GORGY RULA
Ang laki ng nagagawa ng intermittent diet kay Alfred Vargas para tuluy-tuloy ang pagpayat.
Ngayong nagbabalik na siya sa pag-arte, kailangan niyang ma-maintain ang payat na pangangatawan, malayo sa dati niyang kalagayan noong active siya sa pulitika.
Read: Alfred Vargas, balik-acting sa GMA-7
Dahil hindi gaanong mabigat ang trabaho niya ngayon bilang konsehal ng 5th district ng Quezon City, naitutuluy-tuloy niya ang pagte-taping nang hybrid sa drama series ng GMA-7 na Unica Hija.
Ibinahagi ni Alfred ang mga pinagdaanan niya noon nung umabot ang kanyang timbang ng 253 pounds. Na-depress daw siya nung panahong iyon.
"Pinag-usapan namin ito ni Wendell Ramos nung natengga kami sa taping sa Antipolo, nagulat siya sa revelation ko.
"Umabot ako sa at the worst, ito yung mga panahon na nag-campaign ako, siguro between 2010 to 2012… umabot ako ng 253 pounds," bulalas ni Alfred nang naka-lunch namin nung nakaraang linggo.
"Hindi ako lumalabas ng bahay, hindi ako nagpa-picture, na-depress ako. Years din yun, until sa nag-diet ako.
"Ang nangyari kasi nun, nung umalis ako sa showbiz, parang napabayaan ko yung sarili ko. Parang hindi ko na kailangan alagaan that much ang sarili ko. Kasi may obligasyon muna ako sa tao.
"Subconciously, nakalimutan ko yung sarili ko talaga. Hindi na ako na-concious sa looks. Kasi, wala nang pictorial, wala nang ano, hubad-hubad sa beach. Hindi na ako sireno. Okay na ako mag-barong.
"Hindi ko na namalayan, ayun na! Pound after pound na nag-add ako. Hanggang sa pag napapatingin ako sa salamin, imbes na magpapayat ako, lalo pa akong napapakain sa depression,” dagdag niyang salaysay.
- Alaala ni Danny Javier sa mag-asawang Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo; ambag niya sa OPM, noontime viewing
- Kim Atienza at team ng "Dapat Alam Mo" nasaksihan ang trahedya sa Itaewon
- Sarah Geronimo to her parents: “Patawad po.”
JERRY OLEA
Nakadagdag sa depression ni Alfred nung pumanaw ang kanyang ama. Pero dito rin napagtanto ng actor-politician na kailangan na niyang mag-diet para bumaba ang kanyang timbang.
Naging hiyang sa kanya ang intermittent diet na ilang taon na niyang ginagawa.
"Tapos nagsimula nung namatay yung daddy ko, dun ako na-depress pa. Tapos, I tried different diet, at least bumaba nang bumaba ang weight ko nun, medyo naibabalik ko na.
"Ngayon, happy na ako basta below 200 ako, maximum na dapat below 200. Pero kung papipiliin ako, gusto ko sana mag-175. Ngayon, nasa gitna ako ng 175 and 200."
Naging effective sa kanya ang 16 hanggang 20 hours na walang kinakain, o tinatawag na intermittent fasting, at ang diet na walang carbs at sweets.
"Iyon ang diet na hiyang sa akin. Pag gusto ko talaga mag-lose, nagsi-zero carbs ako. Pero pagka medyo na-reach ko na ang weight na yun, puwede na uli ako mag-rice."
Kapag nasa intermittent diet siya, ang araw ng Linggo ang cheat day niya dahil buong araw niyang nakakasama ang kanyang pamilya at sama-sama silang kumakain.
NOEL FERRER
Nitong ipinagdiwang ni Alfred ang kanyang 43rd birthday, isa sa na-realize niya ay hindi lang dapat dahil sa may trabaho kaya kailangan niyang magpapayat. Ang mahalaga sa kanya ay ang pamilya, lalo na para sa tatlo niyang anak.
"Nung nakita ko na lumalaki na yung mga anak ko, parang it’s not for the vanity anymore. Hindi ko na ito gagawin para lang sa project o para lang sa poster, o para lang sa fashion show. Kasi, nag-Bench din ako dati, di ba?
"Ngayong may mga anak na ako, gusto ko buhay pa ako pag nagdi-debut sila, nagpapakasal sila, tapos magkakaapo pa ako. Yun lang. Mas magandang motivation yun.
"Dun ako talaga pag naano na yung family ko, para gagawin ko ito para sa mga anak ko. Siguro, yun nga, na-senti-senti pa ako ngayong 43 na ako. Gusto ko talaga pagbutihin yung well-being saka longevity."
Happy Birthday, Alfred, at sana, matumbok mo ang tunay mong legacy sa industriya at komunidad at bansang kinabibilangan mo. All the best!!!
