PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brillante Mendoza wants a dialogue with FDCP Chair Tirso Cruz III

FDCP, itutuon ang pansin sa mga estudyante at edukasyon ng film workers.
by PEP Troika
Published Oct 7, 2022
brillante mendoza tirso cruz III
Chairperson Tirso Cruz III (right) on implementing changes in FDCP: “One step at a time. Kaya hindi nga puwedeng magical overnight. Isa-isa. Hindi na baleng slow, basta moving forward. Kesa yung stagnant tayo. Umuusad naman, e.”
PHOTO/S: Julie Bonifacio / @tirsocruziii on Instagram

GORGY RULA

Nung huling nakapanayam ng PEP Troika si Direk Brillante Mendoza, sinabi niyang nagparating na siya ng mensahe sa bagong chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Tirso Cruz III dahil gusto niyang makipag-ugnayan kung ano ang maari niyang maitulong para sa naturang ahensiya alang-alang sa movie industry.

Read: Brillante Mendoza calls for government's support in promoting PH movies in international filmfests

Read: Bagong FDCP chairperson Tirso Cruz III, nangakong susuportahan ang local filmmakers

Ani Direk Brillante, “Ako, nagri-reach out sa kanila. I keep writing them letters for the past several weeks, trying to meet the Chair.

“Kasi ako… kahit si Liza [Diño-Seguerra], kahit si Briccio Santos, I’m trying to reach out and collaborate na, alam mo yun, sa mga head ng mga institution. Busy lang siguro sila ngayon.

“Hopefully pagbalik ko, ma-meet ko si Chair Tirso Cruz III, like kay Liza Diño nung unang naano siya, ako talaga ang lumapit sa kanya, nakiusap na ganito, ganito sana ang gawin natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganito sana ang tulong na ma-extend. Ang maganda kasi, nakinig naman siya, at talagang nag-aral, at ginawa talaga niya ang kanyang makakaya.

“Maraming puwedeng gawin. Kasi kung tingnan natin… unang-una dapat matumbok natin ang mga pangangailangan ng mga filmmakers. Saka kung ano talaga ang objective natin. Ano ba talaga yung objective natin.

“Depende kasi 'yan sa objective ng isang institution, e.”

Binanggit namin ito kay Chair Tirso sa Filmmakers and Shakers Night nung September 30.

“Kasi merong hinihingi na ano, e,” pakli ng FDCP chairperson.

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Direk Brillante dahil marami pa silang pina-prioritize na kailangang gawin ng naturang ahensya.

“The problem is, we’re trying to streamline the expenses ng agency, e. Kasi, I don’t know, apat na yata yung na-request niya or something, e.

“We’re trying to spread out yung pagbibigay din namin ng mga funding at mga support.

“Pero kung puwede naman, bibigay naman kami. Pero depende kasi nga napakaliit ng ano namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Right now, we have policies, we have programs,” dagdag na pahayag ni Chair Tirso.

Hindi pa man nagkakausap sina Chair Tirso at Direk Brillante, in-announce na rin sa Filmmakers and Shakers Night ng FDCP ang talaan ng grantees for their Incentives Program Cycle 2 of 2022.

Ang pelikulang Apag ni Direk Brillante ang isa sa napili for the International Co-production Fund (ICOF). Kabilang din ang pelikulang Sam at Cangrejos.

Napili naman ang pelikulang Viet and Nam for the ASEAN Co-production Fund (ACOF).

Para naman sa Film Location Incentives Program (FLIP), kinuha nila ang pelikulang Tikkoun, Hazbin Hotel, at Ikohlanta '23.

In-announce na rin sa naturang event na ang FDCP Channel ay ginawa na nilang JuanFlix, na ilu-launch nila sa November na may temang Sineng Pinoy, Sining Pinoy.

JERRY OLEA

Sabi ni Chair Tirso, may ilang proyektong sinimulan ni dating Chairperson Liza Diño-Seguerra na ipinagpatuloy nila dahil nakakatulong naman.

“Marami kaming idinagdag, and may mga redirection kami at saka i-align kasi nagbago na ng ano, e… two years na may pandemic,” lahad ni Chair Tirso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagbago na ang mismong set-up ng industriya. So, now, we’re focusing more on students saka education and technical development of the film workers talaga. Hindi yung bara-bara lang. Talagang proper technical ano…”

Sabi ni Direk Brillante, panahon nang mapansin ang mga pelikula natin sa ibang bansa. Ang dami nating talented artists na unti-unti nang nakilala sa ibang bansa. Sana nga ay masuportahan ito ng ating gobyerno.

Pananalig ni Direk Brillante, “Kung gusto talaga natin mapansin ang mga pelikula natin abroad ay kailangan talaga natin ituloy ang ating mga proyekto na alam mo na makatulong sa mga fimmakers at mga pelikula nila na maipalabas sa iba’t ibang bansa. Kasi, otherwise, mananatili na lang tayo dito sa atin na manonood ng mga pelikula natin.

“I think, now is the right timing kasi kahit nasa Amerika, napapansin mo, maraming mga Pinoy talents ngayon na slowly, alam mo yun, ng pangalan na na-notice din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi iba naman ang kasikatan mo dito sa Pilipinas kesa sa ibang bansa, di ba? But you have to start somewhere. Kailangan mong mag-umpisa. Kailangang masuportahan ng ating pamahalaan no ng ating gobyerno.”

Pero iba naman ang plano ni Chair Tirso.

“Bago tayo mag-global, mag-local muna tayo. Kung global tayo, kung wala naman tayong material na dadalhin sa global na panlaban, di ba? Magmumukha tayong…" saad ni Chair Tirso.

“Kailangan gumawa muna tayo with content na world class, and then isasali natin sa festival. Kasi na-proven na yun, e. Ilang directors na natin na nananalo sa iba-ibang festival, e.

“So, itutuloy lang namin yun. We will continue that. Pero now, we will focus developing local… punta ka ng festival, wala ka namang dala. Kumbaga, anong game ang napala namin, di ba? Iyon yung iniisip namin ngayon.

“Before we attend festival, yung meron tayong entry. May panlaban tayo, o may dala-dala tayo kahit na out of competition. Para ma-recognize ang film na dala natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Hindi nangangako si Chair Tirso ng mabilisang pagbabago sa ating movie industry sa tulong ng FDCP. Okay lang daw na mabagal. Ang mahalaga ay umuusad at may pagbabago.

“One step at a time. Kaya hindi nga puwedeng magical overnight. Isa-isa. Hindi na baleng slow, basta moving forward. Kesa yung stagnant tayo. Umuusad naman, e,” sambit ni Chair Tirso.

Isa sa mga tulong nilang umusad ito ay ang pagbibigay ng dagdag na subsidy sa mga opisyal na magiging entries ng Metro Manila Film Festival 2022. Malaking tulong ito lalo na sa marketing ng mga pelikulang lahok dahil kahit ang malalaking Hollywood titles ay hindi pa rin sapat mag-insure ng box-office hit.

Sana talaga, tuloy ang pagtutulungan at suportahan sa sektor natin!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chairperson Tirso Cruz III (right) on implementing changes in FDCP: “One step at a time. Kaya hindi nga puwedeng magical overnight. Isa-isa. Hindi na baleng slow, basta moving forward. Kesa yung stagnant tayo. Umuusad naman, e.”
PHOTO/S: Julie Bonifacio / @tirsocruziii on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results