Zephanie, open sumabak sa aktingan sa GMA-7; in touch pa rin sa ABS-CBN friends

by PEP Troika
Sep 14, 2022
zephanie in green dress
First grand winner of Idol Philippines Zephanie mentions Rayver Cruz and Christian Bautista as some of the Kapuso stars who made her feel welcome in All-Out Sundays.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Masaya ang This Generation’s Pop Princess na si Zephanie sa pagiging Kapuso dahil nabigyan siya ng magandang exposure sa All-Out Sundays at iba pang projects.

Sa loob ng anim na buwan niya sa GMA-7, sa kanya ipinagkatiwalang kantahin ang theme song ng mga top-rated drama series, kagaya ng sa Bolera at ang awiting "Tunay na Minamahal" ng Apoy sa Langit.

Siya rin ang kumanta ng summer pop anthem ng Sparkle kasama ang mga bagong Sparkada stars. Siya rin ang kumanta ng theme song ng bagong romance-drama series na Luv Is: Caught in His Arms.

Pero challenging kay Zephanie na makasabay sa "Queendom" segment ng All-Out Sundays ang magagaling na Kapuso divas kagaya nina Julie Anne San Jose at Aicelle Santos, kaya hindi maiwasang kabahan pa rin siya tuwing sumasampa siya sa AOS stage.

“Isa po sa mga bagay na hindi po mawawala sa akin kapag nasa stage ako, is yung pressure po and yung kaba. Kahit po it’s been three years po na kumakanta po ako, mostly po nung time na yun nasa pandemic po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, talagang behind our phones or behind our gadgets, talagang iba pa rin po yung kaba kapag nagpi-perform po ako.

"I think it’s a good thing po na napi-feel ko po yun, kasi yun po yung nagbibigay sa akin ng parang drive po to do my best," pahayag ni Zephanie nang nakatsikahan namin sa Cornerstone studio nung Lunes, September 12, 2022.

Pero magaan ang pakiramdam niya sa AOS dahil napakabait daw sa kanya ng mga kasamahan niya roon, lalo nung bago pa lang siyang Kapuso.

"Ilan po sa mababanggit ko talaga na sobrang bait po sa akin na feeling ko kuya, ate ko po sila, isa po dun si Kuya Rayver [Cruz].

"Every time na nagkikita kami, talagang nag-apir siya o fist bump. And may mga times na nagkakaroon po kami ng talks about our lives, careers.

"Si Kuya Christian [Bautista] din po. Actually, lahat po sila talagang very kind and generous po pagdating po sa wisdom na mabibigay nila sa akin, na makakatulong po sa career ko," dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

JERRY OLEA

Open din si Zephanie sa posibilidad na umarte sa drama series ng GMA-7, pero wala pa raw iniaalok sa kanya.

"So far po ngayon, wala pa namang nai-offer na maging part po ako ng teleserye. Pero I’m really open po," sabi ni Zephanie.

"And siyempre, naniniwala po ako na marami pa po akong kailangan matutunan pagdating sa pag-acting.

"Kasi, isa po iyan sa medyo ikinatatakot ko po nung bata ako, dahil sobrang mahiyain po ako. Pero ngayon po na nandito po ako, and nakikita ko po, nakakasama ko po ang ibang actress and actors, very interesting po yung acting field.

"So, if ever po na mabibigyan po ako ng chance na magkaroon ng teleserye, talagang buong puso ko pong tatanggapin yun."

NOEL FERRER

Marami na raw siyang naging kaibigan na Kapuso stars, pero nandiyan pa rin daw ang close friends niya sa Kapamilya network.

"Dun ko po at naramdaman na genuine po yung relationship ko with them. Kasi, until now po we’re still connected," pagtatapat ni Zephanie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Even though, hindi na po kami masyadong nagkikita dahil yung schedule po, iba-iba. And most of the time po sila na po ang magkakasama.

"Pero napi-feel ko po na if ever po na kakailanganin ko po sila, matatawag ko pa rin po sila na mga totoong kaibigan ko po. Kaya very thankful din po ako sa kanila."

Naalala ko lang, si Zephanie ang nanalong pinakaunang Idol Philippines noong 2019 sa ABS-CBN. Ang finals ng second season ay magaganap na this coming weekend.

Bakit kaya hindi nag-thrive sa Kampamilya network ang isang Zephanie? What do you think?

JERRY OLEA

Sino ang tatanghaling bagong Idol Philippines grand winner? Limang hopefuls ang maglalaban-laban para final showdown ng ikalawang Idol Philippines ngayong Sabado (Setyembre 17) at Linggo (Setyembre 18).

Malalaman na sa weekend kung sino kina Ann Raniel, Bryan Chong, Khimo Gumatay, Kice, at Ryssi Avila ang susunod na tatanghaling grand winner ng nasabing singing competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ann, Bryan, Khimo, Kice, Ryssi for Idol Philippines

Ang grand winner ay mag-uuwi ng PHP1M cash; brand new house and lot mula sa Camella na nagkakahalagang PHP2M; isang recording contract with ABS-CBN Music; at isang full franchise package mula sa Dermacare Face, Body, and Laser Center na nagkakahalagang PHP3M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong nakaraang live shows na may temang show-stopping performances ay nanguna sa puso ng Uplivers at judges si Ryssi na nakakuha ng 99.02%. Sinundan siya ni Ann na merong 97.19% at si Khimo na may 96.13%.

Nalagay sa danger zone sina Bryan na nakakuha ng 94.41% at Kice na may 79.44%. Tuluyang nagpaalam sa kompetisyon si Delly Cuevas matapos makuha ang pinakamababang combined votes na 64.59%.

Habang naghihintay sa nalalapit na final showdown, maaring mag-ipon ang viewers ng voting credits para sa kani-kanyang pambato. I-download na ang Uplive at gumawa ng sariling account.

I-click ang banner landing page at Idol account profile. Mag-log on para makakuha ng libreng voting credits, o bumili ng nasabing credits. Maari lang gamitin ang voting credits sa mismong show.

Magbubukas ang voting lines tuwing live shows. Tunghayan ang final showdown ngayong weekend sa Idol Philippines sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First grand winner of Idol Philippines Zephanie mentions Rayver Cruz and Christian Bautista as some of the Kapuso stars who made her feel welcome in All-Out Sundays.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results