PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa Gutierrez-Herbert Bautista relationship, palaisipan pa rin

Ruffa, nilinaw na di kasama si Yilmaz Bektas sa recent Italy vacation niya
by PEP Troika
Published Oct 30, 2022
ruffa gutierrez on herbert bautista
"What you see is what you get" pa rin ang sagot ni Ruffa Gutierrez tuwing tinatanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ng rumored boyfriend na si Herbert Bautista.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram

GORGY RULA

Nilinaw ni Ruffa Gutierrez sa nakaraang grand launch ng Gutz and Glow na ginanap sa Hilton Manila nung nakaraang Huwebes, October 27, na hindi niya kasama ang dating asawang si Yilmaz Bektas nung nagbakasyon siya sa Italy.

Dahil okay na sila ni Yilmaz para sa kanilang anak, ang akala raw ng iba ay nagkabalikan na sila.

“Akala ng mga tao, magkasama kami sa Italy. Siyempre ikukuwento ko naman yun. Marami kasing mga websites ngayon na parang Ruffa-Yilmaz loveteam.

“Ano ba ito? Kung kailan naman kami naghiwalay, parang… bakit ganyan ang mga Pilipino, di ba? Pag together kayo, gusto nilang maghiwalay. And then when you guys are hiwalay, they wanna put you back together.

“So, feeling ko wala na talagang ano, balikan na mangyayari. I’m sorry to disappoint the fans, but I don’t wanna play any games, di ba?

“Siguro the only balikan na mangyayari, is talagang as co-parents to the kids, and have a healthy relationship. But in terms of romantic or magpapakasal ako ulit sa kanya, wala na,” pahayag ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Masaya lang daw si Ruffa na okay na ang dalawang anak niyang sina Lorin at Venice nang makita nila ang kanilang ama na si Yilmaz Bektas after 15 years.

“I thought that was the beginning of a lot of great things na magko-co-parent kami, and biglang ang daming fans.

“Akala ko it’s gonna be the start of a lot of beautiful things to come. Pero maybe what happened in Istanbul is also a closure sa pain na, ‘Sino ba talaga yung tatay ko. Hindi ko pa siya nakikita. It’s been 15 years. What does he look like, how does it feel?’

“You know, para sa isang bata, there’s always the curiousness na, ‘I wanna get to know my Dad.’ So, baka iyon ang naging closure dun sa pain na iyon.

“Nag-thank you naman si Yilmaz. So, nag-usap kami for a while. But if it doesn’t continue, then okay lang. At least, nagkita na sila finally, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oo, moving on and moving forward na talaga… teka, sina Ruffa G na nga ba at dating QC Mayor Bistek?

Kailangan pa bang i-memorize iyun?

JERRY OLEA

Wala pa ring inaamin sina Ruffa at Herbert Bautista kung sila na ba talaga.

Nung nakaraang 70th birthday party ni Tita Annabelle Rama, hindi napiga si Herbert kung sila na ba ni Ruffa. Hanggang close friends pa rin ang sinasabi.

Pero sabi naman ni Ruffa, “What you see is what you get.”

Inamin ni Ruffa na malaki ang impluwensya ni Herbert kaya nakapagtapos siya ng pag-aaral, at ngayon ay nagma-Masters na siya sa Mass Communications.

Suportado rin daw ni Bistek ang bago niyang negosyo. Nagkausap daw sila bago siya tumuloy sa grand launch ng kanyang lifestyle brand.

Ani Ruffa, “Dito, he just said break a leg kanina, and you know he’s very supportive and excited siya.

“Ang maganda naman kasi kay Herbert, he’s very mature. He supports me in my dreams and goals. Hindi siya nakikialam sa mga gusto kong gawin sa buhay.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang masasabi niya na tingin ng marami ay may relasyon na sila bilang magkasintahan?

“I read an article, I forgot who wrote about it. Sabi, because natalo siya sa eleksyon, hindi na kami nagpapansinan and hindi ko na siya kinakausap.

“So, I think that’s wrong because they don’t really know what happens behind closed doors. Tuluy-tuloy yung communication. I believe kasi that a private life is a happy life, di ba?

“What you see is what you get. So, ano ba yung nakita niyo kagabi?” pagtukoy niya sa birthday party ni Tita Annabelle kunsaan magkasama sila sa isang table.

“Hindi naman kami magka-loveteam, ano? Hayaan mo, sa next project, puwede!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"What you see is what you get" pa rin ang sagot ni Ruffa Gutierrez tuwing tinatanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ng rumored boyfriend na si Herbert Bautista.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results