PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa Gutierrez Maid confirms Maid In Malacanang Part 2

Ruffa, spotted kasama ni Herbert sa birthday ng ina ng aktres.
by PEP Troika
Published Oct 28, 2022
Ruffa Gutierrez
Ruffa Gutierrez, nagpahiwatig na posibleng may i-shoot siya sa Hawaii para sa part two ng pelikulang Maid In Malcanang. Aniya, "Baka nga... Kasi meron akong project dun with Cesar and Diego. Ang alam ko, magha-Hawaii lang kami."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Kinumpirma ni Ruffa Gutierrez nung Huwebes, October 27, 2022, na magkakaroon ng part two ang box-office hit na pelikulang Maid in Malacañang.

Nangyari ito sa grand launch ng bago niyang produktong Gutz and Glow na ginanap sa Hilton Manila sa Pasay.

Habang abala si Ruffa sa pagpirma sa kontrata ng mga "stockist" ng kanyang bagong lifestyle brand, binanggit niyang may schedule na siya ng shooting ng part two ng MIM.

Ani Ruffa, "Binigay na sa akin yung schedule pero wala pang nakalagay na title. Basta sinabi lang sa akin na if I’m free starting mid-November. Siyempre, sinabi ko, go!

"Basta kinuha pa lang yung schedule ko, um-oo na ako from November to December.”

Wala pa raw script na naibigay kay Ruffa. Kaya wala siyang ideya kung saan iikot ang kuwento.

Hindi niya masagot kung tatalakayin ba sa part two ng pelikula ang pangyayari pagkatapos napilitang umalis ang pamilya Marcos sa Malacañang at nanirahan sa Hawaii.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bunsod ito ng makasaysayan at mapayapang EDSA People Power Revolution, na hudyat ng pagtatapos ng mahigit 20 taong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nabanggit naman ni Ruffa na may meet and greet siya sa Hawaii para sa pelikulang Maid in Malacañang.

Posible kayang mag-shoot sila roon sa Hawaii?

"Baka nga… kasi meron akong project dun with Cesar [Montano] and Diego [Loyzaga].

"Ang alam ko, magha-Hawaii lang kami," pakli ni Ruffa.

Nabanggit din ni Cesar Montano sa nakaraang birthday party ni Tita Annabelle Rama na meron nga raw gagawing pelikula sina Cesar at Ruffa.

Sabi pa ni Tita Annabelle, kailangan nang simulan iyon dahil may schedule na raw sila ng playdate na February 2023.

Maaring ito na ang part two ng Maid in Malacañang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER:

Sa buong coverage ng bonggang 70th birthday ni Tita Annabelle, in fairness, ang ganda ni Ruffa na kasama sa picture ng nga power couples of the night.

May diretso bang pag-amin na sila na nga ni Herbert Bautista?

O kailangan pa bang i-memorize iyun? Oh well, what we see is what we get.

Pero may nagkumpirma ba, tanong ng mga Maritess. Or they were just there… as friends?

JERRY OLEA:

Ang pralala noon ay Martyr or Murderer ang follow-up ni Direk Darryl Yap sa Maid in Malacañang, at tatalakayin daw roon ang Plaza Miranda bombing noong Agosto 21, 1971.

Is this the same project?! Ito bang Martyr or Murderer ang sequel or prequel ng Maid in Malacañang?

Sa Maid In Malacañang, tampok si Ruffa Gutierrez bilang First Lasy Imelda R. Marcos, si Cesar Montano bilang President Ferdinand E. Marcos, Giselle Sanchez bilang Cory Aquino, at Cristine Reyes bilang Imee Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANOTHER MOVIE FROM KATIPS CREATOR?

Naulinigan natin na ang grupo ng Katips ay magsasapelikula rin ng biopic ng yumaong Senator Ninoy Aquino.

Nag-PM (private message) kami sa lead actor-director-producer ng Katips na si Atty. Vince Tañada kung totoong ikinakasa na nila ang nasabing film project.

"Hehehe" lang ang tugon ni Atty. Vince.

JOEL LAMANGAN'S ORAS DE PELIGRO

Sa kabilang banda, noong Oktubre 25, 2022, Martes, nag-umpisa na si Direk Joel Lamangan ng syuting para sa pelikulang Oras de Peligro, kung saan bida si Cherry Pie Picache.

Pebrero 2023 rin ang target playdate nito! Ang backdrop ng istorya ng Oras de Peligro ay ang People Power Revolution sa EDSA noong Pebrero 1986.

Pero ipinagdiinan ni Direk Joel na hindi ito sagot sa Maid in Malacañang.

Sa Oras de Peligro, meron bang gaganap na Presidente Ferdinand E. Marcos at iba pang personalidad?

"Sila mismo ang nasa pelikula. Kasi, may video component ito, e," sabi ni Direk Joel sa storycon noong Oktubre 23, Linggo sa Max’s Sct. Tuason St., QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May video component of the last four days of that time. So, sila mismo ang andun.

"Walang aarte bilang Cory. Walang aarte kina Imelda. Walang aarte bilang Ferdinand. Pero andun sila sa video dahil sila ang katotohanang nangyayari."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez, nagpahiwatig na posibleng may i-shoot siya sa Hawaii para sa part two ng pelikulang Maid In Malcanang. Aniya, "Baka nga... Kasi meron akong project dun with Cesar and Diego. Ang alam ko, magha-Hawaii lang kami."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results