GORGY RULA
Nagpahayag ang bagong Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Tirso Cruz III na itong bago niyang responsibilidad ang mas ipa-prioritize niya kesa sa pag-aartista. Pero magagawa naman daw sa time management para mapagsabay niya ito.
“It’s like a matter of organizing your schedule. Of course, ang FDCP now mas priority sa akin sa scheduling.
“Pero alam mo naman sa industriya, nagagawan natin ng paraan na ma-adjust yung schedule para huwag mag-conflict,” pakli ni Tirso.
Natutuwa lang daw siya ngayon dahil nakabalik siya uling magtrabaho sa GMA-7 pagkatapos niyang magtrabaho sa ABS-CBN nang matagal na panahon.
Back to Kapuso si Chair Tirso sa bagong serye ng GMA-7, ang Maria Clara at Ibarra, na magsisimula na bukas sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Ang nakakatuwa lang daw ay muling nakatrabaho niya ang mga staff na dating nakasama niya noong gumagawa siya sa Kapuso network.
“Ang nakakatuwa, yung mga taong people behind. Yung mga taong dating PA na kilala ko, mga boss na ngayon, ang tataas na ng position, which is nakakatuwang tingnan.
“Nakakatuwa lang na kapag nagkikita kami, di ba? Nakakatuwa nang tingnan,” pahayag ni Chair Tirso sa nakaraang Filmmakers and Shakers Night ng FDCP nung nakaraang Biyernes, September 30.
Agree si Tirso na sa panahon ngayon ng social media, tama rin daw na makapanood ng ganitong programa ang ating mga kabataan, para masusi raw nilang mapag-aralan ang ating kasaysayan, pero entertaining ang approach.
“It has something to do with history. It has something to do with teaching our young people to realize our history, to look back sa kultura natin, di ba?
“It’s entertaining, but at the end of the day nga, parang ang responsibilidad namin na in our own way, how to educate our viewers para itaas ang kanilang appreciation, at matandaan nila sino si Padre Damaso, sino si Sisa, sino si Maria Clara, si Ibarra. Malalim pala ang istorya ng Pilipinas.
“So, it’s important also na may ganito tayong series na in a way natuturuan natin ang mga bata e,” pahayag ng FDCP Chairman.
Ginagampanan ni Tirso dito sa Maria Clara at Ibarra ang role ni Padre Damaso, ang biological father ni Maria Clara.
Kasama sina Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Rocco Nacino at Dennis Trillo sa Kapuso primetime series na kapalit ng Lolong.
JERRY OLEA
Gumanap si FDCP Chair Tirso bilang Sec. Arturo “Art” Padua sa FPJ’s Ang Probinsyano na nakatapat ng Lolong.
Sa seryeng kapalit ng Lolong, markado ang papel ni Chair Tirso bilang Padre Damaso.
Batid natin na ang teleserye pagkatapos ng evening newscast ang may pinakamagandang timeslot, at ariba sa ratings kung weekdays.
Inaasahan nating raratsada rin ang Maria Clara at Ibarra, at inaasam nating hindi malayo sa ratings ng Lolong ang ratings nito.
At any rate, Ayon sa creative team ng Maria Clara at Ibarra, handa na sila sa mga punang ibabato sa bagong katapat ng Mars Ravelo’s Darna.
Kagaya rin sa mga nagawa nilang serye na Amaya, Sahaya, Indio, at Legal Wives na minahal pa rin naman ng mga manonood, tiyak na may masasabi rito ang mga taga-ibang bakod.
Sabi ng Creative Consultant nito na si Suzette Doctolero, “Hindi ko masasabi kung ano ang magiging reaksyon nila dito because hindi ito yung purong Noli at Fili dahil may galaw, disruption.
“Si Klay dito ang modern Maria Clara ay disruption dun sa mundong yun. So, I’m sure may mga theories na magsasabi na, 'bakit nyo ginanito?' I’m sure.
“Siguro, makikita na lang natin sa palabas. I think, pag pinapanood mo ang isang palabas ay mababasa mo, mararamdaman mo at makikita mo ang kaluluwa ng mga gumawa.
“Hindi puwedeng wala. Ramdam mo at makikita mo yung soul ng palabas, yung soul ng writer, yung soul ng director, yung soul ng mga artista kung ano yung kanilang nasa puso at saka soul.
“Pag maganda yung palabas, hindi mo kukuwestiyunin, e. Pero yung contentment sa loob mo na hindi natin ma-explain, e.
“Pero pag hindi maganda yung palabas at alam mong may ginagalaw sa culture at history natin, mao-offend ka e, na hindi mo ma-explain kung bakit mao-offend ka.
“Pag pinalabas to, tiwala ako na makikita nila yung soul namin lahat dito, at tingin ko, puro ang soul namin at malinis yung soul namin at ang gusto namin ay hindi lang mag-entertain kundi ipakita yung ganda ng Noli at Fili sa POV ng audience.”
Kaya sa mga kabataang MaJoHa, dapat tunghayan ninyo at subaybayan ang Maria Clara at Ibarra!
NOEL FERRER
Medyo emotional naman si Direk Zig Dulay sa kanyang pahayag sa kung ano ang masasabi ng iba dito sa Maria Clara at Ibarra.
“Somehow tiwala ako na kung ano man yung masabi nila o kung ano man yung kuwestiyunin nila, o kung ano yung puna nila, I think part yun ng teleserye,” lahad ni Direk Zig.
“Baka magtaka tayo kung wala silang punahin. Kasi with that, ibig sabihin nag-i-interact sila. Ibig sabihin, napu-push niyo yung purpose bakit nagagawa niyo yung teleserye, na ginawa ito hindi para lang mag-entertain kundi katulad ng Noli Me Tangere, di ba?
“Sabi ni Jose Rizal, salingin mo lang nang konti, i-touch mo yung somewhere na nagnanaknak in such a way na malalaman nila na may sakit pala yung lipunan. Parang ganun.
“Kung kukuwestiyunin nila, babalik sa kanila yung question. Sila yung sasagot, parang ganun.
“May mga disruptions kasi doon sa loob ng teleserye na in a way later pag napanood nila, maliban sa magustuhan nila, mauunawaan din nila.
“Maliban dun, nasabi ko nga kanina na part ng teleserye na bina-bash o kinukuwestiyon, okay lang yun. As long as dun sa team namin, sa production team namin ginawa namin ang lahat na makakaya namin, kasama ang mga actors, ang mga staff.
“Ginawa namin ang lahat na makakaya namin, lahat ng nalalaman namin doon sa show. Alam namin na hindi ito perpekto, pero nagsama-sama kaming ginawa ang lahat na makakaya namin, buong puso at kaluluwa namin ang binigay namin doon sa show.
“Feeling ko, malakas na power yun para pang-shield sa kung ano man yung ibato sa amin.”
From his Cinemalaya victories, we wish Direk Zig the best!!!