GORGY RULA:
Sa November 7, 2022 na magsisimula ang bagong afternoon drama series na Unica Hija, tampok ang bagong tambalang Kate Valdez at Kelvin Miranda.
Sa pilot week nito ay may special participation si Alfred Vargas, na gustung-gusto ang role niya rito.
"Ako run ang tatay ni Kate Valdez, tapos asawa ko si Katrina Halili. Isa ako sa pinakamagaling na genetic engineers.
"Tapos first time na nagkaroon ng successful na cloning. Ginawa sa aso, sa hayop.
"Tapos biglang may nangyari sa anak namin ni Katrina, devastated kaming mag-asawa. Tapos naghiwalay kami because of that.
"Sabi niya sa akin, 'Matatanggap kita ulit kung mababalik mo yung anak natin.' E, wala namang iba.
"So, ako para magbalikan kami ni Katrina, yun na! I did the unthinkable, kinlone ko yung anak ko. Dun na nagsimula," kuwento ni Alfred.

Na-enjoy ng actor-politician ang pagiging active niya uli sa showbiz dahil binigyan siya ng GMA-7 ng magandang project.
Guest lang siya rito sa Unica Hija, pero markado. Kung puwede nga lang daw makabalik siya rito, kahit namatay na ang karakter na ginampanan niya.
"Sa sobrang gusto ko yung show na yun, biniro ko nga sina Direk. 'Puwede ba i-clone ko yung sarili ko, babalik ako sa show?' Sabi nila, 'Who knows?'" natatawa niyang pahayag.
Naka-lunch namin si Alfred sa Super Sam, Quezon City nung Huwebes, October 27, 2022.
Tapos na ang termino ni Alfred bilang congressman ng 5th district ng Quezon City. Ang kapatid niyang si PM Vargas ang pumalit sa kanya bilang representative ng naturang distrito.
Nanalo naman si Alfred nung nakaraang eleksyon bilang konsehal ng 5th district ng Quezon City, at hindi naman daw ganun kabigat ang trabaho kung ikumpara sa isang congressman.
Kaya gusto rin niyang magpaka-busy sa pag-arte. Thankful si Alfred sa GMA-7 dahil binigyan kaagad siya ng magandang project.
Pagkatapos ng guesting niya sa Unica Hija, binigyan agad siya ng kasunod na project na bahagi siya ng main cast. Ito ngayon ang kasalukuyan niyang tini-tape.
"Tuwang-tuwa naman ako sa Kapuso Network, meron kaagad na bago," napapangitig pahayag ni Konsehal Alfred Vargas.
- Sharon Cuneta addresses Hermès-store controversy: “Hindi naman ako bobo.”
- Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation
- Maxene Magalona deeply moved by Grab driver's story
NOEL FERRER:
Buti naman at nagbalik na si Alfred sa pag-arte, pero alam natin na ang puso niya ay nasa serbisyo publiko.
Sana sa tatlong taon niya sa konseho makagawa siya ng maraming magagandang projects sa TV o pelikula para kapag nagbalik siya sa kongreso, may matibay na siyang legacy sa broadcast arts. Good luck, Alfred!
JERRY OLEA:
"Once an actor, always an actor," ikanga.
Good luck kay Alfred na noon pa man ay mahal at pinahahalagahan ang kanyang pagiging artista!
