PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Doll House ni Baron Geisler, No. 1 na sa Netflix Philippines

2 Good 2 Be True, No. 1 TV show pa rin.
by PEP Troika
Published Oct 10, 2022
marla althea baron doll house
Director Marla Ancheta (left) on Althea Ruedas and Baron Geisler's characters in Doll House: “From the material itself lang naman, I really want to touch the story of a family. Relationship. Tapos of course, if you have these two actors, yun yung tina-try ko na kailangang maging believable. Mag-ama kayo, bakit ganun ang sitwasyon natin dun? Nasa Netherlands tayo..."
PHOTO/S: Netflix Philippines

JERRY OLEA

Nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang Doll House umpisa Oktubre 9, 2022, Linggo ng gabi.

Agad nag-post sa Facebook ang bida sa Doll House na si Baron Geisler, “We did it Yumi!! Di ka man pumasa sa audition, pumasa naman tayo sa puso ng mga kababayan natin worldwide.

“Maraming salamat po sa inyong lahat at dahil po sainyo ay nag #1 po kami sa Netflix at nag trending pa ang #DOLLHOUSE

“To God be the glory, honor and praise!!

“We love you at #1 po kayo sa puso namin.

“from Tito Clyde and Yumi.”

Clyde/Rustin ang pangalan ng karakter ni Baron sa Doll House, samantalang Yumi ang pangalan ng karakter ni Althea Ruedas.

Take note na bukod-tanging ang Doll House ang pelikulang Tagalog na nasa Top 10 Movies ngayon ng Netflix.

Ang iba pa sa listahan ay The Redeem Team (2), Mr. Harrigan’s Phone (3), Luckiest Girl Alive (4), Last Seen Alive (5), Beyond Skyline (6), Kidnap (7), Sing (8), Pan, (9) at XXX The Return of Xander Cage (10).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban kina Baron at Althea, nasa cast ng Doll House sina Mary Joy Apostol, Phi Palmos, Alwyn Uytingco, Ricardo Cepeda, Katreena Beron, at Izah Hankammer.

Idinirek ito ni Marla Ancheta, na siya ring direktor ng Finding Agnes (2020) nina Jelson Bay, Sue Ramirez, Sandy Andolong, Roxanne Guinoo, at Dexter Doria.

Take note na likhang-Pinoy rin ang nangunguna ngayon sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, ang 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

May isa pang local teleserye sa listahan, ang Wildflower (5) ni Maja Salvador. Ang iba pang nasa Top 10 TV Shows ay Dahmer — Monster: The Jeffrey Dahmer Story (2), Little Women (3), High Water (4), Conversations With A Killer: Jeffrey Dahmer Tapes (6), One The Woman (7), Young Lady and Gentleman (8), Bling Empire (9), at Extraordinary Attorney Woo (10).

NOEL FERRER

Sa Morocco syinuting ni Direk Marla Ancheta ang Finding Agnes, samantalang sa Netherlands kinunan ang Doll House.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaano kaimportante ang ganung location para sa pelikula niya?

“Ang location kasi, importante, kasi it sets the mood of the film, yung theme,” sabi ni Direk Marla noong Oktubre 5, Miyerkules, sa Revolver Studios, Brgy. Pio del Pilar, Makati City.

“Like yung sa Finding Agnes, Morocco kami, so disyerto. So, imagine yung mag-isa ka na sa kalawakan ng disyerto.

“So the theme is about that, yung finding yourself, the journey. So imagine na nandun ka sa space na yun, tapos makikilala mo yung sarili mo.

“For Doll House naman, sa Netherlands… ang lamig! Super! So, iyon yung environment, the weather, plus the backdrop na muted, wala kang makikita na vibrant na colors.

“So, para dun sa karakter ni Baron, naghahanap din ng sarili niya, nagbe-blend siya.

“Until na-meet niya si Althea, naging masaya. So nagkakaroon ng shades, pero the backdrop itself helps kung paano ito humugot ng emotions.”

Ano ba ang layunin at intensyon ni Direk Marla sa Doll House?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“From the material itself lang naman, I really want to touch the story of a family. Relationship,” tugon ni Direk Marla.

“Tapos of course, if you have these two actors, yun yung tina-try ko na kailangang maging believable.

“Mag-ama kayo, bakit ganun ang sitwasyon natin dun? Nasa Netherlands tayo.

“May mga ganun akong iniisip na this has to work, given that situation. Basically doon ako mas naka-focus, how to deliver their characters na believable sila.

“Tapos at the same time, nasusundan mo kung paano nade-develop yung relationship nilang mag-ama.”

Noong Oktubre 7, Biyernes, nag-umpisa ang Netflix streaming ng Doll House.

GORGY RULA

I had a good cry last night!

Pagkatapos kong napanood ang Doll House, ang sarap ng pakiramdam ko na ewan ko bakit iba ang pagbuhos ng luha ko sa mga makabagbag damdaming tagpo sa pelikulang iyun.

Nakikitang inspired si Direk Marla Ancheta sa pelikulang ito. Ang ganda ng shots, pati ang music ay umaayon sa mga tagpo at nararamdaman ng mga artistang gumaganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang lungkot ng Netherlands na ipinakita sa pelikulang yun, pero napakaganda. Iyan talaga ang tatak ng MAVX na naiikot nila ang iba’t ibang bansa, at isa ito sa nagpapaganda ng pelikulang ginagawa nila.

Pero ang isa sa nagpaganda ng pelikula, ang napakagaling na performance nina Baron Geisler at Althea Ruedas.

Sobrang galing ni Baron! Napakagaling! Pati ang batang si Althea ay tumugma rin sa galing ni Baron. Swak na swak talaga silang dalawa.

Hindi ko maisip kung ganito rin ba kaganda sakaling ibang aktor ang gaganap. Sana, may kasunod pang pelikulang gagawin si Baron na lalong magpapatingkad sa kanyang acting career.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Marla Ancheta (left) on Althea Ruedas and Baron Geisler's characters in Doll House: “From the material itself lang naman, I really want to touch the story of a family. Relationship. Tapos of course, if you have these two actors, yun yung tina-try ko na kailangang maging believable. Mag-ama kayo, bakit ganun ang sitwasyon natin dun? Nasa Netherlands tayo..."
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results