NOEL FERRER
Ngayong Oktubre ipinagdiriwang ang 75th Charter Anniversary ng Ormoc City.
Malaki ang paghahanda ng mag-asawang Mayor Lucy Torres-Gomez at Congressman Richard Gomez para ipakita ang ganda ng naturang lugar at ang progresong naganap dito.
Read: Lucy Torres-Gomez, Richard Gomez build animal kingdom in their Ormoc City home
Read: Richard Gomez, ninanamnam ang mga huling araw bilang mayor bago sumabak sa Kongreso
Dating kilala ang Ormoc City bilang "drug capital" ng South.
Ngayon, Ormoc is fast becoming one of the most progressive areas this side of the Philippines.
Nauna na ang pagtatanghal ng Miss Ormoc, na natigil dahil sa pandemya ng dalawang taon.
Nagkaroon din ng dance concert si Regine Tolentino at ang grupo nina Lucy sa Shall We Dance, ang dating dance program niya sa TV5.
Nitong Oktubre 17, Lunes, 2022, natunghayan natin ang masayang Celebrity All-Star Basketball. Tampok dito ang mga talent kong kaibigan nina Goma, sina Joross Gamboa and Marco Alcaraz, with JC de Vera, Ion Perez, Gab Lagman, Paul Salas, at ang MVP awardee na si Onyok Velasco.
Sinamahan din sila ng ilang dating PBA players na nagpasaya talaga sa audience.

Sa labas ng Ormoc Superdome naman ay itinanghal ang BRILYANTE, An Evening With The Philippine Philharmonic Orchestra.
Ang ganda lang at exposed ang mga taga-Ormoc sa ganitong cultural presentations.

Ngayong Oktubre 18, Martes, ang State of the City Address (SOCA) ni Mayor Lucy.
At sa Oktubre 20, Huwebes, na mismong Charter Day, kumpirmadong darating si President Ferdinand Marcos Jr.
Then, sa Thursday night, mapapanood ang Shine concert, with Regine Valasquez at Ogie Alcasid, nang libre at walang babayarn.
Exciting ang mga susunod na araw ng mga Troika as we bring you entertaining developments on the ongoing celebration of Ormoc’s 75th Charter Day Anniversary.
More power!!!

The PEP Troika with Congressman Richard Gomez and daughter Juliana and journalist Bum Tenorio (in pink polo shirt)
JERRY OLEA
Nag-concert ang Philippine Philharmonic Orchestra noong Oktubre 16, Linggo ng gabi, sa Ormoc City Superdome, kung saan sa huling bahagi ay nag-ballroom dancing ang mag-asawang Mayor Lucy at Congressman Goma.

Nag-repeat performance ang orchestra nitong October 17, Monday night, sa Ormoc City Stage — outdoors — kasabay ng basketball game na tinampukan ng mga artista at basketbolista.
Sabi ni Congressman Goma, mas maganda ang tunog ng Philippine Philharmonic Orchestra outdoors kahit umuulan!
Ang saya-saya ng basketball game kung saan kwelang-kwela at bidang-bida si Onyok Velasco. Walang duda na siya ang MVP ng laro!
Pinakamabenta sa selfie-selfie at groufie-groufie sina Gab Lagman, Paul Salas, at Marco Alcaraz, na magigiliw sa fans. Game na game sila kahit mahalikan at harut-harutin ng nagtitilian at kilig na kilig na tagahanga.
Sabi ni Marco, ganun talaga yung mga laro nila, pampasaya lang!
GORGY RULA
Dalawampung (20) araw ang selebrasyon dito sa Ormoc umpisa Oktubre 1, at sabi ni Mayor Lucy, malaki ang naitutulong ito sa ekonomiya ng naturang lungsod.
Aniya, “It brings people together. It brings people to the city. It’s good for the business, it’s good for the economy, it’s good for the businessmen. Kasi, lahat naman na pumupunta dito, they need a hotel, they shop.
“So, it’s good for the community. It’s good for the city and it’s really a sort of thanksgiving also that we were able to get through the hardest of times. So, it’s a nice time to come out of our caves.”
Sabi naman ni Cong. Richard, “Itong 75 years ay milestone talaga ito. We are celebrating our 75 years with activities like this, para yung mga taga-Ormoc ay masaya sila, at nakita nila iyung nagagawa natin dito sa siyudad and we are an events capital, marami tayong mga activities dito.”
Nakikita naman sa mga taga-Ormoc na nakasanayan na nila ang pagdalo rito ng mga kilalang celebrities, at talagang naa-appreciate nila ang mga shows na pinapanood nila.
Nung Lunes ng gabi nga sa huling performance ng Philippine Philharmonic Orchestra, hindi sila natitinag kahit umuulan, pinapanood ito ng Ormocanons na nakapayong.
Ito ang isa sa magandang ibinahagi ng mag-asawang Gomez sa mga kababayan nila, ang pag-appreciate sa ating arts and culture.
Kung makakapunta ka sa kanilang museum dito, nakikita ang paintings na naka-display na ang iba ay gawa ni Congressman Goma at mga na-develop niyang artists sa Ormoc.
