Kapamilya teleseryes, kinabog ang K-dramas sa Netflix; tatlong Janelle Tee movies, pasok sa Top 10 ng Vivamax

by PEP Troika
Sep 18, 2022
maja salvador janelle tee
Wildflower, starring Maja Salvador (left), is now the Top 1 TV show on Netflix Philippines; Janelle Tee's (right) movie The Escort Wife, on the other hand, is the No. 1 movie on Vivamax.
PHOTO/S: Netflix / Vivamax

JERRY OLEA

Nakadalawang hating-gabi na ang Wildflower bilang number 1 sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.

Bida sa Kapamilya teleserye si Maja Salvador bilang Lily Cruz aka Ivy Aguas.

Nasa cast din ng 2018 revenge drama series sina Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, Joseph Marco, Wendell Ramos, Vin Abrenica, at RK Bagatsing.

Iyong naudlot na pag-iibigan ng characters nina RK at Maja sa Wildflower ay namumukadkad naman sa TV5 sitcom na Oh My Korona. OMK!

Gawang-Pinoy rin ang pangalawa sa Top 10 TV shows ng Netflix, ang KathNiel series na 2 Good 2 Be True.

Sa Top 10 TV shows ay anim ang K-dramas — Young Lady ang Gentleman (3), Narco-Saints (4), Alchemy of Souls (5), Little Women (6), Extraordinary Atty. Woo (7), at Love Between Fairy and Devil (9).

Pangwalo ang The Crown, at pansampu ang Fate: The Winx Saga na kalalabas lang ng second season.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

netflix top 10

Sa Oktubre 14 mag-uumpisa ang Netflix streaming ng Kapuso primetime series na I Left My Heart In Sorsogon, kung saan bida sina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Sa Top 10 Movies in the Philippines Today ay isa lang ang pelikulang Pilipino, ang My Perfect You (2018) na nasa ikasampung puwesto. Nasa panlimang puwesto dati ang nasabing pelikula na tinampukan nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Setyembre 23 ay mag-i-streaming na sa Netflix ang pelikulang Maybe This Time (2014) nina Coco Martin at Sarah Geronimo.

Sa Oktubre 7 naman ang streaming ng Doll House kung saan bida si Baron Geisler.

GORGY RULA

Nag-streaming ang erotic movie na The Escort Wife umpisa Setyembre 16, Biyernes, sa Vivamax.

Setyembre 17, Sabado ng gabi, ini-release na ng Viva ang talaan ng Top 10 Movies of the Week ng Vivamax, at nanguna ang nasabing mapangahas na pelikula nina Janelle Tee, Raymond Bagatsing, at Ava Mendez.

What else is new? Kung alin ang bagong labas na sexy movie, malamang sa alamang na iyon ang number 1 sa talaan ng Top 10 Movies of the Week.

Iyong number 2 ngayong linggo na #DOYOUTHINKIAMSEXY ay siyang number 1 the other week. Magkatambal muli roon sina Cloe Barreto at Marco Gomez na unang nagbida sa Silab.

Nag-viral yung eksena sa Silab na pinutol ni Cloe ang ari ni Marco at nginuya-nguya habang naglalakad sa dalampasigan. Sa kanilang balik-tambalan ay pinutulan muli ni Cloe ng ari si Marco, pero hawak-hawak na lang niya iyon at hindi na isinubo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Take note na sa remake ng Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili na nag-streaming noong Hulyo 15 sa Vivamax, pinutol naman ni Ayanna Misola ang ari ni Mon Confiado.

At any rate, sa latest list ng Top 10 Movies of the Week ay pangatlo ang Secrets nina Janelle Tee, Felix Roco, Benz Sangalang, at Denise Esteban.

Pang-apat ang Bula nina Ayanna Misola, Mon Confiado, Gab Lagman at Rob Guinto. Napaka-delicious dito ni Gab, pero pa-tweetums siya sa bold scenes. Naka-plaster si Gab kaya walang VPL. Ang dating ni Gab ay bagong Diether Ocampo.

Panlima sa talaan ang X-Deal 2 nina Josef Elizalde, Rob Guinto, at Angela Morena.

Pang-anim ang 2019 Hong Kong thriller na Deception of the Novelist, starring Justin Cheung, Jeana Ho, and Linah Matsuoka.

