GORGY RULA:
Ang cool lang ng interview ni Korina Sanchez kay Senator Loren Legarda na ipinalabas sa Korina Interviews sa NET25 nung nakaraang Linggo, October 23, 2022. Nakakadagdag pa ang coolness ng napaka-relaxing na farm ng senadora.
Ang nakakaaliw sa kanilang usapan ay ang tsika ni Senator Loren kung paano niya napasok ang commercial modeling kung saan napakaraming produktong inendorso nung kabataan niya, hanggang sa naging broadcast journalist siya at pinasok na ang pulitika.
Ang touching sa kuwento ng senadora ay ang kanyang yaya na nagpalaki sa kanya at itinuring niyang sariling ina.
"Nung nawala ang mama, [si] nanay na talaga ang mama ko. She’s still with me here. She’s 88.
"She never married. Siya ang nag-alaga sa akin mula nung ako’y napanganak. Inaalagaan ko siya. I love her like my own. Never siya nagkaroon ng sariling pamilya.
"Umalis siya ng Ilocos. Taga-Paoay, Ilocos Norte dahil hindi siya pinag-aral ng kanyang magulang," pakli ni Senator Loren.
Parang modelo na sa kanya ang kanyang "nanay" na tingin niya naging kaugali na niya ito.
"Si Nanay ang naging ehemplo ko na walang naging hindi kaya. Alam mo, wala siyang tinapos, grade school.
"Marunong siya mag-dressmaking, tailoring. Parang electrician pa siya. Siya ang gumagawa ng sewing ko. Marunong umayos ng bahay. Masarap magluto. Inaalagaan ako," dagdag niyang pahayag.

Bukas ay kaabang-abang na naman ang bagong episode ng Korina Interviews kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapanayam ni Korina si Karen Davila.
Medyo nagugulat si Karen sa mga deretsong tanong ni Korina na nakaintrigahan niya noon pa.
Kaya nga isa sa unang pasabog na tanong ni Korina kay Karen, "Bakit sa tingin mo pinag-aaway nila tayo?" Abangan ito bukas sa NET25 ng alas-singko ng hapon, bago mag-Love, Bosleng and Tali.
- Korina Sanchez on bashers: "Pag ang kausap mo ang mga walanghiya, kailangan medyo walanghiya ka rin!"
- Pepe and Pilar Roxas have cute requests on their first day in school
- Korina Sanchez proud of colleagues who trained from the “number one network”
NOEL FERRER:
Interesting itong pagsasama nina Karen at Korina; at ang maganda ngayon ay they are both coming from a happy and comfortable place.
Hindi naman sila pinag-aaway. Pinagtatapat siguro. And during that time, they were both easily carried away ng ganung talks on competition kaya meron silang mga moments na seemingly nag-aaway.
Pero those are things of the past. Siguro, ang magandang pag-usapan nina Karen at Korina, maliban sa kanilang personal na buhay, ay ang impact ng mga pagbabago ng media sa kanilang karera.
Maibabalik pa ba ang kanilang pagiging matapang, investigative, at hard hitting journalists? Or okay na sila sa light lifestyle talk na ginagawa nila ngayon?
Parang naiba rin ang temperament nila bilang mamamahayag dahil sa social media. Saan kaya papunta ito? Nakikita ba nila ang sarili nilang pumapasok sa politika?
Magandang abangan ang ganitong balitaktakan sa mga media personalities na may K!
JERRY OLEA:
“Pinag-away” sila nang lumipat si Karen Davila sa ABS-CBN.
Kumbaga, ang dating ay parang in-invade ni Karen ang teritoryo ni Korina Sanchez.
Wala nang prangkisa ang ABS-CBN. Wala na silang “pag-aagawan” pa, so to speak.
Si Ate Koring ay nag-TV5, at natsismis na lilipat sa ALLTV, pero nabalitaan na lang natin na nasa NET25.
Sa paglipas ng panahon ay nanatiling nasa broadcast industry sina Karen at Korina, at pinatunayan nila na legit ang kani-kanyang “K.”
"I didn’t know that Karen and I have so many things in our lives in-common. And it really surprised me.
"Was that rivalry real? E, manood na lang kayo. And if you watch it on my YouTube channel Rated Korina, don’t skip the ads, ha!" pagtawa ni Korina.
