GORGY RULA
Na-enjoy ng Sotto family na sina Vic, Pauleen, at Talitha ang bakasyon nila sa Boracay kamakailan.
Si Tali ang madalas na pinu-post ni Pauleen sa Instagram na ikinatuwa naman ng netizens. Sabi ni Pauleen, mas nae-enjoy na ngayon ni Tali ang beach.
Pero ang isa raw sa nakakatuwa kay Tali ay napaka-friendly nito sa mga batang nakikilala sa Boracay. Lahat daw na mga bata roon ay friends na ng kanyang anak.
“Super enjoy siya! Friends niya na lahat na makita niyang kids hahaha!” text ni Pauleen sa PEP Troika.
Ngayon pa lang ay nakikitaan na si Tali na napaka-friendly at napaka-PR. Kaya posibleng manahin nito ang pagiging pulitiko ng kanyang Kuya Mayor Vico Sotto at Tito Sen [Tito Sotto].
Malay nga naman natin, di ba? Masyado pa namang bata si Tali, at hindi pa aware na celebrity siya.
Natutuwa lang daw ang bagets sa ginagawa niyang mag-taping at sumasali-sali sa Eat Bulaga! minsan.
Papayagan kaya ng mag-asawang Vic at Pauleen na ituluy-tuloy na ni Tali ang pag-aartista? Nae-enjoy naman kasi ng bagets ang mag-taping sa regular show nilang Love, Bosleng and Tali na napapanood sa Net25 tuwing Linggo ng gabi.
“Di pa sure e… only if she likes,” pakli ni Pauleen.
“Hindi naman niya hinahanap ang taping. But, pag alam niya na may taping, excited siya,” text uli ni Pauleen.
Naloka lang daw si Pauleen nang minsang tinanong nila si Tali kung gusto ba nitong maging artista.
“Nung una, natakot pa kami. Kasi sabi ko, ‘Anak, you wanna be an actor?’
“Tapos sabi niya, 'No!' Sabi niya, ‘I want to be an actress!’ Nag-panic ako kasi wala namang pilitan ito, di ba? Hindi naman namin puwedeng pilitin ang bata.
“Kasi four [years old] lang siya, e. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Biglang 'I want to be an actress'!” natatawang kuwento ni Pauleen.
JERRY OLEA
Hindi raw talaga kasali sina Pauleen at Tali sa Love, Bosleng and Tali nung una. Ang konsepto talaga nito ay mag-isa lang si Bossing Vic sa kanyang show para sa Net25.
“Ang original title niya was Bossingly Yours. Parang Lovingly Yours, ganun. And then the pandemic hit. And then, sinabi nila, 'Isama na natin si Pauleen.'
“Siyempre lumaki na si Tali, tapos nakikita na sa Eat Bulaga, and minsan pag nagsu-Zoom sila sa Daddy’s Gurl, nakikita sumisingit-singit siya.
"Sabi, 'Isama na natin si Tali.' Kasi, parang kaya na niya."
NOEL FERRER
Sobrang happy na ang mag-asawang Vic at Pauleen sa nag-iisa nilang anak. Sinubukan nilang sundan si Tali, pero hindi naman nagtagumpay.
Ayaw na lang daw magpa-pressure ng mag-asawa. Ang laki na raw ng pasasalamat nila sa Diyos na dumating si Tali sa kanilang buhay.
“You know, right now, andun na kami sa point na kung ibigay, ibigay. But if si Tali na lang, we are so grateful. We are so grateful.
“Kasi, Tali is more than what we prayed for e. Grabe si girl! Nakakatuwa, napakabait na bata. She’s funny, she’s smart, she’s polite. Wala na talaga kaming mahihiling pa.”
Napapanahon ang magpapamilya na nagkaka-sitcom like that of Dingdong and Marian’s family, Gladys and Christopher, at heto ngang kina Bossing Vic at Pauleen.
Sinu-sino pa kaya ang susunod? At least, ipinapakita nitong may mga pagsasamang may forever sa mga artista, di ba?
