GORGY RULA:
Ang mabuhay hanggang 120 years old ang goal ni Korina Sanchez nang makapanayam niya si Dra. Vicki Belo sa bago niyang programa sa NET25 na Korina Interviews.
Noong Linggo, October 2, 2022, nagsimula itong lifestyle show ni Korina sa NET25, at pawang magagandang feedbacks ang nakuha nito dahil nakuha niya ang tiwala ni Dra. Belo para ilahad ang mga pinagdaanan nito, at fears sa pagtanda.
Inilahad ni Dra. Belo ang pinagdaanan niya nang magka-breast cancer, at kung paano niya ito nalagpasan.
Ayon kay Dra. Belo, hindi madali ang mga pinagdaanan niya, pero kailangan niyang maging matatag lalo’t nandiyan ang seven-year old daughter niyang si Scarlet Belo.
Tinanong siya ni Korina kung paano niya naitago ang hirap na pinagdaanan niya noong may cancer pa siya.
"Paano nyo na-survive yun? Vicki, hindi namin naramdaman. Kaming nakapaligid sa iyo, hindi namin naramdaman ang napakahirap na pinagdaanan mo. Ano ang sikreto?" tanong ni Korina.
Tugon ni Dra. Belo, “Prayers, of course. Family. Love. Support, and you know of course, the number one secret is Scarlet."
Ang anak nila ni Dr. Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo ang isa sa dahilan na kailangan niyang maging matatag at hinihiling niya sa Panginoong humaba pa ang kanyang buhay.
"Kasi, I really… look at her, I wanna be with her. I don’t wanna leave her naman so young. So, I pray, 'Lord, please give me time,'" emosyunal na pahayag ng kilalang cosmetic surgeon.
Tila naka-relate rin si Korina dahil napakabata pa ng kambal nila ng dating DILG Sec. Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.
Sabi ni Korina, "Naiiyak na rin ako. Kasi ganun din yung mga anak ko ang liliit pa. Kaya, all I can think of is how to live to be 120 years old."
"Kaya natin iyan," pakli ni Dr. Belo.
Patuloy ng doktora, "Sabi nga ng patients ko, 'Ikaw talaga nung bata ka, wala kang pakialam about all these aging things kasi hindi mo na dinaanan.'
"But now you’re older, I know that you’re older, I know this is a lot of anti-wrinkling. How to keep your hair black. So ganun, you keep it thick."
Kaya raw talagang sinusulit daw ni Vicki ang mga pagkakataong makasama ang anak.
"Kawawa naman si Scarlet kung minsan napi-pressure siya, kasi six months pa lang dinala ko na siya sa Maldives, Japan, Paris. Kasi in my mind I wanna be with her.
"So ngayon, super enjoy ako," saad ni Dra. Vicki Belo.
Inspiring ang ibinahaging kuwento ni Dra. Belo na maaring naranasan din ng iba. Kaya nagpasalamat si Korina na ipinagkatiwala ang kuwento ito sa kanya.
"It’s such a privilege and an honor to be trusted with that story Vicki. Thank you for sharing and believe me. In this moment you, you have inspired so many.
"I think it’s important you tell that part of your life story," saad ni Korina.
Nagkasundo silang dapat na ma-achieve daw nilang dalawa na mabuhay pa hanggang 120 years old para kasama pa rin sila sa paglaki ng kanilang anak.
"Pareho tayo, Vicki. I have to live to be 120. Sabay tayo diyan," napangiting pahayag ni Korina.
"Sabi ni David Sinclair, human should live 150. We will break that ano,” pagdidiin naman ni Dra. Belo.
"We will break that. Aabutin natin yang finish line na iyan," dagdag ni Korina.
Pawang positive comments ang nai-post sa interbyung iyun, na puwede niyo pang mapanood sa YouTube channel ng NET25.
Mapapanood ang Korina Interviews sa NET25 tuwing Linggo ng 5:00 p.m. Sana nga, may replay ito sa ibang araw.
Sa darating na Linggo ay masaya naman ang tsikahan ni Korina sa premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.
- What happens to Dra. Vicki Belo's old designer clothes? "Pinapatahi ko for Scarlet."
- Dra. Vicki Belo weighs in on Xilhouete's impersonation of her in Drag Race Philippines
- Dra. Vicki Belo shares most recent Chanel "budol" purchase is worth almost a million
JERRY OLEA:
Nagpakatotoo si Dra. Vicki Belo sa interview sa kanya ni Korina. Sinabi nga niya sa mga manonood na huwag siyang kainggitan kapag nakikita siyang masaya sa mga social media accounts niya.
Dahil kagaya rin ng ibang tao, dumaan din siya sa matinding pagsubok pero kumapit siya sa panalangin at pagmamahal sa kanyang pamilya.
Ani Dra. Belo, "Ngayon, nakikita nyo ang mga Instagram. Akala nyo yung mga life namin perfect, napakasaya, nagbibiyahe, nagsa-shopping, whatever.
"You know, everyday is a challenge, wala talagang perfect na buhay. So, huwag kayong ma-depress kung nakikita niyo ganun, tapos ang life nyo hindi pala ganun na feeling nyo hindi ganun kaganda.
"Lagi ninyong hanapin yung ganda sa buhay ninyo. Health is wealth. When you get older, slow down a bit.”
NOEL FERRER:
Happy Birthday, Koring! So, malinaw na mas pinili ni Korina na mag-engage sa NET25 kaysa sa ALLTV. At least, naipakita ni Korina na hindi lahat ng tumatawid, namamatay. Mas malaking balita kung ang susunod na pasabog ay si Koring ay mapapadpad na sa mundo ng mga Kapuso.
