PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allan K to open new comedy bar in Quezon City

Allan K: "Nalungkot talaga ako nung nagsara yung Klownz at Zirkoh, e."
by PEP Troika
Published Oct 14, 2022
Allan K, Clowns Republik
Allan K, sinigurong welcome sa Clowns Republik ang stand-up comedians ng dating niyang comedy bars: “Siyempre, makakabalik na sila para makapag-perform na sila uli. Yung iba, meron nang napasukan, okay lang yun. Basta, lahat sila welcome."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ang saya ni Allan K nang nakatsikahan namin sa DZRH nung Miyerkules, October 12, 2022, dahil excited na siya sa nalalapit na pagbubukas ng comedy bar niya na matatagpuan sa may Panay Avenue, Quezon City.

Mahigit dalawang taong nakasara ang Klownz comedy bar dala ng pandemya, at napagdesisyunan niyang buksan uli ito.

Pero bagong bihis, kaya ginawa niyang Clowns Republik.

Akala ni Allan K ay hindi na niya maibabalik ang kanyang comedy bar kaya nagpapasalamat siya sa Diyos na mabubuksan na ito muli.

Napilitan kasi siyang isara ang dalawang comedy bars at magdeklara ng bankruptcy noong June 2020, dahil walang kasiguraduhan noon kung kailan papayagan ang live events dahil sa COVID-19 pandemic.

"Nalungkot talaga ako nung nagsara yung Klownz at Zirkoh, e. Kasi iyon yung buhay ko, e. Alam niyo iyan. Gabi-gabi niyo talaga ako makikita dun.

"Hindi man ako nakasampa, basta nandun ako. Saka pag nalulungkot ako sa bahay, lalabas lang ako, pupunta ako sa Klownz at Zirkoh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Manonood lang ako sa mga bading ko dun. Tapos tatawa lang ako. Matutulog na ako nakangiti," saad ng comedian-TV host.

Hindi pa niya masabi ang eksaktong date, pero bubuksan niya ang Clowns Republik bago mag-Halloween.

Nangako raw ang iba niyang Dabarkads sa Eat Bulaga! na magpi-perform kagaya nina Jose Manalo at Wally Bayola—na regular nagpi-perform noon sa Klownz at Zirkhoh.

Ang nakakatuwa pa raw ay makakabalik na ang mga waiters, staff, lalo na ang mga alaga niyang stand-up comedians na matagal ding nawalan ng trabaho.

“Siyempre, makakabalik na sila para makapag-perform na sila uli. Yung iba, meron nang napasukan, okay lang yun. Basta, lahat sila welcome," pakli ni Allan K.

"May misa ako bago mag-open. Thanksgiving din, and we have to celebrate life. Ang daming nalagas ng COVID, pero dito tayo.

"Basta, gusto ko masayang-masaya. Parang fiesta. Parang circus, parang ganun ang opening," dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Maraming adjustments itong bago niyang Clowns Republik. Magbubukas ito ng 6:00 p.m. at hanggang 2:00 a.m. ang operations.

Magiging mahigpit daw sila sa safety protocols, kagaya ng social distancing, at pagsusuot ng face mask sa loob ng bar.

Ang stand-up comedians daw niya ay kailangang may negative antigen result bago sumampa sa entablado.

NOEL FERRER

Hinding-hindi makakalimutan ni Allan K ang taong 2020 noong lumaganap ang pandemya dahil sa sunud-sunod na pagsubok na pinagdaanan niya.

"Malala yung nangyari sa akin nung nagsimula yung COVID nung 2020. Nung una muna, nagsara yung dalawa kong comedy bars.

"Siyempre, nalungkot talaga ako dahil yun ang buhay ko for the past almost 20 years. Sa araw Eat Bulaga, sa gabi comedy bar.

"Tapos, na-COVID pa ako nung August na severe, as in muntik na talaga ako. Kaya lang, mahal yata talaga tayo ng Panginoong Diyos.

"Tapos, namatay yung bunso kong kapatid nung May 2020. After two months, namatay naman yung sister ko nung July. Tapos 2021, namatay naman yung brother ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tatlong namatay sa pamilya na hindi ko sila nakita. Kasi pagkapatay, cremate agad, e. Yung mga burol, bawal e."

Patuloy ni Allan K: "Talagang tinitibayan ko lang ang loob ko. Hindi ako nakakalimot mag-pray.

"Siguro yung kapit ko sa Panginoon, yun siguro. Kasi kung mahina-hina lang ako, bumigay na ako, e.

"Mental health… tinamaan din ako dun, sa nangyari sa akin. Nung binuhay ako ni Lord, ano pa ba ang hindi ko kayang i-handle, di ba?"

Ayan na, buhay na ang live entertainment! Sana, sumunod na ang industriya ng pelikulang Pilipino!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allan K, sinigurong welcome sa Clowns Republik ang stand-up comedians ng dating niyang comedy bars: “Siyempre, makakabalik na sila para makapag-perform na sila uli. Yung iba, meron nang napasukan, okay lang yun. Basta, lahat sila welcome."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results