GORGY RULA
Napakabongga na pala nitong singer-actress na hindi na ganun ka-active sa showbiz.
Pagkatapos niyang magpakasal sa napakayaman niyang asawa, nanahimik na siya sa probinsiya ng kanyang dyowa.
Paminsan-minsan ay naggi-guest siya sa TV pero ngayon ay tahimik at masaya na sa kanyang pamilya.
Nabalitaan ng PEP Troika na isa pala sa kinahihiligan nitong singer-actress ay mamili ng alahas.
Isang kaibigan kong alahera ang tuwang-tuwa at hindi raw niya puwedeng kalimutan ang malaking naitulong sa kanya nitong singer-actress. Kung mamili raw kasi ito ay umaabot ng halos P50M ang halaga!
Karamihan daw ng mga pinamimili nito ay diamonds. Mahilig daw kasi ang singer-actress sa mga diamond.
Sabi ng kaibigan kong alahera, hindi niya makakalimutang isa sa nagpayaman sa kanya ay si singer-actress na maganda pa rin at magaling pa ring kumanta.
Nakini-kinita ko tuloy kung mag-family reunion sila, tiyak na magugulat ang mga kamag-anak ng singer-actress na nasa showbiz din sa isusuot niyang mamahaling alahas.
NOEL FERRER
Huwaw, 'weno ngayon kung ang luho niya ay diyamante at iba pang mamahaling alahas?
Deserve naman niya siguro yun dahil bata pa lang siya ay nagtrabaho na siya agad. At least she can now do what she wants at sunod ang luho niya ng kanyang asawa.
Saan ka pa, di ba?
JERRY OLEA
Ituturing ba nating Diamond Superstar ang nasabing singer-actress?
Iyong mga pinsan niyang aktres sa showbiz ay napahiwalay sa kani-kanyang asawa, pero siya ay lubos ang ligaya matapos sundin ang tibok ng kanyang puso.
Sadyang hulog ng langit ang kanyang napangasawa!
