PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Leandro Baldemor, naranasang ituring na ekstra sa isang teleserye

Leandro Baldemor, hinahati ang oras sa pag-arte at sa pagpipinta.
by PEP Troika
Published Sep 26, 2022
leandro baldemor profile pic
Leandro Baldemor on dividing his time between showbiz, business, and family: "Sa bilang ko, nasa 25 years na ako sa showbiz. So, medyo madali na mag-adjust pag ganun. Alam na ng routine mo. Pagdating mo ng bahay, tatay naman ako. Tapos pagdating sa opisina ko, Leandro as businessman ako. Pagdating ko sa working area ko, as artist naman."
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Nakilala ko si Leandro Baldemor bago pa niya gawin ang una niyang movie na Sariwa (1996) katambal si Priscilla Almeda aka Abby Viduya.

Kaibigan ko kasi ang manager-discoverer niyang si Bobby Yalong, na U.S.-based na. Si Bobby pa ang nagpaalala na ang unang showbiz event na dinaluhan ni Leandro ay ang birthday party ko noon sa Jaloux Discotheque.

Isa ako sa mga natuwa sa balik-tambalan nila ni Abby sa pag-uumpisa ng Kapuso primetime series na Lolong. Naging good luck charm sila sa serye ni Ruru Madrid, huh?!

Kapag napapagawi ako sa Paete at nagkataong naroon si Leandro ay nakakatsikahan ko siya. Ang gaganda ng mga obra ni Leandro — paintings man o lilok — na pinagbuhusan niya ng puso at panahon.

Noon pa man ay loyal Kapuso na si Leandro.

Naramdaman kasi niya ang respeto at pagpapahalaga sa kanya sa GMA Network.

“2009 lumipat ako, nag-handle na sa akin si Direk Maryo J. de los Reyes [RIP]. Naging manager ko siya,” salaysay ni Leandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tumulong din si Tito Jake Tordesillas [RIP]. Actually, si Tito Jake ang una kong nakausap. Nag-message siya sa Facebook, ‘May manager ka?’ Sabi ko, ‘Wala po.’ ‘Sige, i-refer kita kay Direk Maryo.’

“Tapos ayun, si Tito Jake na ang parati kong kasama saka si Direk Maryo. Marami akong naging shows sa GMA mula nang i-handle ako ni Direk Maryo. Hindi ako nawawalan.”

Sa Heredera lang naidirek ni Maryo J si Leandro. Iba na ang mga direktor ng ibang TV shows na nilabasan niya.

Kahit pumanaw na ang scriptwriter na si Jake at si Direk Maryo, nanatiling Kapuso si Leandro.

Aniya, “Siguro, yung attitude ko rin sa trabaho. Hindi ko naman sinasabing magaling akong mag-arte, pero yung assignment ko kasi, pinag-aaralan ko saka yung rules nila, sinusunod ko. Hindi ako mahirap katrabaho.”

Nakapagtrabaho rin si Leandro sa ABS-CBN at TV5. Pero mula noong 2009 ay nanatili na siya sa GMA.

Kuwento ni Leandro, “Naramdaman ko noon na wala na talaga akong career sa showbiz. Nag-Japan kasi ako noon. Pagbalik ko, wala nang kumukuha sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagpasalamat ako dahil nabigyan uli ako ng break… Isa sa pinasasalamatan ko na nakatrabaho, si Randy Santiago. May malasakit siya sa katrabaho.”

Sa isang TV series sa ibang network, gumanap si Leandro bilang pangunahing kontrabida. Pero ang turing sa kanya ng produksiyon ay pangkaraniwang ekstra o bit player.

Pagbabalik-tanaw pa ni Leandro, “Ako naman, OK lang sa akin. Kasi, trabaho naman ang aking ipinunta. Hindi ako nagpunta para mag-prima donna or whatever.

“Tapos, ‘Sir, mag-barong na po kayo!’ Hindi na ako nagtatanong, ‘Kukunan na ba ako?’

“Wala akong karapatang magtanong. Kasi, baka mabulyawan pa ako nitong P. A. [production assistant].

