JERRY OLEA:
Nalanta ang love life ni Boobay nang hiwalayan siya ng darling sweetheart na siyam na taon niyang minahal at kinalinga. Makalipas ang isang taon ay maraming ganap kay darling Boobay.
Kung broken siya noon, blooming na ba siya ngayon?
“Masasabi kong broken pa rin!” natatawang bulalas ni Boobay sa thanksgiving mediacon ng pelikulang Broken Blooms nitong October, 2022, Biyernes ng gabi, sa Cafe Ylang-ylang ng Manila Hotel.
Hindi pa siya naka-move on?
“Nagpapadala sa pagbu-bloom kaya broken bloom!” sambit ng mahusay na comedian.
“OK naman ako, Kuya. Na-accept ko naman na. Parang OK na siya dun so… wala akong choice but to be OK. Parang ganun na lang yun.”
Maliban sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) at promo tour ng Beautederm, ano ang pinagkakaabalahan niya these days?
"Siyempre po, itong Broken Blooms, malapit na po itong ipalabas. Ayan, ha?! Talaga namang pinaghirapan naming lahat yun. Tulung-tulungan talaga lahat," pahayag ni Boobay.
"Production staff, lahat ng mga co-artist namin, mga bida namin, mga kaibigan namin. Naging family na kami.
"So, excited na kami lahat ng mapanood ito! Lalo na ng mga kapwa natin Pilipino, kasi, di ba?!
"Nakatanggap na ito ng maraming awards sa iba’t ibang film festival sa labas ng bansa, so why not dito sa Pilipinas mismo?!
"Mahalin natin ang sariling atin, sabi nga."
Ang bida sa Broken Blooms na si Jeric Gonzales ay nakaapat nang best actor sa mga international filmfest.

Nag-bloom ba nang legit ang friendship nila ni Jeric?
Mabilis na tumango si Boobay, "Oo, oo, oo! Oo naman, close naman na kami ever since. Mas closer ngayon dahil nga sa pelikula.
"At the same time sa GMA, nagkikita-kita kami palagi. At minsan, nagkakasabay kami sa mga tapings, sa mga guestings.
"Kagaya ng TikToClock, kagaya sa TBATS, naggi-guest din siya sa amin. Naiinterbyu ko and at the same time, yun nga.
"Ngayon kasi, medyo busy siya sa kanyang teleserye, di ba?"

Was there a time na pinagselosan ni Rabiya Mateo ang closeness nila ni Jeric?
"Wala naman. Tinititigan ko na agad siya nang masama.
"'Huwag ako!' Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!" pagbibiro ni Boobay. "Hindi naman. Wala naman. Selosa ba siya?"
- Ai-Ai delas Alas, "nagluka-lukahan" para makapasok sa luxury store sa Italy
- Herlene Budol accuses former talent manager of "pocketing" her talent fee worth P1M
- Diego Loyzaga, Franki Russell asked about the real score between them
NOEL FERRER:
Ang saya-saya ng pasiklab ni Boobay sa mall show ng Beautederm noong Setyembre 11 sa Ayala Malls Cloverleaf. Inihagis pa niya sa audience ang kanyang violet wig.
Bakit binawi iyon? O isinauli?
"Hindi ko binawi. Ipinamimigay ko na yun. Ibinalik sa dressing room, di ba?" paglilinaw ni Boobay. Halos isang daan (100) na ang mga wig na iba’t iba ang kulay, kaya ipinamimigay na niya yung iba.
"Paparentahan ko ang mga yun pag nagkataon," pakli ng darling comedian.
"Parang lahat ng kulay, nandun na. Lahat ng nasa rainbow, ayan! Yun na, iba-iba. Mga neon! Yun ang favorite ko ngayon na bagong nilalabas na ginagamit ko sa TBATS!"
Mas marami siyang wig kesa kay Moira Rose (karakter ni Catherine O’Hara) sa Canadian TV sitcom na Schitt’s Creek (2015-2020)! Kagaya ba ni Moira ay may mga pangalan ang mga wig niya?
"Hindi. Pero minsan, yung ipinamimigay ko, may price pa. Ha! Ha! Ha! May price tag! Ha! Ha! Ha!"
Tampok sina Ruru Madrid, Carlo Aquino, Buboy Villar, Jelai Andres, Maria Laroco at Boobay sa grand opening ng ineendorso nilang beauty brand branch ngayong Sabado ng 3:00 p.m. sa Mall Atrium ng SM City Fairview.
GORGY RULA:
Ibang-iba si Boobay sa pelikulang Broken Blooms, kaya ang ginamit sa billing ay ang tunay niyang pangalan na Norman Balbuena.
"Ang mahalaga po sa role ko rito, marami pong makaka-relate," pahayag ni darling Boobay.
"Lalo na sa ating mga kapatid, kapatiran sa LGBTQ+ community na masasabi nilang, ‘Ahh, nakita ko ang sarili ko diyan.’
"Kasama sila dun sa pelikula. At dadalhin ko sila dun mula sa pagmamahal nila sa kanilang pamilya hanggang sa pagmamahal nila na walang hinihinging kapalit.
"Itaas ang kamay ng mga makaka-relate diyan!" pagbungisngis ni Boobay.
"So yun po. Paano ko lahat siya nagawa? Kasi sa pagiging supportive ng lahat ng mga nandun sa pelikula.
"Especially ang aming direktor, Direk Louie, na sobrang pinush niya ako, at siyempre, sa tulong din ng aking mga co-actors na first time kong gagawin, makasama sa ganito kalaking pelikula.
"Tapos ang mga kasama ko pa, andami nang mga natanggap na awards hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa mga international na awards.
"So yun, kaya ko yun nagawa dahil sa kanila. Kaya until now, sobrang overwhelming pa rin po sa akin na never ko talaga na-imagine na makakasama ako pero ibinigay sa akin. So, sobrang grateful ako dun!"
Ang Broken Blooms ay idinirek ni Louie Ignacio mula sa panulat ni Ralston Jover. Prinodyus ito ni Engr. Benjamin Austria para sa kanyang BenTria Productions.
Maliban kina Boobay at Jeric, nasa cast din nito sina Jaclyn Jose, Therese Malvar, Royce Cabrera, Mimi Juareza, at Lou Veloso.
Ang citation ng 8th Brasilia Internacional Film Festival (Setyembre 23-30, 2022) para sa pelikula: “A powerful film, with a well constructed narrative, for its artistic value its aesthetic and technical qualities, bringing current themes such as COVID-19, and addressing social matters and LGBTQIAP+ issues, this work provoke us and makes us think about a conception of society.
"It contrasts the collective problems of a poor community with troubled lives and, at the same time, presents the power of solidarity and coexistence between neighbors, friends and family.
"Woven by an engaging plot, life follows its course amidst laughter and tears and allows the public to embark on a distant yet so close reality.
"For these reasons, we awarded the Special Jury Prize to the film Broken Blooms, by Luisito Lagdameo Ignacio.”
