GORGY RULA
Tantiya ni Rocco Nacino, two weeks ay isisilang na ng misis niyang si Melissa Gohing ang panganay nilang baby boy.
Read: Rocco Nacino and Melissa Gohing are having a baby boy
Tamang-tama naman at babalik na si Rocco sa lock-in taping ng Maria Clara at Ibarra kaya humingi muna siya ng paternity leave kahit sandali lang.
“Ito yung sinasabi ni Dennis [Trillo] na time management,” napapangiting pakli ni Rocco tungkol sa co-star niya na may bagong baby rin.
“Of course, bread and butter ko ito [showbiz], and priority ko pa rin siyempre na mag-commit sa show na ito.
“I mean, the production is good enough to grant me paternity leave. Pero mukhang kailangan ko yata i-shorten kasi papasok na ang mga eksena ko.
“Kailangan ko na pong ibigay ang buong oras ko sa Maria Clara. Pero I think magtutugma naman po.
“Mukhang darating naman po before ako pumasok. So, kahit three days na makasama ko si baby, maiuwi ko lang sila, puwede na akong sumabak sa taping,” dagdag niyang pahayag.
Pero napalingon si Rocco sa co-star niyang si Juancho Trivino, na isang pang new daddy, kung okay na ba ang ganun kadaling makasama ang kanyang anak at kapapanganak na asawa.
Habang hindi pa siya nakabalik sa taping, nasa bahay lang daw siya para alagaan si Melissa.
“Na-diagnose pa siya, diabetes, which is normal. Hypothyroidism. So, todo alaga ako ngayon. Nag-carpal tunnel syndrome. So, ako talaga yung nag-aalaga kay Mel.
“So, ako tagabuhat sa kanya and everything. Kaya lahat ng ginagawa ko ngayon, sa bahay lang ako.
“So, pag kaya ko at umabot si baby before mag-taping, yun ang best time,” saad ni Rocco.
JERRY OLEA
Kahit matagal na nila itong napaghandaan, hindi pa rin daw mawala kay Rocco ang sobrang kaba at excitement na rin sa nalalapit na panganganak ni Melissa.
“Kabadung-kabado. Ito nga ang mga tatanungin ko si Dennis, si Juancho. Hihingi ako ng tips sa kanila kung paano mag-manage. Kasi, kahit nurse man ako, feeling ko pagdating niya, mabablangko ako, e,” sambit ni Rocco.
May napili na raw silang pangalan sa kanilang magiging baby boy. May napagkasunduan na rin daw sila ni Melissa na kukuning mga ninong at ninang.
NOEL FERRER
Sa pagbabalik-taping ng Maria Clara at Ibarra ay marami na raw kukunang mga eksena ni Elias na gagampanan ni Rocco.
“Mag-uusap pa kami ni Direk Zig kung gaano pa kalalim gawin si Elias. Kung si Crisostomo Ibarra si Dr. Jose Rizal, at si Elias ang katumbas ni Andres Bonifacio na matapang, may galit, malalim?
“So, yun ang magiging challenge ko kung gaano kalalim ko huhugutin ang galit sa mga tao na nanakit sa pamilya. Para gumanti at ipakita ang tapang,” sambit ni Rocco.
