PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelo Ilagan, inamin ang sexual fantasy na tinotohanan niya

Angelo Ilagan: "Hindi naman po ako sobrang wild, e."
by PEP Troika
Published Nov 2, 2022
Angelo Ilagan, star of Kabayo
Angelo Ilagan, all-out ang wild love scenes sa pinagbibidahang pelikula: "Kasi, on and off ako sa show business. Ahhm, tingin ko kailangan kong maging mas daring ngayon sa gagawin kong pelikula, lalo na’t ito yung comeback project ko talaga."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Sobrang liberated ang karakter ni Angelo Ilagan sa pelikulang Kabayo na unang handog ng Kabayo Films.

"Gaganap akong Easton na galing New York City," sambit ni Angelo sa storycon noong Oktubre 23, 2022, Linggo, sa Fiyo Bagi restaurant, Sct. Borromeo St., Quezon City.

"Hinahabol ko pa rin yung mga fantasies ko sa sex. May gustong i-try si Easton sa story."

Sa totoong buhay, pakiwari ni Angelo ay nagawa na niya lahat ng sexual fantasy niya.

"Hindi naman po ako sobrang wild, e. Sa akin, pinaka-fantasy ko lang ay magkaroon ng ka-sex sa forest," napapangiting lahad ng 30-anyos na aktor.

"Kasi, mahilig akong mag-motor sa bundok. So, may mga naisama akong mga girlfriend ko dati. Last kong punta, sa Antipolo."

Hindi ba maraming tao sa mga gubat doon?

"Yun nga ang challenge dun, e. Kailangan maging adventurous ka dun. Kailangan, quickie ka lang talaga," saad ni Angelo.

"May mga tagong places naman po sa Antipolo. Minsan sa mga river crossing, mga ganun. Dun nangyayari, pero matagal na panahon na."

Ano ang dating sa kanya pag sinabing kabayo?

"Ang dating sa akin, parang sobrang hard nito. So, pagdating sa mga eksena, kailangang wild, parang ganun ang dating sa akin," tugon ni Angelo, na hindi pa raw nakasakay sa kabayo.

Ang huling pelikulang ginawa ni Angelo ay Alimuom ng Kahapon (2015), kung saan nagkaromansahan sila ni DM Sevilla.

Sa pelikulang Kabayo ay magkakapisilan sila ni Rico Barrera, bagamat kaharutan din nila ang mga baguhang babae.

"Isa po yun sa mga pinaghahandaan ko. Kasi, yung last time na ginawa ko with DM Sevilla, sobrang daya yun," pag-amin ng aktor.

Mas mapangahas na ba si Angelo ngayon?

Napabuntong-hininga si Angelo, "Ahhmm, tingin ko, para sa akin ngayon, kailangan kong gumawa ng ibang challenges sa buhay, lalung-lalo na sa acting career.

"Kasi, on and off ako sa show business. Ahhm, tingin ko kailangan kong maging mas daring ngayon sa gagawin kong pelikula, lalo na’t ito yung comeback project ko talaga."

Pwetmalu na noon pa sa Angelo sa indie movies. Hanggang saan ang kapangahasan niya sa Kabayo, pati na yung naka-line up niyang project sa AQ Prime with Joni McNab?

"Hindi ko pa na-try yung talagang torrid kiss, yung romansa talaga. Though may mga nagawa ako dati na man-to-man pero halos lahat naman yun, daya," pagtatapat ni Angelo.

Lumabas din si Angelo sa mga pelikulang Sarong Banggi (2005) with Jaclyn Jose, at Unfriend (2014) with Sandino Martin.

Siyanga pala, maliban kina Angelo at Rico ay nasa cast din ng Kabayo sina Paolo Rivero, Ping Medina, at ang baguhang nymphets na sina Julia Victoria, Apple de Castro, at Francesca Flores.

GORGY RULA

Siniguro ni Angelo na hindi siya madadarang sa eksenang pisilan with Rico Barrera.

"Na-try ko na po kasi before yung matinding man-to-man with Sandino Martin, at hindi naman po ako na-arouse dun," sambit ni Angelo.

Co-producer ng Kabayo Films sa pelikulang Kabayo ang independent film company na LDG Productions ni Lito de Guzman, na manager ni Angelo.

Ikinuwento naman ng direktor na si Gianfranco Morciano kung paano nabuo ang istorya ng pelikula.

"Basically, kung bakit Kabayo ang title ng movie, is going back to 2017, isang concept pa lang siya.

"Konsepto na short film siya. Tungkol ito sa live-in partner for seven years, who want to scale up their relationship into a more sexual approach.

"Doon na nangyari ang journey nila in a way kung bakit nagkaletse-letse ang relationship nila," paliwanag ni Gianfranco.

Patuloy ng direktor: "Sa mga nagtatanong kung bakit Kabayo ang title, actually totoong may kabayo sa pelikula. Kumbaga it’s a symbol.

"As we all know, ang kabayo ay sinasakyan ng kahit sino. So yung theme ng movie ay nagre-reflect kung ano ang isang kabayo.

"Fast forward sa isang session with some good friends, yung concept na short film ay nag-expand at naging full-length feature. And everyone was so excited to do it."

Ibinalita ng co-producer na si Lito de Guzman na sa Vivamax mag-i-streaming ang Kabayo.

Ani Lito, "Intended talaga into sa Vivamax. Nakausap ko na si Boss Vic del Rosario about this. Sabi ko, magpo-produce na ako ng pelikula para sa Vivamax at may ipe-present akong script.

"Sabi ni Boss Vic, huwag ko nang ipabasa ang script at ituloy ko na! Palibhasa raw, Viva artists lahat daw ang kinuha ko.

"Sabi pa niya, 'Paano pag hindi ko binili ang movie?' 'Wala kang choice!'

"Di ba? Wala siyang choice. Siyempre, thankful ako kay Boss Vic sa suporta niya sa akin."

Ngayong Nobyembre 18-25 magsyusyuting ang Kabayo sa Tacloban.

NOEL FERRER

Mahusay na aktor si Angelo Ilagan. Sana nga lang, makita pa rin ang kanyang galing dito sa Kabayo.

Nahasa siya sa pangangalaga ng yumaong si Direk Maryo J. de los Reyes.

At bitbit niya ang lahat ng iyon ngayon. Sana talaga, malinis na siya sa kung anong isyu meron siya noon.

And welcome back sa showbiz, Angelo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelo Ilagan, all-out ang wild love scenes sa pinagbibidahang pelikula: "Kasi, on and off ako sa show business. Ahhm, tingin ko kailangan kong maging mas daring ngayon sa gagawin kong pelikula, lalo na’t ito yung comeback project ko talaga."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results