya talaga ang pag-aaral at hindi niya talaga linya ang pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Professional naman si pogilicious young actor at seryoso sa trabaho niya bilang aktor.

Iba lang ang training ng young actress dahil nakatutok talaga siya sa pag-aaral. Kaya ang ginawa, kinabisado ang buong script. Pati tuloy dialogue ng co-actors ay alam niya.

Mabait si young actor, at marami pa siyang puwedeng gawin dahil sa showbiz siya nakatutok.

Si young actress naman ay ibang linya at kailangan niyang tapusin ang pag-aaral. Hindi lang niya siguro ma-gets ang trabahong showbiz.

NOEL FERRER

Hala! Anong nangyayari sa young actor na ito na mabait pa naman?

Ipagbigay-alam kaya natin ito sa manager niyang kaibigan natin para mapagsabihan at magtanda.

Sayang, kasi ang daming tao ang nakasuporta dito sa pogilicious young actor na ito. At kailangan na siyang mag-double time sa pagsisipag para magkapangalan ng sarili sa industriyang ito, ha!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results