Bong Revilla at Lani Mercado, nag-react sa hiwalayan ng celebrity couples

by PEP Troika
6 days ago
Bong Revilla, Lani Mercado
Lani Mercado on husband Bong Revilla: "Very thoughtful iyan, generous siya. May flowers pag may okasyon. Very thoughtful, very malambing." They have been married for 35 years now.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nananatiling matatag ang pagmamahalan at pagsasamahan nina Senator Bong Revilla, 55, at Congresswoman Lani Mercado, 54.

Ano ang reaksiyon nila sa tila nausong hiwalayan ng showbiz couples nitong mga nakaraang buwan?

“Yung ganun, nakakalungkot, e, ano,” sambit ni Senator Bong sa chikahan kasama ang mga kaibigang entertainment journalists nitong Setyembre 22, 2022, Huwebes, sa Supersam restaurant, Quezon City.

“Kaya nga bago kayo magsama, dapat pag-isipang mabuti. Although kami rin ni Lani, maaga kaming nag-asawa nun.

“Pero hindi kami nagkamali sa isa’t isa, ano? Yung paghihiwalay, dapat pag-isipang mabuti iyan. Huwag pabigla-bigla.

“Hindi naman iyan parang damit na huhubarin mo, tapos na, magpalit ka na ng damit. Di ba?

“E, papaano kung meron ka nang maliliit na mga anak? Naaapektuhan.”

Sambot ni Ate Lani, “Saka habang kaya niyo pang i-save, i-save ninyo. Kasi, kahit papaano, may effect iyan sa mga bata.

“Noong mayor ako, lagi kong sinasabi pag nagkakasal ako, sabi ko, ‘Ayokong makita yung mga ikinakasal ko, naghihiwalay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, the smallest unit of the community is family. And pag nabuwag ang isang pamilya, diyan nagsisimula ang problema.

“So, as much as possible, lahat ng ikinakasal ko, sinasabi ko, ‘Kayo ngayon ang mga sundalo ko para paigtingin at patibayin ang samahang pamilya.’”

Ayaw nang alalahanin ni Ate Lani yung panahon na nagkaroon sila ng matinding pagsubok ni Senator Bong.

Dahil sa mga payo at paggabay ng mga nakatatanda ay nalagpasan nila iyon.

Nakangiting lahad ni Ate Lani, “Maraming nagpapayo at lagi kong naaalala yung sinasabi ng dad ko sa akin, ‘Pag aalis ka at gusto mo nang hiwalayan ang asawa mo, siguraduhin mo na hindi ka na babalik.’

“Yun, tatanim talaga yun, galing sa tatay mo. So, pag aalis ka, huwag ka nang babalik. Yun talaga, nakatatak yun sa utak ko.”

Hirit ni Senator Bong, “Sinabi ko rin sa kanya, ‘Pag umalis ka, wala ka nang babalikan, baka may ibang pumunta diyan!’ Joke!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtawananan ang mga kaibigang journalists sa pagtitipon at mabilis na sabi ni Ate Lani, “Hindi puwede iyan!”

Bong Revilla and Lani Mercado

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Paano ba sinusuyo ni Senator Bong si Ate Lani?

“Very thoughtful iyan, generous siya. May flowers pag may okasyon. Very thoughtful, very malambing,” sambit ni Ate Lani.

Nagseselos pa ba si Ate Lani sa leading ladies ni Senator Bong? Ang poging actor-politician na ang sumagot, “Wala namang dapat ikaselos.”

“Trabaho lang yun,” pakli ni Ate Lani.

Ano ang pananaw nila sa isinusulong na panukala sa diborsyo?

Tugon ni Ate Lani, “Kasi meron nang apat na dahilan para magkahiwalay ang couples legally.

“Merong nullity of marriage, may legal separation, and two other reasons. So, pag-aralan nating mabuti iyang diborsyo.

“Alam ko marami ang naghahangad niyan because of support for the children and the ex-wife. So, pag-aralan natin nang husto iyan.

“I have to see the bill na isinalang sa Kongreso.”

Susog ni Senator Bong, “Basta ganito lang iyan. Ang sino mang pinagsama ng Diyos, walang sino man ang puwedeng makapaghiwalay. Ganyan kasimple iyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tamis ng ngiti ni Ate Lani, “Sa kanya na nanggaling iyan! So, ibig sabihin niyan… ako hanggang huli!”

Dagdag ni Senator Bong, “Another way of saying ‘no’ to divorce. Meron namang annulment kung hindi na talaga kaya, at kahit ano man ang gawin mo…

“Meron naman tayong proseso diyan sa annulment. So, dadaan sa proseso iyan. So, parang ganun na rin yun.

“Ahh siguro, yun na lang siguro. Gawan ng paraan para mapabilis talaga.

“Pero yung pagde-delay niyan, baka meron pang tsansa para ma-save mo pa rin ang marriage, e, di ba?

“Kasi, kung halimbawa sa ibang bansa, like in the States… divorce, ambilis! Nag-away kayo ngayon, ‘Bukas, divorce kita!’

“So, what happens to the family now? Mas marami nang nawasak. Pero yun talagang giba na yung relasyon, at matagal nang hindi nagsasama, puwede nating payagan na i-annul.”

NOEL FERRER

Hindi masusukat ang pagmamahal ni Ate Lani kay Senator Bong. Abot hanggang langit!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, sa Setyembre 25, Linggo, na ika-56 kaarawan ni Senator Bong, meron siyang Alyas Pogi Birthday Giveaway sa Facebook Live.

“Iyan ay handog natin sa mga kaibigan natin, sa mga fans natin siyempre. Para sa lahat ito, worldwide!” sabi ni Senator Bong.

“Handog natin iyang giveaway sa panahon ng pandemya, na nandiyan pa rin hanggang ngayon.

“Ito’y parang ayuda o pagbibigay pag-asa. Magbibigay tayo, dalawang kotse! Yung isang kotse, sa tulong ng mga kaibigan, ambag-ambag. Tapos yung isa naman, sa mga kapatid ko, di ba? Suzuki S Presso, dalawa.

“Tapos sampung motorsiklo, panghanapbuhay, di ba? Tapos meron tayong mga laptops at tablets na ipamimigay.

“Tapos may mga cash. May mananalo ng PHP100K, PHP50K. Tapos maraming mananalo ng tigwa-PHP1,000.

“Ang nakakatuwa dito, marami tayong napapasaya. Marami tayong napapaligaya na tao, nagkakaroon ng pag-asa.

“And at the same time kumbaga, nanonood lang sila, pwede silang manalo.

“Hindi mo maiwasan, may mga bashers pa rin, di ba? Pero alam mo, hindi maiaalis yun, e. Basta kakambal na natin iyan, e, yung mga taong walang magawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pababayaan na lang natin yun. Ipag-pray na lang natin sila. Basta tayo, kahit ano pa ang gawin nila, i-bash man nila tayo… hindi tayo titigil sa pagtulong sa ating mga kababayan!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Mercado on husband Bong Revilla: "Very thoughtful iyan, generous siya. May flowers pag may okasyon. Very thoughtful, very malambing." They have been married for 35 years now.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results