Pampito ang Scorpio Nights 3 nina Christine Bermas, Mark Anthony Fernandez, at Gold Aceron. Nakakapag-init ang pa-dildo rito nina Gold at Mark Anthony.

Pangwalo ang Lampas Langit kung saan nag-frontal muli si Baron Geisler. Tampok din dito sina Christine Bermas, Ricky Davao, at Chloe Jenna, sa direksyon ni Jeffrey Hidalgo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pansiyam ang Eva nina Angeli Khang, Ava Mendez, at Marco Gomez, na si Jeffrey Hidalgo rin ang direktor.

Pansampu ang Pusoy nina Baron Geisler, Janelle Tee, Vince Rillon, at Angeli Khang.

Ay!!! Ligwak na sa Top 10 iyong Sitio Diablo nina AJ Raval at Kiko Estrada?! Wala ni isang movie sa Top 10 si AJ?!

Si Janelle Tee ay tatlo ang pelikula sa Top 10 — The Escort Wife, Secrets, at Pusoy.

Tigdalawa naman sina Christine Bermas (Scorpio Nights 3, Lampas Langit) at Angeli Khang (Eva, Pusoy).

vivamax top 10 movies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa Top 10 Series of the Week ay number 1 pa rin ang Wag Mong Agawin Ang Akin nina Angeli Khang, Jamilla Obispo, Felix Roco, at Arron Villaflor.

Sa Episode 7 (“Ninakaw Na Nakaraan”) ay nahuli ni Felix sa kama sina Arron at Jamilla. Kitang-kita ang plaster ni Arron nang bigwasan siya ni Felix.

Sa episode na ito ay tatlo ang sex scenes ni Arron — dalawa with Jamilla, and another one sa isang suporta. Meron ding lampungan dito sina Felix at Angeli.

Sa finale na Episode 8 (“Pag-ibig Na Di Maaagaw”) na streaming starting today, nag-flashback ang mga harutan ni Felix with Jamilla, pati na bardagulan ni Felix with Angeli. Wala nang hubaran scene si Arron, pero may bagong payanig si Josef Elizalde with Hershie de Leon.

vivamax top series

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa susunod na Sunday, Setyembre 25 ay mag-i-streaming na ang una sa apat na episode ng seryeng AN/NA na bida si Janelle Tee.

Katawang Lupa ang original title ng erotic series na ito, kung saan magpapakitang-gilas din sina Migs Almedras, Greg Hawkins, Rob Guinto, Micaella Raz, Azi Acosta, at Nico Locco.

NOEL FERRER

Viva seemed to have cornered the streaming market via Vivamax, at sexy projects ang nagrereyna.

Pati sa takilya, Viva rin ang nangunguna dahil sa Maid In Malacañang.

Sa Viva rin Expensive Candy nina Julia Barretto at Carlo Aquino na ipinalabas umpisa September 14, Wednesday, sa local cinemas.

Magkano na nga ba ang kinita ng Expensive Candy na number one film daw?

Dalawa pang pelikula ang nakatakdang ipalabas ng Viva sa mga sinehan.

September 28 ang playdate ng reunion movie nina Kim Chiu at Xian Lim na Always. Kasama sa KimXi movie na ito sina Joko Diaz, Gab Lagman, Yayo Aguila, Carlene Aguilar, Lander Vera-Perez, Jojo Abellana, Ivan Padilla, at Ali Khatibi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Oktubre 12 naman ire-release ng Viva ang May-December-January nina Andrea del Rosario, Kych Minemoto, at Gold Aceron. Co-stars dito sina Yayo Aguila, Lander Vera-Perez, at Debbie Garcia.

Samantala, iyong AQ Prime streaming platform ay matatagalan pa bago makaagapay sa Vivamax.

Kahit Ghost Month, nag-umpisa ang AQ Prime ng streaming noong Agosto 8 with four new titles — Bingwit, Adonis X, La Traidora, and Huling Lamay.

After a month, inilabas ng AQ Prime ang Pula Ang Kulay Ng Gabi noong September 8, kung saan bida sina Aljur Abrenica at Yana Fuentes.

As we write this ay wala pang nadagdag na bagong AQ Prime Original sa kanilang line-up.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wildflower, starring Maja Salvador (left), is now the Top 1 TV show on Netflix Philippines; Janelle Tee's (right) movie The Escort Wife, on the other hand, is the No. 1 movie on Vivamax.
PHOTO/S: Netflix / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results