PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV5, NET25, ABS-CBN, at GMA-7 may kanya-kanyang pasabog at paandar

Sing Galing, tatlong awards ang nakuha sa Asian Academy Creative Awards 2022
by PEP Troika
Published Oct 15, 2022
tv shows
Saan mang channel ay tiyak na may mapanood ang Pinoy viewers.

GORGY RULA

Nagpapasalamat ang mga taga-Sing Galing sa tatlong awards na napanalunan ng programa sa katatapos lang na Asian Academy Creative Awards 2022.

Ang musical videoke-reality game show na ito ng TV5 ang National winners sa kategoryang Best Non-Scripted Entertainment for the Sing-lebrity Edition, Best Children’s Programme para sa Sing Galing Kids, at ang "Show Suzuki" nito ay nanalo ring Best Voice Artist Award.

Sabi sa social media post ng Sing Galing, “Walang sawang pasasalamat para sa back-to-back na panalo last year at ngayong taon! To more kantawanan at pa-Sing-katan! We love you.”

Halloween na ang episode ng Sing Galing Kids ngayong Oktubre 15, 2022, Sabado ng 6:00 p.m.

Kuwela si Ethel Booba rito na iba ang pagkakaintindi sa "magic spell" na ikinatuwa ng mga batang Singkulits.

sing galing kids

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa TV5, maganda ring tutukan ang ilang programa sa prime time ng Net 25.

Ang daming pumipik-ap sa mga panayam ni Korina Sanchez sa kanyang Korina Interviews.

Read: Korina Sanchez has a new show on Net25; is she open to joining ALLTV?

Bukas ng hapon, October 16, ay marami rin silang malalaman sa premyadong aktor na si Raymond Bagatsing.

Sinabi ni Raymond na nasa Dumaguete ang puso niya. Yun na nga kaya ang makakasama niya forever?

korina interviews

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng Korina Interviews ay ang kakaibang comedy ng Love, Bosleng and Tali nina Vic Sotto, Pauleen Luna at Talitha. Special guests nila sa episode na ito sina Adrianna So at Jomari Angeles.

Bukas na rin magsisimula ang bagong episode ng level up ng Tara Game Agad Agad ni Aga Muhlach.

Samantala, simula bukas, October 16 ng 12:00 ng tanghali ay hindi lang sa GMA-7 na mapapanood ang All-Out Sundays.

Makakasabay ang airing nito sa GTV, I Heart Movies at Heart of Asia.

all-out sundays

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makulay at masayang all-out na kantahan, sayawan, at comedy entertainment ang mapapanood dahil isi-celebrate nila ang MassKara Festival ng Bacolod na may hashtag na #AOSLabyuPalangga.

Isa sa kaabang-abang ay ang all-out biritan ng "Queendom X Kingdom" na tinatampukan nina Christian Bautista, Aicelle Santos, Garret Bolden, at Julie Anne San Jose.

Isi-celebrate din sa AOS ang birthday nina Christian Bautista at Althea Ablan.

NOEL FERRER

Masaya ako sa updates natin tungkol sa mga programa ng iba’t ibang network.

Sa ABS-CBN naman ay magsisimulang ipalabas ang Season 2 ng Hoy, Love You! ng talent kong si Joross Gamboa at si Roxanne Guinoo.

hoy love you

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Successful at kasama sa most watched iWantTFC content na ito na nasa third season na. May kasunod pa ba ito? Sana!

Winner din sa visibility si Joross dahil ang pumalit na airing time ng show niyang Flower Of Evil with Piolo Pascual and Lovi Poe ay programa niya rin. Tuluy-tuloy ang blessings.

Teka, wala bang bagong update mula sa bagong Channel 2 na ALLTV pagkatapos ng soft launch nito noong Setyembre 13?

JERRY OLEA

Hindi ko pa nararamdaman sa Game of Ratings ang ALLTV kung saan frontliners ang Wowowin ni Willie Revillame at Toni Talks ni Toni Gonzaga. "Lotlot de Leon" sa ratings, 'ika nga.

Patuloy ang pamamayagpag ng Kapuso Network, malayo ang agwat sa TV5 at iba pang istasyon.

Kung hindi ako nagkakamali, win na win ang lahat ng programa ng GMA sa anumang time slot.

Nagkakatalo na lang sa itinatalang ratings, kumpara sa ratings ng mga naunang programa ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung weekdays, win na win ang newscast na 24 Oras; ang primetime series na Maria Clara at Ibarra nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose; at ang Family Feud ni Dingdong Dantes.

Pawang nasa two digits ang ratings ng mga ito.

Ang pang-apat kung weekdays ay ang Start-Up PH nina Alden Richards at Bea Alonzo. Hirap itong makapag-maintain ng two digits.

Speaking of Alden, babalik pa ba siya sa Eat Bulaga? Lately ay napapadalas si Ruru Madrid sa noontime show ng GMA.

Tungkol sa All-Out Sundays, mapapanood pa ba rito ang kontrobersiyal na si Patrick Quiroz? Hindi pa man pumipirma si Patrick sa Sparkle, sabi-sabi ay semi-regular na siya rito.

Abang-abang din tayo kung matutuloy ang pagpirma ni Rhys Miguel sa Sparkle.

Samantala, tampok sa ASAP Natin ‘To bukas, Oktubre 16, Linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 ang pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo sa showbiz ng Asia's Soul Supreme na si KZ Tandingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapana-panabik ang production number ni KZ kasama sina Angeline Quinto, Erik Santos, Kyla, Jeremy G., Elha Nympha, at Jadine Berdine.

asap natin 'to

Damhin ang musical treats mula sa OPM stars na sina KD Estrada at Kice.

Powerful vocal feast naman ang handog nina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Vivoree, at Maymay Entrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Heartwarming ang classic hits sing-off nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Nyoy Volante, at Jason Dy.

May tribute sa Pinoy rock band na Eraserheads, at magsu-showdown sina Darren, Lucas Garcia, Bryan Chong, Reiven Umali at Sam Mangubat.

Merong album comeback performance ng BINI sa latest single na "Strings," at may dance battle sina AC Bonifacio at Sheena Belarmino.

Good news din para sa mga Kapamilya na magkakaroon ng premiere screening ang pilot episode ng Cattleya Killer sa content market na MIPCOM Cannes sa Oktubre 19.

Ang Cattleya Killer na pinagbibidahan ni Arjo Atayde ay panonoorin ng mga lider sa industriya ng entertainment sa MIPCOM Cannes upang makahanap ng global distribution partner para sa serye.

cattleya killer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dadalo sa premiere screening si Arjo at ABS-CBN head of International Production and Co-Production na si Ruel S. Bayani.

Ito ang unang beses na may Filipino drama series na ipapalabas sa MIPCOM Cannes. May English subtitles at overdubs ang six-part series na ginagamit ang wikang Filipino.

Direktor ng serye si Dan Villegas habang executive producer si Direk Ruel.

Bukod kay Arjo, bahagi ng cast sina Jake Cuenca, Christopher de Leon, at Zsa Zsa Padilla.

"It is our vision that Filipino content will be known as innovative, compelling, and meaningful,” pahayag ni Direk Ruel.

“And that as we become an integral part of the beautiful tapestry of global storytellers, we will find our permanent place in the hearts of the international audience.”

Nabuo ang Cattleya Killer dahil na rin sa tulong ng 2021 Full Circle Series Lab, isang Southeast Asian talent development initiative ng Film Development Council at ng French film company na Tatino Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginabayan din ang proyekto ng international mentors mula sa South Africa, Israel, at Germany.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saan mang channel ay tiyak na may mapanood ang Pinoy viewers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results