Sikat na male celebrity, napahagulgol nang makita ang nagpakilalang anak niya

by PEP Troika
Sep 19, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Matindi ang lukso ng dugo nang makaharap ng kilalang male celebrity ang anak niya sa labas na dalawang dekada niyang napabayaan.

Binata na ang anak ng kilalang male celebrity, at nangangarap sundan ang mga yapak ng ama.

Mahusay ang binata sa pinasok na larangan. May pinagmanahan, 'ika nga. Magkahawig ang istilo ng ama at anak.

Ayon sa nasagap na kuwento ng PEP Troika, nagpapakitang-gilas na ang binata sa ibang bansa.

Hindi maiiwasan na darating ang panahong maikokonek ang binata sa kilalang male celebrity kahit apelyido ng kanyang ina ang dala-dala ng binata. Minabuti ng isang nakakakilala sa binata na maiharap na ito sa kilalang male celebrity.

Sa isang malaking pagtitipon kamakailan, sinabihan ang kilalang male celebrity ng kanyang kaibigan na merong gustong magmano sa kanya. Buong akala ng kilalang male celebrity ay inaanak niya ang gustong magbigay-pugay.

Pagmano ng binata, buong pagmamahal at pagpapakumbaba itong nagsalita, “Kumusta ka, Daddy?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang nakuryente sa pagkagulat ang kilalang male celebrity. Kamukha niya ang binata. Napahagulhol ang kilalang male celebrity.

Sa kaibuturan ng kanyang puso at kaluluwa, naramdaman agad ng kilalang male celebrity na ang binatang nagmano ay dugo ng kanyang dugo, at laman ng kanyang laman.

JERRY OLEA

Naging isyu noon ang pagsasalita ng ina ng binatang ito, na sinasabing si kilalang male celebrity ang tatay ng kanyang anak. Naglaho na lang sa eksena ang mag-ina.

Sa paglipas ng panahon, lulutang at lulutang ang totoo. Hindi na kailangan ang DNA test, sa lukso ng dugo ay batid agad ni kilalang male celebrity na supling niya ang nagmano sa kanya.

Ibinilin ni kilalang male celebrity sa mga taong pinagkakatiwalaan na huwag pabayaan ang kanyang anak.

Ipinatuloy ang training ng binata sa mga taong nagturo sa kilalang male celebrity. Ewan kung alam ng mga trainor ang tunay na identity ng sinasanay nilang binata.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Owwwww, I’m not surprised kasi napabalita ito noon, at doon ako naging malapit sa asawa ng kilalang male celebrity.

I’m sure napag-usapan nila ito nang maigi, at tanggap naman nila ang realidad sa kanilang buhay.

Kahanga-hanga naman ang male celebrity sa kanyang pag-handle nito. Very close itong realidad na ito kina Dennis Roldan at Paolo Gumabao.

Sa huli’t huli, maaayos at maaayos ang lahat!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results