GORGY RULA
Tila nakasanayan na ng mga tao ang pandemya.
Sanay na sa pagsusuot ng face mask, at hindi na rin gaanong nababahala kapag nahawa ng COVID-19 dahil alam na nila ang gagawin. Karamihan ay kaagad namang gumagaling, basta ipahinga lang ng ilang araw.
Kaya kahit nagbabanta pa itong bagong variant na XBB at XBC ng Omicron, pinipilit nang maging normal at itinutuloy na ang dating kinagawian.
Isa na nga rito ang mga kontesero at kontesera sa mga bikini contest na talagang lubha ring naapektuhan nang pumutok ang pandemya.
Mahigit dalawang taon din silang ngangey dahil walang mga bikini contest na nasasalihan sa iba’t ibang lugar. Ngayon ay buhay na buhay sila!
At ang nakakatuwa, nami-maintain nila ang magandang katawan para handang-handa sila kapag meron nang magpapa-contest na puwede nilang masalihan.
Mabuti at nangahas mag-produce ang event organizer at producer na si Marc Cubales ng isang malaking bikini competition, ang Cosmo Manila King and Queen 2022.
"We're back to normal. As a producer, I would like to be the first to produce a sexy pageant competition, a bikini pageant in a very nice venue.
"Higit sa lahat, para makatulong at magbigay saya na rin sa mga agent at models ng sexy pageant show," pakli ni Marc sa press presentation nung Linggo, October 23, 2022, sa Le Reve, Quezon City.
"Yung feeling na nakakapagbigay ng work through producing is good. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production, sobrang gagaling at, honestly, ramdam ko yung dedication nila sa work.
“So, deserved nila talaga na bumalik at magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila," dagdag niyang pahayag.
Gaganapin ang grand finals ng Cosmo Manila King and Queen 2022 sa SM Skydome sa November 5. Sasalihan ito ng 17 female candidates at 15 male candidates.
Halos lahat sila ay sanay nang sumali sa ganitong kumpetisyon, pero sobrang kinakarir nila ito ngayon. Bumabalik na sila sa "bikini world."
Tumataginting na PHP200,000 ang matatanggap ng bawat titleholder. Kaya nagpapasalamat silang lahat kay Marc Cubales dahil muli nitong binuhay ang bikini competition at inaasahan nilang tuluy-tuloy na ito.
Sa mga gustong manood ng grand finals ng Cosmo Manila King and Queen 2022 sa SM Skydome, available ang tickets sa SM Tickets. Puwede ring tumawag sa telepono 09667088434 at 09602533903.
Magsisimula ang show ng 7 ng gabi na ihu-host nina Michael Bristol, Joy Barcoma at John Nite.
Special guests sina Paul Salas, Kris Lawrence, SexBomb New Gen, at Batang Mama.
Ang ilang bahagi ng kikitain ng naturang competition ay mapupunta sa Cosmo Foundation: Gintong Palad & Balikatan Foundation.
JERRY OLEA
Bumaha ng raffle prizes sa presscon ng Cosmo Manila 2022 King and Queen last Sunday.
At ang saya-saya ng bingo hosted by John Nite, na pasado 12:00 midnight na natapos.
Itinanghal na Darlling of the Press sina Nash Mendoza at Sahara Cruz.

Nash Mendoza and Sahara Cruz
Mahigpit na nakalaban ni Sahara sa special award si Anita Gomez na 19” ang waistline. Pinay Barbie Doll ang peg ni Anita!
Takaw-pansin din sa Cosmo babes si Deberly Bangcore, na nakadalawang projects na sa Vivamax.
Kabilang pa sa mga dilag na nagpakitang-gilas ay sina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, at Morena Carlos.
Sa Cosmo hunks, andiyan din ang Vivamax newbie na si Paul Jiggs Venturero, at ang tinaguriang Bikini King of the Philippines na si Allen Ong Molina.
Ang iba pang Cosmo hunks na magpapasiklab sa finals ay sina Hawkin Madrid, David Soledad, Christian Villarin, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt Del Rosario, at RJ Absalud.
Sa press presentation ng Cosmo Manila ay nag-alay ng panalangin para sa yumaong kolumnista na si Ricky Calderon.
Ayon sa casting director na si Leklek Tumalad, sa finals ng Cosmo Manila 2022 ay may tribute naman sa mga yumaong bikini handlers, agents, or managers.
With Bembem Espanto as over-all director, kapana-panabik ang mga payanig sa paligsahang ito, maski itanong pa ninyo sa supervising producer na si Bb. Edz Galindez.
Ang producer ng Cosmo Manila 2022 ay ang dating model na si Marc Cubales, na siya ring producer ng forthcoming film ni Direk Jay Altarejos na Finding Daddy Blake.
Bida sa nasabing movie si Carlos Dala at ang Cinemalaya 2022 best actor na si Tommy Alejandrino.
Nasa cast din sina Oliver Aquino, Gio Alvarez, Joyce Pilarsky, Marc Cubales, at ang Gawad Urian 2021 best supporting actress na si Dexter Doria.
NOEL FERRER
Mga bagong pang-aliw at pagkakakitaan din. Welcome naman sa atin iyan.
Sana, maraming matulungan ang ganitong paligsahan at may magandang hahantungan, at walang maririnig na reklamo ng eksploytasyon.
At si John Nite, he’s back in circulation. That’s the singing doctor himself is now a bikini pageant host.
Balik-saya na nga ang industriya!
