Jean Garcia, Edgar Allan Guzman hindi nababakante sa GMA-7

by PEP Troika
Sep 19, 2022
edgar allan guzman jean garcia
Sina Edgar Allan Guzman (left) at Jean Garcia ay bibida sa Kapuso afternoon series na Nakarehas na Puso.
PHOTO/S: @ea_guzman, @chic2garcia on Instagram

GORGY RULA

Kabilang sina Edgar Allan Guzman at Jean Garcia sa mga paboritong stars sa mga drama series ng GMA-7.

Hindi nawawalan ng projects si EA (palayaw ni Edgar Allan), lalo na si Jean na nag-o-overlap ang mga programa.

Sa Lunes, September 26, 2022, ay magsisimula na ang bagong afternoon drama ng GMA-7, ang Nakarehas na Puso, na papalit sa timeslot ng magtatapos na The Fake Life.

Inaapi naman si Jean sa Nakarehas na Puso, kasama sina EA, Leandro Baldemor, Claire Castro, at ang pagbabalik-artista ng beauty queen-actress na si Michelle Aldana.

Nakarehas na puso cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakarehas na Puso cast: (L-R) Edgar Allan Guzman, Vanessa del Moral, Leandro Baldemor, Jean Garcia, and Claire Castro

Kaya bukod sa Lolong sa primetime ay nasa afternoon slot na rin si Jean. Hindi masabi ni Jean kung anong meron sa kanya, bakit paborito siyang kunin sa mga drama series ng GMA-7.

Bukod sa magaling siyang aktres at sa kanyang professionalism, naitatabi raw niya ang personal na isyu kapag nasa trabaho na siya.

“Siguro po nakita lang din po ng GMA na… ako kasi, pagdating sa trabaho, kinakalimutan ko ang lahat na personal ko na meron ako.

“Kumbaga, pag nasa trabaho po ako, trabaho talaga. Priority ko siya palagi.

“Pag nasa taping ako, as much as possible, yung kung puwedeng wala akong phone na dala-dala, iniiwasan ko. Unless na merong importante na kailangan sa phone.

“Pero as much as possible kasi, ako talaga pag sa trabaho, hindi lang 100 percent, 101 percent talaga ang focus ko saka yung commitment ko sa work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro yun ang nakikita ng GMA, kaya talagang awa ng Diyos, hindi ako nababakante,” saad ni Jean.

Pagdating kay Edgar Allan, sa tingin daw niya ay nakikita ng GMA-7 na gusto nitong bago lagi ang kanyang ginagawa.

Pinag-aaralan at iniiba niya ang atake sa bawat project na ipinagkakatiwala sa kanya.

Pahayag ng aktor, “Ako po kasi ang tao at aktor na hindi nagiging kampante. Gusto ko, laging may bago.

“Especially yung mga supporters ko, mga fans ko, at mga taong nagmamahal sa akin. Gusto ko laging may bagong inu-offer sa kanila.

“So, ako, ang lagi kong ginagawa is reinventing myself.

“Siguro para sa akin, nagwu-work yun, that’s why, kumbaga lagi akong nagkakaroon ng show.

“And ako, ang focus ko sa trabaho, pagmamahal ko sa craft ko, talagang all-out ako.

“I mean, gagawa ako ng eksena at pag nagagawa ko ang eksena, lagi kong tinatanong ang sarili ko kung okay ba yung nagawa ko at ano pa ang dapat kong itama ko sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganun ako. Laging hands-on ako.”

JERRY OLEA

Pareho na namang nasa afternoon slots ng GMA-7 ang mga orig na Madam Claudia Buenavista at Miss Amor Powers ng Kapamilya teleseryeng Pangako Sa ‘Yo (Nobyembre 2000-Setyembre 2002).

Si Madam Jean ay bida sa Nakarehas na Puso, samantalang si Miss Eula ay isa sa mga suporta sa Return To Paradise.

Alin kaya sa dalawang panghapong Kapuso teledrama ang mas magre-rate?

Nagkasama sina Jean at Eula sa Kampanerang Kuba (Hunyo-Disyembre 2005) na pinagbidahan ni Anne Curtis, at The Half Sisters (Hunyo 2014-Enero 2016) nina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

Dahil sa kahusayan at magandang attitude nila sa trabaho, nagtagal sa industriya sina Jean at Eula.

Pahayag pa ni Jean, “Siguro nakikita po ng GMA yun, plus ako po, I’m very grateful and thankful at palagi po akong nagpapasalamat sa Panginoon na hanggang ngayon ang tiwala at pagmamahal at suporta ng GMA, nandiyan pa rin until now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ako po, kahit papaano, inilalagay ko po sa puso ko na kailangan kong ibalik sa kanila yun. Ang pagmamahal sa trabaho, loyalty sa network.

“Kung ano po ang ibinigay sa akin ng GMA, gusto kong ibalik sa kanila. Kung puwedeng mas marami, mas matutuwa sila, at mas proud sila gagawin ko po.

“So, hindi ko po tini-take for granted palagi. Yung work palaging ibinibigay sa akin, kahit anong role po, ke kontrabida, kawawa, ke ano.

“Once po pinitch nila sa akin at tinanggap ko po, automatic po yun na pag hawak ko yung script, andun na. Nasa puso ko na po yun. Tapusin ko po yun nang maayos.”

NOEL FERRER

Sa huli’t huli, mananaig talaga ang husay at buti ng loob kaya nabibiyayaan ang mga katulad nina Jean at EA ng mga magagandang projects.

Sabi nga, there is no such thing as overexposure sa TV. Napatunayan iyan nina Kris Aquino, Alden Richards at Maine Mendoza, pati nina Ogie Alcasid, Luis Manzano, Robi Domingo, Randy Santiago, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta magaling, mabait, swak agad sa puso ng mga manonood na Pilipino.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Edgar Allan Guzman (left) at Jean Garcia ay bibida sa Kapuso afternoon series na Nakarehas na Puso.
PHOTO/S: @ea_guzman, @chic2garcia on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results