PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maria Clara at Ibarra, dapat panoorin ng millennials

Dennis Trillo, hands-on pa rin sa pag-alaga kay Baby Dylan
by PEP Troika
Published Sep 25, 2022
Julie Anne San Jose
Tiyak na maraming kapupulutang aral ang mga millennials sa bagong Kapuso teleserye na Maria Clara at Ibarra, dahil sa panibagong twist nito sa pagbalik-tanaw sa ating kasaysayan.

GORGY RULA

Pagkatapos ng Legal Wives, isa na namang magandang project ang ibinigay ng GMA-7 kay Dennis Trillo.

Ang Kapuso Drama King ang gaganap bilang Crisostomo Ibarra sa bagong historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, kasama sina Julie Anne San Jose at Barbie Forteza.

Sa nakaraang mediacon ng naturang series, tinanong ng PEP Troika kay Dennis kung paano nila napag-usapan ni Jennylyn Mercado ang pag-ayos ng schedule sa kanilang anak dahil sinasabi naman nilang hands-on sila sa pag-aalaga kay Baby Dylan.

Dennis Trillo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dennis Trillo

Sa pagkakaalam namin, kailangan na ring bumalik sa trabaho ni Jennylyn dahil ire-resume na ang taping sa Love. Die. Repeat nila ni Xian Lim.

“Yung kay Jen naman, nabalitaan namin recently na yung show niya na kailangang tapusin, mag-start pa lang next year, bandang Feb pa.

“Makapag-hands on pa rin kami,” pakli ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit nasa trabaho raw siya, sinisikap pa rin daw niyang maalagaan ang kanilang anak pagkauwi.

“Ako naman, ginagawa ko, patuloy pa rin yung mga rules ko bilang tatay. Kahit anong oras pa ako umuwi, pagkatapos ng taping, madaling araw man o umaga, tsini-check ko pa rin sila,” tugon nito.

Medyo mahirap nga lang pag naka-lock in, pero tinitiyak ng Kapuso Drama King na nagagawa pa rin niya ang kanyang responsibilidad bilang ama at asawa.

“Hindi ako puwedeng matulog kaagad na hindi ko sila naaalagaan. Ganun yung role ko dahil importante. Ayokong maging sagabal yung trabaho ko para magawa ko yung mga duties ko bilang tatay.

“Siyempre, meron kang mga kailangang i-consider na mga bagay lalo na pag magla-lock in taping. Kung papano kayo… maging maayos yung schedule palagi para pantay yung oras na mabibigay mo sa trabaho at saka sa pamilya,” dagdag niyang pahayag.

Ang Maria Clara at Ibarra ay panibagong obra na naman ni Direk Zig Dulay sa ilalim ng pamamahala sa script ni Suzette Doctolero.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin dito sina Rocco Nacino, Tirso Cruz III, Juancho Trivino, Manilyn Reynes, Lou Veloso, Juan Rodrigo, Ces Quesada, Gillete Sandico at may special participation si Andrea Torres bilang si Sisa.

Julie Anne San Jose

Tirso Cruz III

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsisimula na ito sa October 3, Lunes, pagkatapos ng 24 Oras, bilang kapalit ng Lolong.

JERRY OLEA

Mas promising ba ang Maria Clara at Ibarra kesa sa Start Up Ph kaya ito ang ipapalit sa Lolong?

Excited ako sa modern retelling ng nobelang Noli Me Tangere (1887) ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Aba! Makasaysayan ang palabas na ito, hindi tsismis ang mga paandar at pasiklab!

Kapana-panabik ang pagganap ni Juancho Trivino bilang Padre Bernardo Salvi, ang Franciskanong prayle na may pagnanasa kay Maria Clara de los Santos (Julie Anne San Jose) na biological daughter ni Padre Damaso Verdolagas (Tirso Cruz III).

Ang sequel ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo (1891) ay dedicated ni DJPR sa MaJoHa, este, sa Gomburza!

Wish ko lang na subaybayan ng PBB Teens at ng kanilang fans itong Maria Clara at Ibarra!!!

Facebook post ng GMA Drama, “Ang mga tauhan ng mga nobela ni Jose Rizal, mawiwindang sa pag dating ng isang Gen Z na nursing student sa mundo nila! Sa pagtatagpo ng nakaraan at kasalukuyan, sino sa kanila ang mag-a-adjust?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sama-sama nating balikan ang kasaysayan... with a twist! At gaya ni Klay, may bago tayong matututunan tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig at pagmamahal sa bayan.”

Si Klay ay si Barbie Forteza. Ang tunay na pangalan ni Klay ay Maria Clara.

Wala si Julie Anne San Jose sa mediacon ng Maria Clara at Ibarra noong Setyembre 23, Biyernes sa Intramuros, Manila.

Nasa Amerika na kasi si Julie Anne para sa 17th anniversary treat ng GMA Pinoy TV… ang Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert sa Setyembre 24 at 25 sa Pechanga Theater, Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.

Naroon din sina Rayver Cruz, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Ai-Ai de las Alas, at Lani Misalucha.

Facebook post ng Kapuso scriptwriter na si Suzette Doctolero, “Umiyak ako habang pinapanood ko ang AVP ng Maria Clara at Ibarra kahapon doon sa mediacon kasi nagandahan talaga ako.

“Ramdam ko ang puso naming lahat ng mga gumawa nito. Pasensya kung nagbubuhat ng bangko, sobrang proud lang of the whole team. Siyempre ay kayo pa rin ang maghuhusga kaya panoorin ninyo ngayong October 3, after 24 Oras ha?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Oo nga, bakit hindi inilagay sa first slot after 24 Oras ang Start Up Ph?

Does it just show na the story is prime and not the stars?

Ang sayang diskusyon ito!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiyak na maraming kapupulutang aral ang mga millennials sa bagong Kapuso teleserye na Maria Clara at Ibarra, dahil sa panibagong twist nito sa pagbalik-tanaw sa ating kasaysayan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results