GORGY RULA
Never! As in never ever nang kukunin ng mga staff ni Mayor ng isang probinsya ang kilalang female singer na inimbitahang mag-perform sa isang malaking event doon ilang buwan na ang nakaraan.
Nagulat sila sa pag-a-attitude nitong female singer na buong akala nila ay maghahatid ng good vibes sa kanilang lahat.
Nakasabay niyang nag-perform ang sikat ding male singer/rapper at ang beteranang female singer/actress.
Nagulat sila paglabas ng stage nitong female singer, naka-shorts lang siya at simpleng maluwag na T-shirt na akala mo ay nasa bahay lang siya.
Samantala si beteranang singer/actress na nakasabay niya ay effort talaga ang outfit, na alam mong pinaghandaan.
Ang nakakaloka pa sa female singer na ito, dedma siya sa mga gustong magpa-picture sa kanya. Nakaharang pa ang mga kasama niya kaya hindi siya agad malapitan.
Nakatalukbong pa ito para hindi siya makita.
Hindi lang natin sure kung nagtatakip ng mukha para hindi makita o kailangang hindi mainitan ang fezlak nito!
Merong isang staff na nakalusot na gustong magpa-picture, nagbilang ang isang bantay nito ng 1 to 5 at tumalikod na agad si female singer.
Hindi tuloy nakunan at wala ring nangyari sa pa-selfie ng isang staff.
Kaya isinumpa nilang hinding-hindi na nila kukunin ang female singer na ito.
Ang layu-layo raw kay Regine Velasquez na walang karekla-reklamo sa mga gustong magpa-picture sa kanya.
Narinig nga namin nung nagpa-concert sila ni Ogie Alcasid sa Ormoc City, isa-isang nagpa-picture ang mga waiter na nagsisilbi sa kanila.
Sinabihan ng isang staff na isang group picture na lang, sinabihan ni Regine na okay lang isa-isa. Matatapos din daw iyun.
NOEL FERRER
Owwwww, lagot! Kaya ba naman naging front act lang siya sa favorite artist ni Tito Jerry?
Lesson learned—maging mabait at magiliw ka sa mga humahanga sa iyo at babawi iyan sa iyo sa pagsuporta sa iyo!
Bibilang na ba tayo ng 1… 2… 3… 4… 5… sa career ng female singer na ito?
Sana, matauhan siya agad bago niya mapansin na lipas na ang panahon niya.
JERRY OLEA
Nakakapagsisi na hangaan at suportahan ang mga ganyang atti!
Nawa’y pulutin sa La Ocean Deep ang mga retokadang hitad na nalulunod sa isang pitsel na tubig!
Uno, dos, tres, cuatro, cinco…