“So, nag-barong ako. Ang init! Andun lang ako sa labas. Basta andun lang ako, kasama ko yung mga ekstra. Tapos yung parang head-head ng mga ekstra dun, sabi sa akin, ‘Gusto mo, i-manage kita?’

“Sabi ko, ‘OK lang, wala namang problema. OK lang.’ Ganun. Tiis-tiis lang ako. Pero balewala sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ganoon ba siyang karanasan sa GMA-7?

Mabilis na tugon ni Leandro, “Ay! Wala! Putcha, pagpasok ko pa lang sa GMA, pag-park mo pa lang, ‘Sir Leandro! Dito po kayo, Sir Leandro!’”

GORGY RULA

Nagpapasalamat si Leandro sa GMA-7 dahil nabibigyan pa rin siya ng magagandang projects na gustung-gusto niyang gawin.

Ipinagkatiwala kay Leandro ang role bilang si Jack Galang sa bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Nakarehas na Puso, na ang pilot episode ay ngayong Setyembre 26, 2022, Lunes.

Bukod sa pag-arte ay naitutuloy pa rin ni Leandro ang pagiging artist dahil kapag wala siyang trabaho bilang artista, nagpipinta siya at nag-uukit sa bayan niya sa Paete, Laguna.

Read: Leandro Baldemor: From bold actor to bold ventures as manlililok

Nag-e-enjoy si Leandro sa pagiging pintor at iskultor, pero hinahanap pa rin niya ang pagiging artista.

Ang suwerte raw niya na kinukuha pa rin siya ng Kapuso network. Magkakaiba ang ginagawa ni Leandro, pero kaya niyang hatiin ang kanyang schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Division of ano… siguro parang dini-divide ko yung aking sarili na pag nasa bahay ako, siguro Leandro as artist, businessman, pintor, iskultor.

“Pag naman nasa showbiz naman ako, Leandro ka naman. Pag nasa loob ka na ng cameraman, as Jack Galang naman,” pakli ni Leandro sa nakaraang mediacon ng Nakarehas na Puso.

Naitatawid daw ni Leandro ang pagiging pintor at iskultor sa kanyang pag-aartista.

“Ang pagiging artist ko as pintor at saka po iskultor, nasa puso ko rin po kasi talaga 'yan.

“Kasi, katulad niyan, pag nagpipinta ako, ang hinahabol kong oras mga alas-kuwatro ng madaling-araw, alas-tres. Mas nakaka-focus po ako magpinta at saka magdetalye ng wood carvings pag mga ganun pong oras.

“Minsan mood din, wala akong natatapos hanggang sa sumundut-sundot lang ako ng pintura.

“Sa pag-acting naman, nilulugar ko ang sarili ko katulad nito sa Nakarehas na Puso, nilulugar ko yung sarili ko as Jack Galang.

“Siyempre, binabasa ko yung script. Ginagawa ko yung assignment ko para makuha ko yung assignment ko kung sino ba si Jack,” saad ni Leandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Leandro ay gumaganap na asawa ng bidang si Jean Garcia sa Nakarehas na Puso.

broken heart

NOEL FERRER

Mahirap ba sa kanyang gampanan ang trabaho niya sa Paete at pagiging artista?

Tugon ni Leandro, “Medyo mahirap, pero pag nakasanayan mo na kasi...

"Sa bilang ko, nasa 25 years na ako sa showbiz. So, medyo madali na mag-adjust pag ganun. Alam na ng routine mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pagdating mo ng bahay, tatay naman ako. Tapos pagdating sa opisina ko, Leandro as businessman ako. Pagdating ko sa working area ko, as artist naman.

"Like that. It's easy when you're there, right? When that's the way your life is going, like that, you can easily adjust."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leandro Baldemor on dividing his time between showbiz, business, and family: "Sa bilang ko, nasa 25 years na ako sa showbiz. So, medyo madali na mag-adjust pag ganun. Alam na ng routine mo. Pagdating mo ng bahay, tatay naman ako. Tapos pagdating sa opisina ko, Leandro as businessman ako. Pagdating ko sa working area ko, as artist naman."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results