GORGY RULA
Ang daming magagandang baon ang buong cast ng Lolong ngayong natapos na ang season one.
Isa na rito ang magandang samahan ng mga artista, at surprisingly, nakitaan ng galing ang ilan sa mga gumanap ng mahalagang karakter sa naturang action-adventure series.
Isa pa rin dito si Ruru Madrid na ikinagulat ng mga co-stars niya na ang laki ng ipinagbago, at lalo pang gumaling.
Isa sa pumupuri kay Ruru ay ang premyadong aktor na si Christopher de Leon.
Sa dami ng mga batang artistang nakatrabaho ni Boyet, isa si Ruru sa hindi niya makakalimutan dahil kahit paano ay na-inspire din daw siya sa dedikasyon ni Ruru sa kanyang trabaho.
“One important thing is his passion. Sa totoo lang, I get inspiration from actors like Ruru, ano? How dedicated they are.
“And then, very passionate with their work,” bulalas ni Boyet.
“I’ve been in the industry for a long time… you got complacent. Iyan, ayokong mangyari sa akin.
“That’s why my inspiration is Ruru Madrid, like sina Paul Salas, Rochelle [Pangilinan]. Wow! They really get into it.
“I mean, talagang pumapasok sila sa role. Pagkatapos, Ruru Madrid na uli. Pag nag-roll na yung camera, si Lolong, ready e.
“I get inspired by that. I get thrilled,” dagdag niyang pahayag.
Kaya puring-puri niya si Ruru pati ang ilang young actors na bahagi ng Lolong, at kailangang sabayan din daw niya ang mga ito.
“Kahit na you’ve been in the business for so long, you have to be at par with their energy, their passion. Kasi minsan, ‘sige na, gawin na lang ito.’
“Hats off ako kay Ruru, and we’ll be talking more one of these days. We’re going to talk more about the ins and outs of the business.
“Gusto ko, lagi ko silang nakakausap about this,” sabi pa ni Christopher de Leon na gumanap bilang si Armando, ang main kontrabida sa Lolong.
JERRY OLEA
Kahit si Rochelle Pangilinan ay sobrang kinikilig kapag nakakatanggap siya ng papuri sa ginawa niya sa Lolong.
Sinasabi nga ng karamihan, dito raw sa Lolong ay pinatunayan niyang isa na siyang aktres.
“Ang sarap. Ibang-iba talaga ito compared sa ibang nagawa ko.
“Thank you. Thank you,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Rochelle sa mediacon ng finale week ng Lolong.
NOEL FERRER
Noong simula pa man, mahal ko na si Ruru Madrid bilang artista at bilang kaibigan. Naging hayag sa publiko ito, at lalo pang napatunayan ng kanyang mga naging kasamahan sa trabaho.
Thank you, GMA Public Affairs for this landmark project for him at sa GMA Entertainment for Running Man.
Sana magkaroon pa siya ng maraming endorsements at mga markadong pelikula to up his value!
We will be forever supportive of Ruru, Lolong and beyond!
