JERRY OLEA
May pinagdadaanan na naman ba ang isang mahusay na aktres?
Ito ang sumagi sa ilang saksi sa kanyang inasal noong isang araw sa isang pagtitipon.
Nang dumating ang mahusay na aktres sa nasabing event, magiliw siyang binati ng isang sikat na young actress. Umirap lang ang mahusay na aktres at parang walang narinig.
Ipinagkibit-balikat na lang iyon ng sikat na young actress. Ipinauubaya niya sa digital karma ang kagaspangan ng iba, at nananatili ang kanyang mabuting asal sa kapwa.
Matatandaang nagwala ang mahusay na aktres tatlong taon na ang lumipas sa isang mall dahil sa misunderstanding nila ng pinakamamahal niyang boyfriend.
Ito kasing si boyfriend ay legit na matulis at habulin ng mga dilag, kaya hindi natin masisi kung tamang hinala ang mahusay na aktres.
NOEL FERRER
Totoo ba ito? Kung totoo man ito, sana ay alam ng mahusay na aktres na mali ang ginawa niya.
Hamuna, kapag nakita ko siya, tatanungin ko siya tungkol dito.
Siguro naman ay secure na siya sa kanyang boyfriend ngayon at hindi na muli magkakaroon ng eksenang gaya ng dati.
GORGY RULA
Kung totoo ngang ginawa ito ni mahusay na aktres, maaring may dahilan. O baka naman na-misinterpret lang ang kilos na yun.
Kung ano man yun, alamin natin kung may back story ito. Kasi, madami ring mga kaibigan si mahusay na aktres sa TV network na kinabibilangan ng sikat na young actress. Baka may konek ang isyu roon kay mahusay na aktres.
Pero sa totoo lang, naniniwala rin akong kayang gawin yun ni mahusay na aktres. Nagawa na niya iyan sa ilang aktres na nakatrabaho niya.
