Joshua Garcia-Gabbi Garcia collab project, tuloy pa rin ba?

by PEP Troika
Sep 25, 2022
Joshua Garcia
Gabbi Garcia
Wala pang kasiguraduhan ang GMA-7 at ABS-CBN collab project na pagbibidahan nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia, ayon sa Senior VP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Lilybeth Rasonable.

GORGY RULA

Tumangging magbigay ng komento ang Senior VP for Entertainment TV na si Ms. Lilybeth Rasonable tungkol sa lumabas na balitang collaboration ng GMA-7 at Kapamilya channel na teleseryeng pagbibidahan nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.

Aniya, “I don’t want to comment on that kasi ano I don’t want to get ahead of anything. But, ano naman e di ba? We already have initially a collaboration for films, di ba? So, anything is possible.

“I mean. Nasulat naman about it, di ba? That opened the possibilities. So, why not naman di ba?”

READ: https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/168118/joshua-garcia-gabbi-garcia-abs-gma-project-a4118-20220830

Ang isa pa ngang aabangan natin ay ang posibilidad na pagtatawid-tawid ng mga Kapuso at Kapamilya stars.

“Which is already happening naman di ba?” pakli ni Ms. Lilybeth.

“I mean, may mga ABS talents na nag-a-appear sa GMA. Si Xian [Lim] di ba? And then, yung mga talagang doon na lumaki, like si Dominic Ochoa. Pokwang is with us now, di ba?

“It’s good now that all these things naman can happen,” dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER

Tama naman ang sinabi ni Tita Lilybeth.

At least ngayon, malayang nakakatawid ang mga talents—and the main reason now why they get roles at dahil bagay sa kanila, magaling at maayos katrabaho. Hindi na lang dahil may guaranteed contract.

This ushers in a new season on television casting. Mas magkakaroon ng fresh combinations at hindi yung paulit-ulit na lang ang mga artista dahil marami nang pagpipilian.

I am for this system—at ok na ok ako sa collab more than competition!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Go go go! More trailblazing projects sana and casting in GMA-7 and the other networks.

JERRY OLEA

Magtatagal pa bago makahabol ang ibang istasyon sa Kapuso Network.

Nakaka-excite kung totoong ikinakasa ang isang drama series na collaboration ng GMA at Viva. Totoo bang remake ng Saan Nagtatago ang Pag-ibig ang gagawin nila?

Hindi pa sure kung ito ba iyung kina Marco Gumabao at Ken Chan. Inaayos daw ang special participation dito ni Tonton Gutierrez.

Dahil maraming maniningning na bituin—Kapamilya man o tagaibang produksyon—na payag lumabas sa GMA, dapat mag-behave iyong mga Kapuso na nag-a-atti-attitude.

Sa pamamayagpag ng GMA, hindi na nila kailangang i-renew ang kontrata ng mga artista na sandamukal ang demands. Dispensable na sila pagka’t maraming naghihintay na mabigyan ng pagkakataon!

Idineklara ang First Yaya ni Sanya Lopez bilang toprating series ng 2021. For 2022, Lolong ni Ruru Madrid ang pinakamalakas so far.

Abang-abang tayo kung lalampasan ba ng Start Up Ph nina Alden Richards at Bea Alonzo, maging ng Maria Clara at Ibarra nina Dennis Trillo, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose, ang sakalam na ratings ng Lolong.

Ang GMA Thanksgiving Ball last July 30 sa Shangri-La The Fort, BGC ang pinakamabituing event ng taon. Pakiwari ko’y wala nang kakabog dito.

Yung ABS-CBN Ball na gaganapin sana sa Oktubre 2 ay postponed indefinitely. May mga umaasam pa na matutuloy ang magarbong pagtitipon na iyon—sa kabila ng pagsadsad ng piso, pagtaas ng pamasahe, at pagbaba ng lipad ni Darna.

Kailan kamo matutuloy ang pinapangarap na ABS-CBN Ball? Kapag P20 na ang kilo ng bigas, o kapag naipamudmod na ang P10,000 na ayuda sa bawa’t pamilyang Pilipino na naghihikahos?!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pang kasiguraduhan ang GMA-7 at ABS-CBN collab project na pagbibidahan nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia, ayon sa Senior VP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Lilybeth Rasonable.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results