GORGY RULA
Hindi pa rin natatapos ang isyung paglipat nina Jake Cuenca at Sam Milby sa GMA-7.
Merong negosasyon daw kay Enrique Gil, pero wala pa rin kaming nakukuhang kuwento sa ilang napagtanungan namin sa mga taga-GMA.
Nagkaroon ng pagkakataong nasagot ni Sam ang isyung ito nang humarap siya sa ilang miyembro ng entertainment press nang inilunsad siyang bagong brand ambassador ng Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.
Sinagot ni Sam ang ilang isyu pati na rin ang tungkol sa kanila ni Catriona Gray, pero pagdating sa kumalat na balitang may offer ba ang Kapuso network sa kanya, matagal siyang nakasagot. Humingi pa siya ng tulong sa kanyang handler sa Cornerstone Entertainment.
Sabi lang ng handler niya, totoong merong offer, pero hindi na raw umabot sa negosasyon dahil matagal pa raw ang kontrata ni Sam sa Kapamilya network.
Totoo bang isa siya sa pinagpilian noon na i-partner kay Herlene Budol sa Magandang Dilag?
“I don’t know If I wanna talk about offers, but hangga’t kaya, I would not want to leave,” pakli ni Sam.
“Because ABS is the one who made me and where I am, and I appreciate it, you know, changed my life.
“As long as I can stay with them, as long as they need me, I will stay.”
Ayaw raw niyang iwan ang istasyong nagpalaki sa kanya lalo na’t may pinagdaanan pa ito.
“Siyempre, kawawa ang ABS ngayon na walang prankisa, and hindi rin natuloy ang partnership with TV5, which I thought it would be helping for ABS.
“But you know ABS is surviving, they’re putting out great projects, and I think that’s one thing about ABS, you can be assured na yung proyekto na nilalabas nila is maganda,” dagdag niyang pahayag.
JERRY OLEA
Wala raw masasabi si Sam ilang Kapamilya artists na lumipat sa GMA-7.
Basta maayos lang daw ang pagpaalam at hindi nagkaroon ng samaan ng loob.
“I think they understand, because you know, work is work. Basta nagpaalam ka lang nang maayos sa station, there’s should be any bad blood,” pahayag ng latest Beautederm ambassador.
“I mean, one good example for me was Rayver [Cruz]. Lumipat si Rayver even before pandemic. Nagpaalam siya nang maayos, and I think he will always have good relationships. I think that’s important, don’t burn any bridges.
“Make sure that you show appreciation for the station that’s given you so much love and so much work and blessings. And I think if you keep that relationship and nagpaalam lang nang maayos, yeah I think you’ll be all right.”
Kabilang si Sam sa cast ng Kapamilya teleseryeng A Family Affair, kung saan bida rin sina Ivana Alawi at Gerald Anderson. Napapanood ang nasabing drama series tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 9:20 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live,A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, iWantTFC at TV5.
Sa grand launch niya as endorser, sinasalubong ng Beautéderm President and CEO na si Rei Anicoche-Tan si Sam with open arms dahil para sa kanya, ang actor ang best choice upang kumatawan sa pinakabagong mga produkto.
Ani Ms. Rei, “The line-up of Beautéderm’s A-list brand ambassadors could never be complete without Sam. I have always admired his body of work at happy na ma-discover na ang saya at ang gaan pala niyang katrabaho.
NOEL FERRER
Open daw si Sam sa collaboration. May mga pag-uusap na magkakaroon ng partnership ang ABS-CBN at GMA-7, okay raw siya sa ganung ideya.
Bukod sa GMA-7, meron ding ALLTV na puwedeng makipag-collab sa Kapamilya network. Pero wala raw alok sa kanya ang ALLTV.
“I think what’s nice sa business ngayon, before mga 10 to 15 years, grabe yung network wars, di ba? I think, it’s not exactly the same.
“There is still you know the competition, but I think they’re lay to work together. I think it’s a nice to you know, being able to have it now.
“Yeah! Kung maganda yung proyekto. If it’s a good role and good project, yeah.”
Ang challenge lagi kay Sam is to get even better as an actor at lalo pang maging madulas at swabe ang kanyang pananagalog.
